Glen Davis (basketbol)

Si Ronald Glen "Big Baby" Davis (ipinanganak noong Enero 1, 1986), ay ang 6'9", 289 lbs na dating power forward ng Louisiana State University college basketball team, na huling naglaro sa Los Angeles Clippers ng NBA. Si Davis ay na-draft ng Seattle Supersonics bilang 35th overall pick noong 2007 NBA Draft. Ang karapatan para sa kontrata ni Davis ay na-trade sa Boston Celtics kasama ni Ray Allen para kay Delonte West, Wally Szcerbiak, at sa 5th overall pick ng 2007 NBA Draft na si Jeff Green.

Glen Davis
Si Davis nung siya ay nasa Magic noong 2012
Personal information
Born (1986-01-01) 1 Enero 1986 (edad 38)
Baton Rouge, Louisiana
NationalityAmerikano
Listed height6 tal 9 pul (2.06 m)
Listed weight289 lb (131 kg)
Career information
High schoolUniversity Laboratory
(Baton Rouge, Louisiana)
CollegeLSU (2004–2007)
NBA draft2007 / Round: 2 / Pick: ika-35 overall
Selected by the Seattle SuperSonics
Playing career2007–2015
PositionPower forward / Center
Career history
20072011Boston Celtics
20112014Orlando Magic
20142015Los Angeles Clippers
Career highlights and awards
Stats at Basketball-Reference.com

Karera sa kolehiyo

baguhin

Ibinoto si Davis ng mga coach ng Southeastern Conference bilang 2006 SEC Player of the Year, at napangalanan din upang mapabilang sa All-SEC first team. Noong 2006, bilang isang sophomore, pinangunahan ni Davis ang Tigers sa kanilang unang paglahok sa Final Four simula noong 1986. Sila ay nalalag sa torneyo noong National Semifinals, kung saan natalo ang Louisiana State University sa UCLA matapos makalamang ng malaki ang UCLA sa first half. hindi na nagawang makalapit ng LSU. Mababa ang naging shot percentage ni Davis sa nasabing laro kung saan gumawa siya ng 17 puntos, at apat lamang ang napasok niya sa kanyang 10 freethrows bago ma-foul out sa laro.

Karera bilang propesyunal na basketbolista

baguhin

Noong 20 Marso 2007, ipinahayag ni Davis sa press ang kanyang pagpasok sa 2007 NBA Draft imbes na bumalik sa LSU sa kanyang huling taon.[1] Siya ay pumirma ng kontrata sa agent na si John Hamilton ng Performance Sports Management.[2] Si Davis ay na-draft ng Seattle Supersonics bilang 35th overall pick ng 2007 NBA Draft. Ang karapatan para sa kontrata ni Davis, kasama ni Ray Allen ay na-trade para sa 5th overall pick ng 2007 NBA Draft na si Jeff Green.

Si Davis ay kabilang sa 2007 summer league team ng Celtics. Sa naganap na trade, inaasahan ni Davis na mahaba ang kanyang magiging playing time sa kanyang unang professional season. Bagama't ang kanyang pangunahing posisyon ay power forward, si Davis ay maari ding maglaro bilang backup center sa regular season.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "LSU's Glen Davis to enter NBA draft". Yahoo! Sports. 2007-03-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-28. Nakuha noong 2007-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "LSU's 'Big Baby' Davis going pro". Yahoo! Sports. 2007-03-20. Nakuha noong 2007-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. Not Playing Nice: Powe, Davis Enjoying a Battle of the Bigs[patay na link] Steve Bulpett, the Boston Herald, 6 Hulyo 2007

Mga panlabas na kawing

baguhin