Giovanni Francesco Straparola
Si Giovanni Francesco " Gianfrancesco " Straparola, kilala rin bilang Zoan o Zuan Francesco Straparola da Caravaggio (ca. 1485?-1558),[1][2] ay isang Italyanong manunulat ng tula, at kolektor at manunulat ng maiikling kuwento.[3] Sa isang punto sa kaniyang buhay, lumipat siya mula Caravaggio patungong Venecia[4] kung saan naglathala siya ng isang koleksiyon ng mga kuwento sa dalawang tomo na tinatawag na Ang mga Palabirong Gabi o Ang mga Kaaya-ayang Gabi. Kasama sa koleksiyong ito ang ilan sa mga unang kilalang nakalimbag na bersiyon ng mga kuwentong bibit sa Europa, gaya ng pagkakakilala sa mga ito ngayon.[5][2][6]
Talambuhay
baguhinBuhay
baguhinHindi gaano ang kaalaman tungkol sa buhay ni Straparola maliban sa ilang mga katotohanan tungkol sa kaniyang mga inilathalang gawa.[7][8] Siya ay malamang na ipinanganak noong mga 1485 sa Caravaggio, Italya (sa Lombardiang kapatagan sa silangan ng Milan).[9][2] Gayunpaman, wala nang nalalaman tungkol sa kanyang buhay hanggang 1508 nang siya ay natagpuan na sa Venecia kung saan nilagdaan niya ang kaniyang pangalan na "Zoan" sa pahina ng pamagat ng kaniyang Opera nova de Zoan Francesco Straparola da Caravaggio novamente stampata (Mga Bagong Gawa ).[10][2]
Bago ang paglathala ng unang tomo ng Ang mga Kaaya-ayang Gabi, nakakuha si Straparola ng pahintulot na maglathala mula sa mga Venecianong awtoridad noong Marso 8, 1550, kahit na ang pangalan sa pahintulot ay "Zuan Francesco Sstraparola da Caravaggio."[11]
Si Straparola ay sinasabing namatay noong 1558.[2] Ngunit ang kaniyang kamatayan ay maaaring nangyari nang mas maaga dahil pagkatapos ng 1556 o 1557 na takbo ng paglilimbag, ang tabas sa kahoy na larawan ng may-akda ay nawala sa akda pati na rin ang mga salitang "All'instanza dall'autore" (sa atas ng may-akda), ang palimbagan ay Comin da Trino, Venecia.[12] Ito ay posibleng maglagay sa pagkamatay ni Straparola bago ang 1558 (iminumungkahi ni Bottigheimer na 1555 dahil sa salot noong panahong iyon,[13][14] at sa ilang lungsod maliban sa Venecia dahil ang kaniyang kamatayan ay hindi naitala sa mga talaan ng kamatayan ng Venice noong noong dekada 1550 hanggang unang bahagi ng dekada 1560).[15]
Bilang isang lalaking masulat na hindi katutubo sa Venecia, maaaring may posisyon si Straparola bilang guro, pribadong kalihim, o isang uri ng 'multong manunulat' para sa isang patron.[8]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Bottigheimer 2002, p. 45.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Zipes 2015, p. 599.
- ↑ Bottigheimer 2002, pp. 30 & 78.
- ↑ Bottigheimer 2012.
- ↑ Bottigheimer 2012, p. 7.
- ↑ Straparola 1894, p. xii.
- ↑ Bottigheimer 2012, p. 13.
- ↑ 8.0 8.1 Straparola 1894, p. xi.
- ↑ Bottigheimer 2012, p. 41.
- ↑ Bottigheimer 2002, pp. 45–46.
- ↑ Bottigheimer 2002, pp. 106–107.
- ↑ Bottigheimer 2002, p. 117.
- ↑ Bottigheimer 2002, p. 45, 81.
- ↑ Crawshaw 2014, p. 10.
- ↑ Bottigheimer 2002, p. 81.