Glee (serye sa telebisyon)

Ang Glee ay isang musikal na komedya at dramang serye sa telebisyon na ipinapalabas sa Fox sa Estados Unidos, at sa Global sa Canada. Tungkol ito sa glee club na New Directions ng isang mataas na paaralan na nakikipagkompetensiya sa mga kompetison na pang show choir, habang ang mga miyembro nito ay hinaharap ang mga isyu ng relasyon, sekswalidad, panglipunan. Ang paunang pangunahing tauhan ay binubuo ng guro ng Espanyol na si Will Schuester (Matthew Morrison), cheerleading coach Sue Sylvester (Jane Lynch), gabay at tagapayo na si Emma Pillsbury (Jayma Mays), ang dating asawa ni Will na si Terri (Jessalyn Gilsig), at walong miyembro na ginagampanan nila Dianna Agron, Chris Colfer, Kevin McHale, Lea Michele, Cory Monteith, Amber Riley, Mark Salling at Jenna Ushkowitz. Sa ikalawang season, ang pabalik-balik na miyembro na sina Mike O'Malley, Heather Morris at Naya Rivera ay naitaas sa pangunahing tauhan.

Glee
Uricomedy-drama, LGBTI+ related TV series, Musikal, komedya romantika, teen drama
GumawaRyan Murphy, Brad Falchuk, Ian Brennan
DirektorRyan Murphy, Brad Falchuk, Ian Brennan
Pinangungunahan ni/ninaDianna Agron, Darren Criss, Heather Morris, Damian McGinty, Kevin McHale, Chris Colfer, Lea Michele, Cory Monteith, Amber Riley, Naya Rivera, Mark Salling, Jenna Ushkowitz, Harry Shum, Chord Overstreet, Matthew Morrison, Jane Lynch, Melissa Benoist, Dot Jones, Adam Lambert, Gwyneth Paltrow, Mike O'Malley, Max Adler, Blake Jenner, Jayma Mays, Jessalyn Gilsig, Becca Tobin, Ashley Fink, Iqbal Theba, Vanessa Lengies, Jonathan Groff, NeNe Leakes, Grant Gustin, Lauren Potter, Samuel Larsen, Alex Newell, Jacob Artist, Idina Menzel
KompositorJames S. Levine
Bansang pinagmulanEstados Unidos ng Amerika
WikaIngles
Bilang ng season6
Bilang ng kabanata121 (list of Glee episodes)
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapRyan Murphy, Brad Falchuk, Dante Di Loreto, Ian Brennan, Russel Friend, Garrett Lerner, Bradley Buecker
ProdyuserAlexis Martin Woodall, Roberto Aguirre-Sacasa
SinematograpiyaMichael Goi
Patnugotsingle-camera setup
Ayos ng kamerasingle-camera setup
Oras ng pagpapalabas42 minuto, 48 minuto, 58 minuto
Kompanya20th Century Studios, 20th Television
Distributor20th Television, Netflix, Disney+
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanFox Broadcasting Company
Picture format16:9
Orihinal na pagsasapahimpapawid19 Mayo 2009 (2009-05-19) –
20 Marso 2015 (2015-03-20)
Website
Opisyal

Ang serye na ito ay nilikha nila Ryan Murphy, Brad Falchuck, at Ian Brennan, na unang naisip ang Glee bilang isang pelikula. Silang tatlo ang sumusulat ng mga yugto ng serye, habang si Murphy at Falchuk ang mga nangungunang direktor ng palabas. Ang pinakaunang yugto nito ay ipinalabas noong 19 Mayo 2009, at ang unang season nito ay nahayag mula 9 Setyembre 2009 hanggang 8 Hunyo 2010. Ang pangalawang season nito ay nagismula noong 21 Setyembre 2010, at pinayagan nang magkaroon ng pangatlong season. Tampok ng Glee ang mga natatanging bilang na musikal sa telebisyon na pinili ni Murphy, na may hangaring may mapanatili na pagkapantay ang mga show tunes at chart hits at sa pinangunahan ni Adam Anders. Ang mga kantang ginamit sa palabas ay inilalabas para sa publiko sa iTunes Store sa linggo na ito ay palabas at may mga sunod-sunod nang plaka ng Glee ang naipalabas ng Columbia Records. Ang musika ng Glee ay naging komerysal na tagumpay, na may lagpas dalawampu’t isang milyon na digital single na benta at siyam na milliong benta ng album. Kasama sa mga produkto ng serye ay ang mga DVD at By releases, isang pang kabataan na serye ng mga libro, isang aplikasyon para sa iPad, at isang larong pang-karaoke para sa Wii. Sa kalagitnaan ng ungang season nito, nakatanggap ang Glee ng pangkalahatang magandang pagsusuri mula sa mga kritiko, na may timbang ng Metacritic na tinatayang 77 pursiyento batay sa impresyon ng 18 na kritikal na pagsusuri. Ang season na ito ay na-nomina para sa labingsyam na Emmy Awards, apat na Golden Globe Awards, anum na Satellite Awards at pitumpu’t-pito pang ibang parangal na may panalo kabilang ang 2010 Golden Globe Award for Best Television Series-Musical or Comedy, at Emmy Awards para kay Jane Lynch, sa panauhing bituin na si Neil Patrick Harris, at ang direksiyon ni Myrphy para sa pangunahing yugto. Noong 2011, nakamit muli ng palabas ang Golden Globe Award for Best Television Series-Musical or Comedy at nanalo sila Jane Lynch at Chris Colfer bilang Best Supporting Actress at Best Suporting Actor; nakatanggap din ng nominasyon sila Matthew Morrison at Lea Michele para sa Best Actor at Best Actress. Napili ang palabas ng Fox para sa inaasam-asam na oras ng palabas na sumunod sa paglabas ng network ng Superbowl XLV noong 2011. Ipinaalam ng Fox noong 4 Mayo 2011 na si Murphy at ang studyo ay maglalabas ng pelikulang konsiyerto Glee Live! In Concert! na tampok ang mga pagganap at ang mga pangyayari sa likod ng parating na paglibot ng Glee Live! Ang pelikula ay magiging sa ilalim ng direksiyon ni Kevin Tancharoen at nakatakdang ipalabas sa Estados Unidos sa 12 Agosto 2011

Produksiyon

Pagkabuo Unang naisip ni Ian Brennan ang Glee batay sa kanyang sariling karanasan bilang myembro Prospect High School na show choir sa Mount Prospect Illinois. Una niyang nakita sa isipan ang Glee bilang isan pelikula, kaysa serye sa telebisyon, at kanyang isinulat ang unang manuskripto ooong Agosto 2005 sa tulong ng Screenwriting for Dummies. Natapos niya ang manuskripto noong 2005, ngunit sa ilang taon ay hindi makalikha ng pagkawili para sa proyekto. Si Mike Novick, isang tagalikha sa telebisyon at kaibigan ni Brennan, ay myembro sa dyim kung saan myembro din si Ryan Murphy, ay siyang nagbigay kopya ng manuskripto kay Murphy. Naging myembro din ng show choir si Murphy sa kolehiyo, at naramdaman na nakakaugnay siya sa manuskripto. Iminungkahi ni Murphy at ng kanyang kasamahan sa Nip/Tuck na si Brad Falchuk na gawing palabas sa telebisyon ang Glee. Binago ang kalahatan ng manuskripto at kinuha ito ng Fox labing-limang oras pagkatanggap nito. Ipinalagay ni Murphy na bilang bahagi sa tagumpay ng network sa American Idol na "Kauna-unawa para sa network na may pinakamalaking tagumpay sa TV, na isang musical, na gumawa sa ganoong ugat.” Si Murphy at Falchuk ang naging pangunahing tagalikha ng palabas ang tagapagpatakbo ng palabas, habang si Brennan ay pangalawang tagalikha at si Novick ay tagagawa. Sila Brennan, Falchuk at Murphy ang nagsusulat ng lahat ng yugto ng palabas. Ang Glee ay tinalaga sa Lima, Ohio. Pinili ni Murphy ang Midwest na tagpuan bilang isa ding lumaki sa Indiana, at naalala ang mga bisita sa Ohio Kings Island na parke na may tema noong kanyang kabataan. Kahit na nakatalaga ang sa Lima, ang palabas ay sinsapelikula sa Paramount Studios sa Hollywood. Sabi ni Murphy na hindi pa siya nakapanood ng kahit isang High School Musical na inihahambing sa Glee, at ang kanyang interes lamang ay nasa paggawa ng “postmodern na musical,” kaysa paglikha ng “palabas kung saan biglaang kumakanta ang mga tao,” na mas binigyang diin ang ayos ng Chicago. Nilaan ni Murphy para sa palabas na maging isang porma ng pagtalikod sa katotohanan. “Sobrang dami ng mga palabas na tungkol sa mga taong may baril, o sci-fi, o abogado na paikot-ikot. Ito ay ibang kategorya, at walang katulad nito sa ere sa mga network at cable. Lahat ay madilim sa mundo sa ngayon, kaya pumatok ang Idol. Ito ay purong pagtalikod sa katotohanan.” Murphy intended the show to be a form of escapism. " aniya. Nilayon ni Murphy na lumikha ng pampamilyang palabas na makawili ng matatanda at mga kabataan din, na may nangununang matatandang tauhang kapantay ng mga nangungunang kabataaang tauhan. Si Murphy ay mga plano nang nagawa para sa tatlong taon na pagtakbo ng palabas.

Musika at Koreograpia Tampok ng serye ang ilang cover ng mga kanta na kinanta ng mga tauhan. Si Murphy ang responsable sa pagpili ng mga kantang ginamit, at Nagsusumikap si Murphy na mapanatilng balance ang mga show tunes at kung ano ang pinakatsikat sa chart. “Gusto na mayroon bagay para sa lahat sa bawat yugto. Ito ay mahirap na paghahalo, pero ito ay napakahalaga-ang pagbalanse nito.” Ang pagpili ng mga kanta ay mahalaga sa pagbuo ng manuskripto, at ipinaliwanag ni Murphy na “Ang bawat yugto ay may tema sa pinakaloob nito. Pagkatapos kong isulat ang manuskripto, piili ako ng kanta na maktutulong sa pag-usad ng kuwento.” Gayundin, sa isang panayam noong 2010 ni Allison Kugel, sinabi ni Chris Coffer na “Nagkaroon na ng mga pagkakataon na ako ay lumapit kay Ryan Murphy (Ang lumikha ng Glee) at sinabi sa kanya ang mga ilang bagay na nangyari sa akin, at kanyang isinusulat ito sa palabas. O kaya naman tatanungin niya ako kung anong kanta ang gusto kong kantahin, sa iba’t-bang sitwasyon. Sa tingin ko wala naman sa amin ang diretso na nagbibigay ng ideya sa tauhan o sa kuwento, pero sigurado na ninanakaw sila mula sa amin.” Para sa pangalawang season, may paglipat tungo sa paggamit ng mas maraming kanta mula sa Top 40, sa pagsisikap na umapila sa mga may edad mula 18-49. Nagulat si Murphy sa madaliang pagpayag ng mga nilapitang record label para sa paggamit ng mga kanta at ipinaliwanag na “Tingin ko ang susi para doon ay nagustuhan nila ang punto nito. Nagustuhan nila na ang palabas ay tungkol sa pag-asa sa mabubuting bunga, at mga kabataan, at ang pinaka-bahagi ay pag-interpreta ng mga klasiko para sa panibagong manonood.” Ilan sa mga nilapitan tulad nila Bryan Adams, Guns N' Roses at Coldplay ay hindi pumayag na gamitin ang kanilang musika, ngunit noong Hunyo 2010 ay nagbago ng desisyon ang Coldplay at pumayag na gamitin ng Glee ang kanilang talaan. Inihayag ni Adams sa kanyang Tiwtter account na ang mga tagalikha ng Glee ay hindi kalianman humingi ng permiso mula sa kanya at hinikayat sila na “pulutin ang telepono.” Ang kompositor na at musikerong si Billy Joel ay nag-alok na gamitin ang marami niyang kanta sa palabas, at ang iba ay nag-alok na libren gamitin ang kanilang kanta. May serye ng Glee soundtrack album ang naipalabas sa pamamagitan ng Columbia Records. Ang mga kantang tampok sa palabas ay inilalabas at maaaring makuha sa iTunes mga dalawang lingo bago lumabas ang mga yugto sa ere, at sa iba bang labasan ng teklado at mobile carriers matapos ng isang lingo. Ang tagalikha ng musika sa Glee ay nagsimula na magdagdag ng orihinal na mga kanta sa palabas, tulad ng “Loser Like Me” at Get It Right” sa yugto noong 15 Marso 2011. Ang koreograpiya ay sa pamamagitan ni Zach Woodlee at tampok ang apat hanggang walong natatanging bilang sa bawat yugto. Sa sandaling nakapili na si Murphy ng kanta, may mga karapatan na ibinagay ang mga tagapaglathala sa pamamagitan ng superbisor ng musika na si PJ Bloom, at ang tagagawa ng musika na si Adam Anders ray inaayos ito para sa mga tauhan Glee. Ang mga natatanging bilang ay tinatalasa muna ng mga tauhan, habang ito ay ginagawan ni Woodlee ng koreoprapiya na pagkatapos ay itinuturo sa mga tauhan at pinepelikula.Ang mga kanta sa studyo ay ginagawa pagkatapos.. Ang proseso ay nagsisimula 6–8 linggo bago ang isang yugto ay pinepelikula, at maaaring magtapos ang huling araw sa panibagong araw ng pagpelikula ng panibagong yutgo. Ang bawat yugto ay mahalagang mahigit 3,000,000 dolyar upang mabuo at maaaring tumagal ng hanggang sa 10 araw na gawin. bilang isang resulta ng detalyadong koreograpia. Sa banding dulo ng 2010, iniulat ni Bloom na ang proseso ay mas umikli,. "kasing bilis ng ilang lingo lamang" Para sa pangalawang season, ang mga tagalikha ay una nang inalok ng mga tagalathala at record labels ng mga linsensiya, at ang produksiyon ay nagismula bago pa man mabigay ang mga permiso.

Pagpapalaganap Bago pa man ang paglabas ng pangalawang yugto, ang mga tauhan ng Glee ay nag-ikot sa nabibilang na tindahan ng Hot Topic sa kabuuan ng bansa. Kinanta ng mga tauhan ang pambansang awit na US sa pangatlong laro ng 2009 World Series. Sila ay inaya ng Macy’s na magtanghal sa 2009 Macy’s Thanksgiving Day Parade, pero ang plano ay hindi pinayagan ng punong tagapagbalita dahil ang Glee ay pinapalabas sa kalabang network. Ang isa sa mga naglikha ay nagkomento sa pagtanggi sa mga tauhan: “Naiintindihan ko ang posisyon ng NBC, and inaabangan na makita ang float ni Jay Leno.” Dahil sa tagumpay ng palabas, ang mga tauhan ay nag-konsiyerto pagkatapos ng unang season at binisita ang Phoenix, Chicago, Los Angeles at New York. Karagdagan pa, nagtala pa ang mga tauhan ng cover ng fWham!'s "Last Christmas", na inilabas bilang isang kanta ngunit hindi lumabas sa palabas hanggang Disyembre 2010. Muling bubuhayin nila Matthew Morrison, Lea Michele, Cory Monteith at Chris Colfer ang kanilang mga papel bilang Will, Rachel, Finn and Kurt para sa kameyang yugto ng The Cleveland Show, Lumabas sina Lea Michele, Cory Monteith at Amber Riley bilang mga turista sa pangunahing yugto ng ika-dalawampu’t dalawang season ng The Simpsons. Lumabas sina Jane Lynch, Chris Colfer, Cory Monteith, at Amber Riley sa 2010 MTV VMAs noong 12 Setyembre 2010. Nang lumabas sina Agron, Michele at Monteith at nagpose sa mga may kalaswaang larawa para sa edisyon ng GQ magasin para sa Oktubre,ang palabas ay napuna ng Parents Television Council (PTC). Nagkomento ang president ng PTS na si Tim Writer na ang Glee ay may maraming kabataang tagapaghanga, at na “Sa pagpayag sa ganitong uri ng halos pornograpiyang display ipinakita ng mga tagalikha ng palabas ang kanilang mga intension ang direksiyon ng palabas. At ito ay hindi maganda para sa mga pamilya.” Ang ang panglaganap na poster para sa unang season na ipakita ng mga bituin ang paggamit ng kanilang kanang kamay upang gumawa ng isang "L" para punan ang L sa salitang Glee. Ang panglaganap na poster para sa ikalawang season ay ipinakita ang mga bituin na may kapares na naghahagis ng slushies sa kamera.. GleeLive! In Concert! ay nagsimula noong Mayo 2010 at nakita ang tauhan sa paglilibot ng apat na mga lungsod sa Estados Unidos para sa mga natitirang buwan. Isang pangalawang binti ay naka-takda para sa UK at Ireland sa Hunyo2011. Ang tauhan ay nagtanghal din sa ikapitong season ng The X Factor noong 5 Disyembre 2010.

Mga Tauhan

Sa paghanap ng mga tauhan para sa Glee, naghanap si Murphy ng mga artistang kayang manguna sa mga papel na pangteatro. Sa halip ng paggamit ng tradisyunal na network na pagtawag sa mga artista, ginugol niya ang tatlong buwan sa Broadway, kung saan kanyang nakita si Matthwe Morrison, na kalian lamang ay nanguna sa entablado ng Hairspray at The Light in the Piazza, si Lea Michele, na nanguna sa Spring Awakening, at Jenna Ushkowitz na nasa panibagong bersiyon ng The King and I.

Ang mga aktor na walang karanasan sa dula na ginustong makapasok ay kinakailangan patunayan na kaya nilang kumanta at sayaw pati na rin ang umarte. Si Chris Colfer ay walang nakaraang propesyonal na karanasan,ngunit isinulat ni Murphy ang tauhan na si Kurt Hummel para sa kanya upang ganapin. Si Jayma Mays ay nag-audition sa kantang "Touch-a, Touch-a, Touch-a, Touch Me" mula sa The Rocky Horror Show habang si Cory Monteithu ay nagsumite ng teyp ng kanyang sariling umaarte lamang, at noon ay hiningan na magsumite ng isang pangalawang,musikal na teyp, kung saan siya ay kumanta ng "isang cheesy, '80smusic-video-style na bersiyon" "Can’t Fight This Feeling " ng REO Speedwagon. Si Kevin McHale ay dumating mula sa isang boy-band na karanasan, at nagint bahagi ng grupong Not Like Them. Ipinaliwanag na ang mga pagkakaiba-iba ng mga karanasan ng mga tauhan ay sumasalamin sa hanay ng iba't ibang estilo sa musika sa loob ng palabas mismo: "Ito ay isang halo ng lahat ng bagay:. Classic rock, mga kasalukuyang mga bagay-bagay, R & B. Kahit ang musical na pang teatro ay hinalo. Hindi mo palaging makilala ito.” Si Jane Lynch ay orihinal na magkaroon lamang ng isang umuulit na papel sa palabas, ngunit naging isang regular sa serya nang ang isang pangunahing yugto para sa Damon Wayans na kanyang pingtrabahuan sa ABC ay hindi nagtagumpay. Kinontrata ang tauhan para sa isang potensiyal na tatlong pelikula ng Glee, na sa kanilang kontrata ay nakasaad na "[Ang aktor] nagbibigay sa Fox ng tatlong eksklusibo, hindi mababawing opsiyon upang umayon sa [ang mga artista] hanggang sa pagkakabanggit,na tatlong pelikula.” Kahit na sakasunduang ito ay walang pelikula ang nababalak.

Tampok ng Glee ang labinlimang pangunahing papel na may star billing. Si Morrison ay gumaganap na si Will Schuester, Espanyol guro ng mataas na paaralan ng McKinley na naging director ng Glee club, na umaasang maibalik kanyang dating kaluwalhatian. Si Lynch ang gumaganap na Sue Sylvester, punong director ng "Cheerios" na pulutong ng Cheerleading at ang pinakamatinding kaaway ng Glee Club. Si Mays ay lumilitaw bilang Emma Pillsbury, isan mysophobic tagapayo ng paaralan na may nararamdaman para kay Will, at si Jessalyn Gilsig na gumaganap na Terri Schuester, ang dating asawa ni Will, na sa huli ay diniborsiyo pagkatapos ng limang taon ng kasal dahil nagpanggap siyang buntis. Si Lea Michele na gumaganap na Rachel Berry, ang mahusay na bituin ng Glee club na madalas ay naaapi ng mga Cheerios at manlalaro ng football. Si Monteith ang gumaganap na Finn Hudson, bituing quarterback ng koponan ng football ng paaralan na ipinagsasapalaran ang paglayo ng mga kanyang mga kaibigan sa kanyang pagsali sa Glee Club. Kasama din sa clubsi Amber Riley bilang si MercedesJones, isang itim na mahlig sa moda at diva na idinadamdam na kumanta ng back-up; si Colfer bilang KurtHummel-isang baklang countertenor; si McHale bilang bilang Artie Abrams, isang tumutugtog ng gitara at paraplegic; at Ushkowitz bilang Tina Cohen-Chang, isang Asyano-Americanong estudyante na may mga pekeng depekto sa pananalita. Si Mark Salling ang gumaganap na Noah "puck" Puckerman, isang kaibigan ni Finn na nasa koponan ng football na sa ay hindi sinang-ayunan si Finn sa pagsali sa Glee club, ngunit sa paglaon suamli din sa club. Si Dianna Agron ang gumaganap na Quinn Fabray, isang cheerleader at kasintahan ni Finn na sa paglaon ay sumali din. Si Naya Rivera at HeatherMorris, na gumanap bilang Cheerios at tagakanta ng Glee club na sina Santana Lopez at Brittany Pierce, ay orihinal na paulit-ulit na aktor, ngunit nang nagsimula ang pangalawang season ay ginawang regular. Si Mike O'Malley, na gumaganap Burt Hummel, ang ama ni Kurt rin ay nagin isang regular din sa pangalawang season.

Sa isang pakikipanayam sa Ryan Seacrest sa Hunyo 2011, inihayag ni Ryan Murphy ang mga kasalukuyang hanay ng mga kasapi ng Glee ay nagtapos mula sa mataas ng paaralan ng McKinley sa ikatlong season. Ang mga matndang tauhan nila Matthew Morrison at Jane Lynch ay mananatili upang magbigay ng pagpapatuloy sa serye.

Brodkast

Ang unang season ng Glee at may 22 na yugto. Ang pangunahing yugto ay ipinalabas noong Mayp 19, 2009. nagbalik ito noong 9 Setyembre 2009, at ipinalabas noon tuwing Miyerkules sa oras ng 9:00 ng gabi hanggang 9 Disyembre 2009, na may kalahata ng labin-tatlong yugto. Noong 21 Setyembre 2009, siyam na yugto pa ang hiningi ng Fox para sa unang season at mauna s mga ito ay inilabas sa ere noong 13 Abril 2010. Ang mga yugto na ito ay ipinalabas tuwing Martes, 9:00 ng gabi. Noong 11 Enero 2010 inihayag ng Fox ang pagpayag nito para sa pangalawng season ng palabas. Nagsimula ang produksiyon ng pangalawang season noong Hunyo 2010. Ang pangalwang season ay nagsimula noong 21 Setyembre 2010, at ipinalabas sa ere ng 8:00 ng gabi tuwing Martes. Ang orihinal na plano ng Fox ay ilipat ang Glee tuwing Martes upang mabigyang tuon anIpig pagpapalakas ng mahinang linya ng mga palabas nito tuwing Miyerkules at Huwebes. Ang pangatlong season ay hiningi ng Fox noong 23 Mayo 2010. Ang maagang kaayusan ng kasunduan ay makakamura sa gastos para sa produksiyon sa pagplano at pagsusulat ng manuskripto.

Hiniling na ang Glee ay mapalabas sa iba't-ibang bansa sa mundo kabilang ang Australia, na binisita ng mga myembro ng tauhan para ipalaganap ang paglabas ng serye sa bansa, bago ito lumabas noon Setyembre 2009. Ipinabpalabas din ito sa Canada, New Zealand, at Fiji. Ang bordkast nito sa South Afrika ay diretsong pinapadala ng Fox sa sentro ng bordkast ng M-net sa Johannesburg sa pamamagitan ng beam, imbis na ihatid ang mga teyp. Ito rin ay ipinapalabas sa United Kingdon, Italy, isang linggo matapos lumabas sa ere sa US, at ito ay pinapalitan ang boses sa Italian, Lithuania. Sa Ireland, marami sa mga yugto ay naipapalabas 20 oras matapos ang brodkast sa US. Ang mga Asyanong bansa na nagpapalabas din ng Glee ay ang Philippines, India, Malaysia, Singapore, Indonesia, at Japan.

Paninda

Tatlong soundtrack album ang nilabas kasabay ng unang season ng Glee: Glee: The Music, Volume 1, Glee: The Music, Volume 2 at Glee: The Music, Volume 3 Showstoppers. Dalawang extended plays (EP) ang nasa yugto ng “The Power of Madonna” at “Journey to Regionals”: Glee: The Music, The Power of Madonna at Glee: The Music, Journey to Regionals. Glee: The Music, The Complete Season One, isang album na pinagsama-sama at tampok ang lahat ng 100 na kanta mula sa istudyo, galing sa unang season ay inilabas ekslusibo lamang sa tindahan ng iTunes. Isang EP na may titulong Glee: The Music, The Rocky Horror Glee Show ay inilabas kasay ng isan yugto noong Halloween. Isa pang EP na dapat sana ay tampok ang Super Bowl ay hindi nailabas. Isang EP na may titulong Glee: The Music, The Christmas Album na tampokang pampaskong mga kanta, at Glee: The Music, Volume 4 ay sabay na inilabas noong Nobyembre 2010. Noong Marso 2011 inilabas ang Glee: The Music, Volume 5.

Nailabas din ang Glee sa mga DVD at Blu-ray. Tampok ng Glee – Pilot Episode: Director's Cut ang pangunahing yugto at isang pasilip sa pangalawang yugto na “Showmance.” Nilalaman ng Glee – Volume 1: Road to Sectionals ang unang labin-tatlong yugto ng unang season, at nilalaman ng Glee – Volume 2: Road to Regionals ang huling siyam na yugto ng season. Glee - The Complete First Season ay inilabas noong 13 Setyembre 2010, kasabay ng Glee Season 2: Volume 1.

Plano ng Little, Brown Books na maglathala ng limang nobela na pangkabataan at ugnay sa Glee, na mabubuo sa kooperasyon ng tagapaglikha at tagasulat ng palabas. Ang unang napayagang nobela,Glee: The Beginning, ay isinulat ni Sophie Lowell at isang “prequel” sa mga pangyayari sa palabas. Ang pangalawang nobela sa serye, Glee: Foreign Exchange ay isinulat din ni Lowell. Hiwalay sa mga seryeng pangkabataan, ay magsusulat sa pangalawang season si Sue Sylvester ng kanyang talambuhay. Plano ni Murphy na ito a malathala bilang isang tunay na libro, at si Lynch ay maglilibot bilang ang tauhan na si Sue.

Ang 20th Century Fox Consumer Products ay may plano na maglabas ng linya ng paninda kaugnay sa Glee tulad ng mga laro, elektrikal na produkto, pambating tarheta. Pananamit at mga estasyonaryo. Ang Macy's ay may mga pananamit na kaugnay sa Glee, at ang Claire's ay may mga palamuti sa katawan.

Pagtanggap

Kritikal na Pagtanggap

Nakatanggap ang Glee ng Metacritic na bilang ng 77 galing sa 100, batay sa 18 na kritikal na pagsusuri. Ito ay pinuri ng mga kritiko sa ilang mga review noong 2009 sa telebisyon. Si James Poniewozik ng Time ay pinuri ito na pang-walong pinakamagandang palabas sa telebisyon ng taon at sinabi: “kapag gumana ang Glee-na madalas naman gumana-ay pangkalahatan, makabagbag-damdamin, at nakakapagpakilig, hindi tulad ng kahit na ano sa telebisyon. Para kay Ken Tucker ng Entertainment Weekly ito ay pang siyam, at ito tinawag ito na “Walang dudang pinakamalakas at ‘di inaasahang tagumpay.” Isinulat ni Lisa Respes France ng CNN na sa unang tingin ay ang ideya ng Glee ay mukhang “resipi para sa gulo,” ito ay may gayuma at katapangan na imposibleng hindi mapapanood.”

Pagkaptapos ng yugto na “Showmance,” pinangalanan ng Parents Television Council ng ‘Pinakamalalang Palabas ng Linggo’ at tinawag ito na “malaswang pangmatangdang serye na hindi angkop sa kabataan.” Isinulat ni Nancy Gibbs ng pahayagan na Time na kanyang narinig ang serye na nilarawan bilang isang ‘di-maka-Kristyano,’ ng isang pangkabataang ministro at kinumento na:


        “Madali lang maintindihan ang punto niya, kung titingnan mo ang mga detalye […]                                
        Nagsisinungaling ang mga studyante, nandaraya, nagnanakaw, nagmamasakim at hinaluan ng                  
        droga ang mga cupcake para mabigyan ang mga kapwa studyante ng masamang kaso ng   
        ‘munchies’.”  Halos lahat ng Sampung Utos ay nasuway habang ang manonood ay hinihikayat 
        na tawanan ang mga hinanakit, kalokohan at kahihiyan…Iniinsulto nito ang mga bata sa  
        pagmumungkahi na sa panonood lamang ng mga “Masasamang Asal ng mga Tauhan” at gagaya na  
        sila dito.  At ang pinangyarihan nito at sa mataas na paaralan, nag-iibg sabihin na ito 
        ay isang paglalakabay na tungo hindi lamang sa kolehiyo at karera, kundi sa pagkatao at 
        pananalig, ang halaga ng popularidad, at ang mga kompromiso ng kailangn natin gawin sa  
        pagitan ng kung ano ba ang gusto natin at kailangan natin.”

Si Brian Lowry ng Variety ay kritikal tungkol sa mga naunang yugto, at binigyang tuon ang mga problema ng pagganap at paglalarawan ng mga tauhan at sinabi na ang mga matatandang tauhan ay “masyadong luko-loko” maliban lang sa tauhan ni Mays na si Emma, na para sa kanya ay nagbibigay ng “pinaka-katubusan.” Pinuri man niya ang pagganap nila Colfer at Michele, isinulat ni Lowry na ang talento na nasa palabas ay nasayang dahil sa “palabiro, mala-guhit-larawan, at nakakagulong punto nito,” at sinabi na “one-hit-wonder’ lamang ang palabas. Kasunod ng kalagitnaang pagtatapos ng season, sinulat ni Lowry na habang ang Glee ay “nananatiling minsan nakakainis na gulo” ang “mga buhay na buhay na musikal na natatanging bilang at talentadong tauhan ay ang dahilan na ito’y patuloy na nasa kanyang listahan sa TiVona “kailangan niya,” inaamin na “kahit nandiyan ang kakulangan nito, mas hihirap ang telebisyon kung wala ang Glee.”

Nang ang pangunahing tagumpay ng Glee ay nakahatak ngmalking manonood, isinulat ni John Doyle ng Globe & Mail na ang mga naunang palabas ay “maaliwalas, dahil ang ‘motley crew’ ng mga bata ay may pagkamaang-maangan.” Kanyang tinuon na ang tagumpay ng Glee noong ito ay nagsimula ay nilayo ito sa orihinal nitong tauhan at kuwento, at mas binigyang pansin ang mga bituing bisita sa palabas. “Ang pagkakatuwaan ay wala na sa Glee. Nakita mo dapat ito noong kataas-taasan nito, tila mga nakaraang buwan lamang.”

Musika

Ang mga musikal na pagganap ng palabas ay naging pangkalakalan (commercial) na tagumpay na may mahigit na 21 milyon na kopya ng mga single ng mga tauhan ng Glee na digital na binibili, at mahigit na siyam na milyong album na nabili sa buong mundo. Noong 2009, nagkaroon ng 25 na single ang nalagay sa Billboard Hit 100, ang pinakamarami na mga kanta mula sa isang artista, magmula pa noong ng nagkaroon ang Beatles ng 31 na kanta sa talaan noong 1964. Noong Pebrero 2011, nalagpasan ng Glee si Elvis bilang artistang may pinakamaraming kanta na nsa Billboard Hit 100 na talaan, kahit na mas kaunti pa sa ikaapat na bahagi ng mga kanta ay nalagay sa talaan nang higit pa sa isang lingo. Ang pagtanghal ng tauhan ng “Don’t Stop Believin’” ay napatunayang ginto noong Nobyembre 2009, nakakakuha ng mahigit na 500,000 na bentang digital. Ang mga cover ns bersiyon ng serye ng “Take a Bow” ni Rihanna ay nagdulot ng ng magandang epekto sa benta nito, at pinalaki ito nang 189 na porsiyento pagkatapos na ito ay ipinakita sa yugtong “Showmance” ng Glee.

Ngunit, mayroon ding kritikal na panira sa mga natatanging bilang, at si kasama si John Dolan para sa Rolling Stone na nagkumentong “hindi kaya mag-rap ni Matthew Morrison palabas ng ensayo sa 98º” at si Andrew Leahay ng Allmusic ay binigay ang opinion na sina Cory Monteith at Dianna Agron ay “hindi kyang kumanta na kasaing husay ng kanilang kapwa bituin.” Pinuna ni Joal Ryan ng E! Online ang palabas sa "sobrang pagkagawa ng ponograma", particular na inerereklamo na maraming mga kanta ang umaasa masyado sa software Auto-Tune, at tinuon na "Para sa bawat maikling sandali baguhan-at kaibig-ibig-na tunog ni Lea Michele sa "What a Girl Wants” o ang kapani-paniwalang pagkanta ni Monteith ng Speedwagon na REO sa banyo, nandun sina Michele at Monteithna katunog ng panahon ng 1990 na Cher sa" No Air, "o si Monteith na katunog ng Monteith XRZ-200 sa labas ng banyong bersiyon ng “Can’t Fight This Feeling.”

Sa kasalukuyan ng pangalawang season, binigyang tuon ni Rob Sheffield para sa Rolling Stone ang mga yugtong nagbibigay pugay kay Britney Spears at Rocky Horror bilang mga halimbawa nang kanyang papurihan ang Glee at ang mga pinili nitong musika. Pinuri niya si Murphy sa kanyang mga pinili at pagbuhay sa mga “nakalimutan” na kantang pop at inihambing ang kakaibahan ng palabas sa “MTV sa kalakasan nito” bilang diwa ng popular na kultura.

Ilang artista, kabilang sina Slash, Kings of Leon, Red Hot Chili Peppers at Foo Fighters ay hindi pumayag na gamitin ang kanilang mga kanta sa palabas, kaya naman naging malungkot ang tagalikha na si Ryan Murphy at madalas na inaatake ang mga artista sa pagsabi na sila ay gumagawa ng maling desisyon sa pagtanggi na gamitin ang kanilang musika sa kanyang palabas.

Mga Tagahanga

Ang mga tagahanga ng Glee ay kilala bilang mga “gleeks,” isang salitang binuo mula sa mga salitang “glee” at “geek.” Gumawa ang Fox ng “Biggest GLEEK” na paligsahan, na sinusukat ang mga gawaing nasa mga social networking websites tulad ng Facebook, MySpace, na may ugnay sa Glee, at kanilang nalaman na ang paglaki ng mga tagahanga ay nalagpasan ang mga tagahanga ng mga science fiction na palabas ng network. Ang paglibot ng mga tauhan sa mga Hot Topic na tindahan ay pinangalanang “The Gleek Tour.” Ang Glee ay isa sa mga pinaka-pag uusapan ng telebisyon sa Twitter. Ang mga tagahanga ay marami nang ginawang mga natatanging bilang na nagbibigay pugay sa palabas, na kanilang ibinahagi sa YouTube. Batay sa takbo nito, nagsama ang mga tagabuo ng palabas ang mga instrumental na bersiyon ng ilan sa mga kanta sa ponograma ng palabas.

Mga Puri

Nakatanggap ang Glee ng ilang mga premyo at nominasyon. Noong 2009, nanalo ang serye na ito ng limang Satellite Awards: “Best Musical or Comedy TV Series”, “Best Actor” and “Actress in a Musical or Comedy TV Series”, para kila Morrison at Michele, at “:Best Supporting Actress” para kay Lynch at “Special Achievement for Outstanding Guest Star” para kay Kristin Chenoweth. Noong 2010, nanalo ang palabas ng Golden Globe Award para sa “Best Television Series----Musical or Comedy.” Nakatanggap din ng nominasyon sina Morrison, Michele, at Lynch para sa pagganap. Nakatanggap ng nominasyon ang serye para sa dalawang Writers Guild of America Awards, at ang mga senaryo ay nanomina sa mga kategorya ng “Comedy Series” at “New Series.” Ang mga tauhan ng Glee ay nakamit ang "Outstanding Performance by an Ensemble in a Comedy Series" na premyo at the panglabing-anim na Screen Actors Guild Awards. Nakatanggap sina Paris Barclay at Ryan Murphy na nominasyon para sa "Outstanding Directing – Comedy Series" sa Directors Guild of America Awards para sa kanilang trabaho sa Glee. Noong Hulyo 2010, naktanggap ang Glee ng 19 nominasyon sa Emmy Award , kabilang na ang "Outstanding Comedy Series", "Outstanding Lead Actor – Comedy Series" para kay Morrison at "Outstanding Lead Actress – Comedy Series" para kay Michele. Nanalo ito ng apat na gantimpala, kabilang na ang "Outstanding Supporting Actress in a Comedy Series" para kay Lynch at "Outstanding Guest Performance by a Male Actor in a Comedy Series" para kay Neil Patrick Harris.

Noong 16 Enero 2011 nanalo ang palabas ng Golden Globe bilang "Best Television Series - Musical or Comedy" sina Lynch and Colfer ay nanalo ng mga Golden Globe bilang Best Supporting Actress at Best Supporting Actor in a Television Series, Miniseries, or TV Film.

Inaanyayahan ang mga tauhan na kumanta sa White House sa utos ni Michelle Obama noong Abril 2010 para sa taunang Easter Egg Roll.

Mga Marka Listahan ng mga marka bawat season

Season Oras (ET) Simula ng Season Katapusan ng Season Panahon Ranggo Manonood (milyon)
1 Miyerkules 9:00 P.M. (2009) Martes 9:00 P.M. (2010) 19 Mayo 2009 8 Hunyo 2010 2009–2010 #15 (matatanda) #33 (lahat) 9.77
2 Martes 8:00 P.M. (2010–2011) Linggo 10:38 P.M. (6 Pebrero 2011) Martes 9:00 P.M. 21 Setyembre 2010 24 Mayo 2011 2010–2011 #43 10.112

Ang pangunahing yugto ng Glee ay nagkaroon ng bilang ng 9.62 milyon na manonood, at ang labing-isa na mga yugto ay nakakuha ng manonood sa pagitan ng 6.10 at 7.65 milyon. Ang anim na sumunod na yugto ay nakakamit ng manonood sa pagitan ng 11.49 at 12.98 milyon, at bumaba sa 8.99 milyon na manonood sa yugto na “Funk.” Nakamit ng glee ang pinakamataas na marka sa katapusan ng season para sa panibagong palabas ng 2009 hanggang 2010 nang ang mga manonood ay tumaas muli sa 11.07 milyon para katapusan ng season. Ang mga naunang dalawampu na yugto ng unang season lamang ang nabilang sa kalkulasyon dahil ang dalawang huling yugto ay inilabas sa ere lagpas na sa tradisyunal na panahon ng pagbilang. Noong 6 Pebrero 2001, pagkatapos ng Superbowl, nakamit ng Glee ang pinakamataas na marka nito, na may higit pa sa 26.8 milyon na nanuod ng yugto na Superbowl, na tugatog ng 39.5 milyon.

Pelikula

Ang Glee Live! In 3D! , isang pelikula na konsiyerto batay sa konsiyertong lumibot ng mga tauhan, at tampok ang mga tauhan ay nakatakdang lumabas sa United States sa 12 Agosto 2011.

Kaugnay na Media

Noong Enero 2010, inihayag na bukas ang paghahanap para sa tatlong bagong papel sa pangalawang season ng Glee. Sila ay bukas sa mga baguhan at propesyonal sa edad na mula 16 hanggang 26, at inisp para maging paksa ng isang espesyal na palabas sa telebisyon, na lalabas sa ere bago lumabas ang pangalawang season sa taglagas ng 2010, kung saan lalabas ang mga bagong miyembro ng tauhan sa unang yugto. Kinumento ni Murphy: “Kahit sino at lahat na ngayon ay may pagkakataon na makabilang sa palabas tungkol sa mga talentadong mga talunan. Gusto naming na maging pinakauna na musikal na komedya sa telebisyon.” Noong 22 Hunyo 2010, ipinakita ni Josef Adalian ng pahayagan ng New York na ang palabas na ito ay hindi matutuloy, dahil sa pagnanais ni Murphy na bigyan ng tuon ang totoong serye, at takot na ang kaguluhan na madudulot nito ay masisira ang Glee. Inihayag ni Adalian na ang grupo ng produksiyon ay pipili pa rin ng ilang mga mananalo at anyayahan sila na lumabas sa Glee, kahit sa isang yugto man lang. Noong Hunyo 2010, naihayag na papangunahan ng Oxygen ang isang seryeng makatotohanan na lalabas sa ere sa Hunyo 2011, na tampok ang mga tagapalabas na maglalaban para sa isang pwesto sa Glee.

Noong 7 Hunyo 2010, inilabas sa ere ng UK broadcaster Channel 4 ang Gleeful: The Real Show Choirs of America sa E4 nitong estasyon. Tiningnan ng dokumentaryong ito ang hindi pangkaraniiwang Amerikong show choir na naging inspirasyon ng Glee. Sa pananalaysay ni Nick Grimshaw, ito nagpunta sa likod ng mga totoong grup ng glee at detalyadong ipinakita ang mga tanyag na taong nanggaling sa show choir kabilang sinla Lance Bass, Ashton Kutcher, Blake Lively, at Anne Hathaway. Ito ay napili at nirekomenda na panuorin ng The Guardian, at sinabi na: “ito ay isang kabigha-bighani na tingin sa New Directions sa totoong buhay at ito ay kasing saya ng palabas nito sa telebisyon.” Si Lucy Mangan ng pahayagan ay maganda ang kanyang komento sa kanyang pagsuri dito at isinulat na: “Mapupuno nito ang iyong puso sa kahit ano mang paraan” at kinumento na: “Ang Glee, ay hindi naman pala isang katawa-tawa at magarbong porma ng pagtakas sa katotohanan. Ito ay makatotohanan.” Ito ay pinanuod ng 411,000 na katao, 2.3 na porsiyento na hati ng manonood.

Noong tag-araw ng 2010, inilabas ng Channel 5 sa United Kingdom ang Don’t Stop Believing, isang palabas na naghahanap ng talento, na binigyang-sigla ng tagumpay ng Glee. Tampok ng serye ang mga pagtatanghal ng mga baguhang musikal na grupo na naglalaban sa pamamagitan ng pagtanghal ng mga kilalang kanta sa bagong ayos, at kung saan ang mga manonood ang pipili ng mananalo. Ang mga nag-iisang kumakanta ay hinanap para sumama sa isang grupo upang kumatawan para sa United Kingdom sa Amerikanong grupo ng glee. Inihayag ng taga-kontrol ng Five na si Richard Wolfe na: “May pagsabog sa mga grupo ng mga musikal na nagtatanghal at papasukin ng Don’t Stop Believing yoon.” Si Emma Bunton ang mangunguna ng palabas, na sinabi sa The Belfast Telegraph na siya ay isang “malaking tagahanga” ng Glee. Ang mga hurado ng palabas ay ang dating artista ng East Enders na si Tamsin Outwaite, miyembro ng Blue na si Duncan James, mang-aawit na si Anastacia at ang koreograpo ng High School Musical na si Charles “Chucky” Klapow.