Giovanni Sforza

Si Giovanni Sforza (Hulyo 5, 1466 – Hulyo 27, 1510) ay isang Italyanong condottiero at panginoon ng Pesaro at Gradara mula 1483 hanggang kanyang kamatayan. Nakilala siya sa pagiging asawa ni Lucrezia Borgia. Noong Marso 1497, napawalang bisa ang kanilang kasal dahil sa mga pahayag na baog si Sforza.

Nakaimprentang mukha ni Sforza sa isang barya.