Pali (glandula)

(Idinirekta mula sa Glandulang pali)

Ang pali (Ingles: spleen) ay isang malaking glandulang nasa loob ng tiyan.[1] Kabilang sa ilang mga trabaho o gawain ginagampanan nito ang paggawa ng mga puting dugong selula upang makapananggalang o makalaban sa mga bakterya, at para rin sa pagdurog o pagwasak ng mga sirang pulang dugong selula.[2] Ito rin ang parte ng katawang sumasala at nagpapaimbak ng dugo.[1] Tinatawag din itong limpa.[1] Sa ilang sanggunian, natatawag din ang glandulang pali bilang "apdo" bagaman mayroong tunay at nakahiwalay na organong apdo ang katawan.[3]

Ang lokasyon ng pali sa katawan ng tao

Sa tao, ang pali ay kulay lila at nasa kaliwang itaas na kuwadrante ng puson.[4][5] Ang prosesong pagtitistis upang tanggalin ang pali ay kilala bilang esplenektomíya. Ang trauma, tulad ng banggaan sa kalye, ay maaring madulot ng situwasyon ng pagputok ng pali, na kinakailangan ng agarang atensyong pangmedisina.

Mga bahagi

baguhin

Puting sapal

baguhin

Ang puting sapal (white pulp) ay ang bahagi ng pali na binubuo ng tisyung limpatiko, na karamihan nito ay ang mga B limposito. Tinatawag itong puting sapal dahil mas mukha itong puti kaysa pinapalibutang pulang sapal sa nagkukrus na seksyon. Sinasakop nito ang tinatayang 25% ng tisyung pampali

Pulang sapal

baguhin

Ang pulang sapal (red pulp) ng pali ay binubuo ng tisyung kumakabit na kilala din sa tawag na mga tali ni Billroth (cords of Billroth) at maraming mga sinusoideng pampali na tinatabunan ng dugo, na nagbibigay dito ng pulang kulay.[6][7] Ang pangunahing tungkulin nito ay salain ang dugo ng mga antiheno, mikroorganismo, at depektibo o sirang pulang selula ng dugo.[8]

Mga sukat

baguhin
90% ng kumpiyansang pagitan ng haba ng pali ayon sa ultrasonograpiyang pampuson at ayon sa taas ng tao[9]
Taas Haba ng pali
Kababaihan Kalalakihan
155–159 cm 6.4–12 cm
160–164 cm 7.4–12.2 cm 8.9–11.3 cm
165–169 cm 7.5–11.9 cm 8.5–12.5 cm
170–174 cm 8.3–13.0 cm 8.6–13.1 cm
175–179 cm 8.1–12.3 cm 8.6–13.4 cm
180–184 cm 9.3–13.4 cm
185–189 cm 9.3–13.6 cm
190–194 cm 9.7–14.3 cm
195–199 cm 10.2–14.4 cm

Ang pali, sa malusog na taong adulto, ay tinatayang 7 hanggang 14 centimetro (3 hanggang 5+12 pul) ang haba.

Ang isang madaling paraan upang matandaan ang anatomiya ng palli ay ang tuntuning 1×3×5×7×9×10×11. Ang pali ay 1 sa 3 sa 5 pulgada (3 sa 8 sa 13 cm), tumitimbang ng tinatayang 7 oz (200 g), at nasa pagitan ng ika-9 at ika-11 tadyang sa kaliwang bahagi at nasa aksis ng ika-10 tadyang. Iba-iba ang bigat na nasa pagitan ng 1 oz (28 g) at 8 oz (230 g) (pamantayang reperensyang saklaw),[10] na pangunahing inuugnay sa taas, bigat ng katawan at antas ng matinding pagsisikip subalit hindi sa kasarian o gulang.[11]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L. Spleen, pali - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Spleen, Some Medical Terms, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 206.
  3. Blake, Matthew (2008). "Spleen, apdo; Gall, gallbladder, apdo". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Gallbladder, apdo, spleen, apdo Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.
  4. Mebius, RE; Kraal, G (2005). "Structure and function of the spleen". Nature Reviews. Immunology (sa wikang Ingles). 5 (8): 606–16. doi:10.1038/nri1669. PMID 16056254. S2CID 3258595.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Loscalzo, Joseph; Fauci, Anthony S.; Braunwald, Eugene; Dennis L. Kasper; Hauser, Stephen L; Longo, Dan L. (2008). Harrison's principles of internal medicine (sa wikang Ingles). McGraw-Hill Medical. ISBN 978-0-07-146633-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Luiz Carlos Junqueira; José Carneiro (2005). Basic histology: text & atlas (sa wikang Ingles). McGraw-Hill Professional. pp. 274–277. ISBN 0-07-144091-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Michael Schuenke; Erik Schulte; Udo Schumacher; Lawrence M. Ross; Edward D. Lamperti (2006). Atlas of anatomy: neck and internal organs (sa wikang Ingles). Thieme. p. 219. ISBN 1-58890-360-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Victor P. Eroschenko; Mariano S. H. di Fiore (2008). Di Fiore's atlas of histology with functional correlations (sa wikang Ingles). Lippincott Williams & Wilkins. p. 208. ISBN 978-0-7817-7057-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Chow, Kai Uwe; Luxembourg, Beate; Seifried, Erhard; Bonig, Halvard (2016). "Spleen Size Is Significantly Influenced by Body Height and Sex: Establishment of Normal Values for Spleen Size at US with a Cohort of 1200 Healthy Individuals". Radiology (sa wikang Ingles). 279 (1): 306–13. doi:10.1148/radiol.2015150887. ISSN 0033-8419. PMID 26509293.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Molina, D. Kimberley; DiMaio, Vincent J.M. (2012). "Normal Organ Weights in Men". The American Journal of Forensic Medicine and Pathology (sa wikang Ingles). 33 (4): 368–372. doi:10.1097/PAF.0b013e31823d29ad. ISSN 0195-7910. PMID 22182984. S2CID 32174574.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Sprogøe-Jakobsen, Susan; Sprogøe-Jakobsen, Ulrik (1997). "The weight of the normal spleen". Forensic Science International (sa wikang Ingles). 88 (3): 215–223. doi:10.1016/S0379-0738(97)00103-5. ISSN 0379-0738. PMID 9291593.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)