Gloria Villaraza Guzman
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Hunyo 2014) |
Talambuhay
baguhinIsinilang si Gloria Villaraza Guzman sa Malabon noong 11 Enero 1925. Siya ay anak nina Lucino Villaraza and Flordeliza Sogueco. Nagtapos siya ng elementarya sa Malabon Elementary School bilang Salutatorian, hayskul sa Malabon Central Institute na may second honor at kolehiyo sa National Teachers College noong 1955.
Nagsusulat na siya ng mga tula, maikling kuwento at sanaysay simula pa noong 1943.
Ilan sa kanyang mga natanggap na parangal ang Carlos Palanca Memorial Award for Literature (1975), Cultural Center of the Philippines Literary Award (1979) at Quezon City Literary Award (1980).
Noong 1983, ginawaran siya ng Komisyon ng Wika Award para sa Tula, Fiksyon at Literaturang Pambata.
Noong 1985, dalawa sa kanyang mga kuwentong pambata ang na-eksibit ng UNESCO sa Paris, ang Munting Sinag-araw at Munting Patak-ulan. Ginawan ng mural sa Philippine Children's Medical Center ang Munting Patak-ulan.
Mga Maikling Kuwento
baguhinBakasyon Grande
baguhinBuod
baguhinMagtatatlong taon na sa Amerika si Eden simula nang pagbakasyonin ito ng inang si Aling Bining. Ito ay makaraang magalit nang husto si Aling Bining sa karelasyon ni Eden noon sa Pilipinas na si Miguel dahil diumano sa pang-aalipusta ng ate ni Miguel na si Chitang sa pamilya ni Aling Bining.
Nakatakdang ikasal si Eden kay Dino, isang Pilipinong nakilala ni Eden sa Amerika, pero di pa rin niya magawang makalimutan si Miguel. Sa isang mall sa California, nagkita sina Eden at kababata niyang si Beth; naikwento ni Eden na ikakasal na siya at, dahil nagmamadali na si Beth, nagpalitan na lamang sila ng mga numero ng telepono. Sa kanilang pag-uusap sa telepono nang gabing iyon, nabanggit ni Beth na taga-Sta. Ana siya at dahil doon din nakatira ang nobyong si Dino, naikwento ni Eden ang tungkol sa magiging asawa. Sikat ang pamilya ni Dino sa Sta. Ana kaya't agad na nakilala ito ni Beth—binalaan niya si Eden na nagkabalikan na si Dino at ang kinakasama nitong si Minda.
Hindi natuloy ang kasal makaraang makumpirma ni Eden na totoo ang mga sinabi ni Beth at pagkatapos ay umuwi sila pabalik ng Pilipinas ni Aling Bining (na lumuwas pa ng Amerika para lamang sa kasal ng anak) at namalagi sa bahay ng kamag-anak. Isang hapon, gulat na gulat si Eden nang dumalaw sa bahay si Miguel at nagsabing mamamanhikan ito kasama ng Mama at Papa niya kay Aling Bining.
Mga Tauhan
baguhin- Eden - bunso sa magkakapatid. Tatlong taon na siya sa Tustin, California.
- Miguel - naging karelasyon ni Eden sa Pilipinas. Mayaman ang kaniyang pamilya.
- Dino - anak ni Dr. Rosauro Mangali, isang kilalang doktor sa Sta. Ana, California. Hindi siya umiinom ng alak at hindi rin nagsusugal. Muntik na silang ikasal ni Eden.
- Minda - kinakasama ni Dino.
- Beth - kababata ni Eden na nasa California din.
- John - Amerikanong laging nababanggit ni Eden sa mga sulat niya sa ina.
- Aling Bining - ina ni Eden.
- David - panganay na lalaki ni Aling Bining at kapatid ni Eden.
- Chitang - nakatatandang kapatid ni Miguel.
Mga Paksa
baguhin- Pagdedesisyon ng magulang para sa anak - Walang nagawa si Eden kung hindi sundin ang utos ng ina na manalagi sa Amerika para lumayo kay Miguel.
- Pag-ibig - Tatlong taon man ang lumipas, tutol man ang ina ni Eden na si Aling Bining at kapatid ni Miguel na si Chitang, sinunod pa din nila Eden at Miguel ang nararamdaman nila para sa isa't-isa.
Dalawang Pag-ibig
baguhin- Guhit na inurong
Buod
baguhinTatlong taong nanligaw si Ismael kay Enyang at tatlong taong naging sila. Ayon kay Enyang, pagkaraan ng dalawang taon ay tapos nang mag-aral ang kapatid niya at pwede na silang magpakasal ni Ismael.
Ngunit isang araw, habang nasa bus papuntang Bicol, nakilala ni Ismael si Irma. Pagkaraan ng limang buwan, ikinasal sila sa harap ng altar ng lumang simbahan sa bayan nina Irma.
Nagbigay ng tulong si Ismael sa mga kanayon ni Enyang sa pamamagitan ng pagdadala ng mga doktor na nanggamot nang libre. Hindi ito nagustuhan ng mga nakikipaglaban sa pamahalaan kaya't tinambangan nila si Ismael minsang pauwi ito sa bahay nila ni Irma. Pinigilan ni Irma ang mga rebelde at nabaril siya sa dibdib at nasawi samantalang tinamaan ng mga bala sa mga hita si Ismael kaya't kinailangang putulin ang kanyang mga paa.
Sa V. Luna, ang ospital ng mga kawal, dinalaw si Ismael ni Delfin at, sa kanilang pagkukuwentuhan, nabanggit ni Delfin na dalaga pa rin si Enyang.
Mga Tauhan
baguhin- Ismael Tablan - isang mataas na opisyal ng hukbong sandatahan.
- Enyang - unang kasintahan ni Ismael sa loob ng tatlong taon.
- Irma Toribio - ikalawang kasintahan ni Ismael at naging asawa nito. Isa siyang guro sa isang maliit na paaralan sa Bicol.
- Delfin - ang pinakamatalik na kaibigan ni Ismael noong hayskul sa Malolos.
Mga Paksa
baguhin- Pagtataksil - Iniwan ni Ismael si Enyang, nobya niya ng tatlong taon, para kay Irma na nakilala lamang niya nang limang buwan.
Isang Bagong Pangako
baguhinBuod
baguhinNaipangako ni Buddy sa ina bago ito mamatay na papakasalan nito ang kaisa-isang anak ng matalik nitong kaibigan sa bangko na si Helen.
Ilang taon rin na nakipaglaban sa sakit na cancer si Helen bago ito binawian ng buhay. Ang kanyang asawang si Buddy ay matiyagang nagbantay sa kanyang labi sa funeral home at nagpasalamat sa bawat panauhing nakiramay. Hindi inaasahan ni Buddy na makikita niya sa mga nakiramay si Olivia, ang dati nitong karelasyong napangakuang papakasalan.
Kadarating lang ni Olivia galing Amerika kung saan siya dinala ng kanyang amang tutol sa relasyon nila Olivia at Buddy. Divorced na raw ito kay Elmer, pero meron silang naging anak na ngayon ay nasa pangangalaga ni Olivia.
Isang araw, dumating sa bangko ni Buddy ang mga kliyenteng sina Mila at Ester, kasama si Olivia na walang kamalay-malay sa kung sino ang may-ari ng bangkong pagbubukasan niya ng bagong account at kukuhanan ng loan para mabili ang inaasam na bahay sa Magallanes.
Nagkalakas ng loob si Olivia na lapitan si Buddy para makakuha ng loan at dito na inaya ni Buddy si Olivia na kumain ng tanghalian sa isang bagong bukas na kainan.
Mga Tauhan
baguhin- Buddy - namamahala sa isang bangko.
- Helen - kaisa-isang anak ng matalik na kaibigan ng ina ni Buddy. Pinakasalan siya ni Buddy, tulad nang naipangako nito sa ina. Namatay siya sa sakit na cancer.
- Olivia - dating nobya ni Buddy na nagpunta ng Amerika at bumalik sa Pilipinas. Isa siyang middle manager ng isang korporasyon.
- Mila at Ester - mga pinsan ni Olivia. Naging kaklase sila ni Buddy sa hayskul at ngayon ay kliyente ni Buddy sa bangko.
- Elmer - Fil-American na naging asawa ni Oliva sa Amerika at naanakan.
Mga Paksa
baguhin- Utang na loob sa magulang - Pinakasalan ni Buddy si Helen dahil sa pangako sa ina kahit na iba ang nasa puso nito. Pumuntang Amerika si Olivia dahil sa kagustuhan ng ama na tutol sa relasyon nila ni Buddy.
- Pag-ibig - Nagkalayo at nagkaroon na ng asawa pareho sila Buddy (Helen) at Olivia (Elmer) pero sa huli, sila pa rin ang magkakatuluyan.
Karapatan
baguhinBuod
baguhinSumama ang babae sa kanyang Tiya Miding papuntang Roma at Herusalem hindi lamang para mabendisyunan ng Mahal na Papa kung hindi para makalimutan ang panloloko sa kanya ng kasintahang si Lemuel. Malapit na noon ang kanilang pagtatapos nang maibalita ni Thelma sa babae na may kinakasama si Lemuel sa tinutuluyan nitong apartment.
Isang linggong namalagi at naglibot-libot sa Roma ang mag-tiyahin. Pagdating sa Herusalem, sinamahan sila ng giyang Hudyo ng hotel na kanilang tinutulyan patungo sa simbahan ng Golgotha, ang lugar kung saan ipinako sa krus si Hesus. Nagpresenta ang mag-amang si Norberto Felix at Lino, kapwa Pilipino, na umagapay sa magtiyahin sa mahaba-habang paglalakad mula ikalimang estasyon ng Via Dolorosa at pumayag naman ang mga ito. Nagkakuwentuhan ang apat at kinalaunan ay sabay-sabay na umuwi ng Pilipinas.
Sa Maynila, naging malapit sa isa't isa ang apat at kung saan-saan sila namasyal: Tagaytay, Caliraya, Caylabne, Puerto Azul, Tagaytay.
Sa huling pagpunta nila sa Tagaytay kung saan nagkasarilinan si Norberto at ang babae, inilabas ni Norberto mula sa bulsa ng dyaket ang isang brilyanteng singsing at inalok ng kasal ang babae.
Mga Tauhan
baguhin- babae - 26 anyos na dalaga.
- Tiya Miding - kapatid ng ina ng babae na kasabay niyang pumunta sa Roma at Herusalem.
- Norberto Felix - 42 anyos na byudang lalaki.
- Lino - anak ni Mr. Felix. Kakatapos lang niya ng kolehiyo sa Pilipinas at isinama ng kanyang ama sa pamamasyal sa London, Paris, Roma at Herusalem
- Lemuel - naging kasintahan ng babae. Ilang ulit na niyang niyaya ang babae sa motel pero tumatanggi ito.
- Thelma - kaibigan ng babae na nagbalitang may kinakasama ang kasintahan nitong si Lemuel.
Mga Paksa
baguhin- Age doesn't matter o hindi mahalaga ang edad pagdating sa pag-ibig - 42 anyos si Mr. Felix samantalang 26 anyos lamang ang babae.
Mahalimuyak ang Pag-ibig
baguhinBuod
baguhinKinumbida ni Ely ang kaibigang sina Cynthia at Edwin na magbakasyon. Habang namamasyal, nawili si Cynthia sa pamimitas ng bulaklak kaya't inantay siya ni Edwin at pinauna nito si Ely. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya't napilitan silang sumilong at magpalibas ng gabi sa isang malapit na kuweba, pero walang nangyari sa kanilang dalawa. Sinabi ni Edwin kay Cynthia kinabukasan na magpapakasal sila pagdating nila sa Maynila dahil siguradong kakalat ang tsismis na magkasama sila buong gabi sa kuweba. Walang nagawa si Cynthia, nagpakasal sila ni Edwin at tumira sa bahay nito kung saan napalapit ang loob ni Cynthia kay Edwin at sa ina nito. Sinustentuhan ni Edwin ang pag-aaral ni Cynthia at, hindi nagtagal, nakatapos ng kolehiyo si Cynthia. Masayang-masaya si Cynthia pero hindi nito maunawaan kung bakit parang kulang ang kasiyahang nadarama. Sinabi nito kay Edwin na gusto na niya ng totoong kasal; na-in love na siya kay Edwin.
Mga Tauhan
baguhin- Cynthia - mag-aaral ng unibersidad.
- Edwin - pumapasok sa opisina. Matagal na niyang gustong ligawan si Cynthia
- Ely - kaibigan ni Cynthia.
- Nene - kapatid ni Cynthia na nasa hayskul.
Mga Paksa
baguhin- Pananamantala - Wala namang nangyari sa kuweba sa pagitan nila Cynthia at Edwin pero pinilit pa rin ni Edwin si Cynthia na pakasalan siya dahil diumano malalagay sa alanganin si Cynthia kung malalaman ng mga tao na natulog sila sa kuweba nang magkasama.
- Natututunan ang pagmamahal - Hindi naman magkasintahan sina Edwin at Cynthia bago sila magpakasal pero nagawa rin ni Cynthia na mahalin si Edwin.
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Hunyo 2014) |