Sa partikulong pisika, ang isang glueball (literal na "bolang pandikit") ay isang hipotetikal na kompositong partikulo. Ito ay tanging binbuo ng mga partikulong gluon na walang mga balensiyang(valence) quark. Ang gayong estado ay posible dahil ang mga gluon ay nagdadala ng mga kargang kulay at nakakaranas ng interaksiyong malakas. Ang mga glueball ay labis na mahirap na matukoy sa mga akselerador ng partikulo dahil ang mga ito ay naghahalo sa mga ordinaryong estadong meson. Ang mga teoretikal na kalkulasyon ay nagpapakitang ang mga glueball ay dapat umiral sa mga saklaw ng enerhiyang maaabot ng mga kasalukuyang teknolohiyang pambangga(collider). Gayunpaman, dahil sa nabanggit na kahirapan, ang mga ito (magmula noong 2011) ay sa kasalukuyan hindi pa napagmamasdan at natutukoy nang may katiyakan.

Sa mga simulasyong lattice

baguhin

Ang teoriyang lattice field ay nagbibigay ng isang paraan upang pag-aaral ng teoretikal ang spektrum na glueball at mula sa mga unang prinsipyo. Kinuwenta nina Morningstar at Peardon[1] ang mga masa ng pinaka-magaang mga glueball sa QCD nang walang mga dinamikal na quark. Ang tatlong pinakamababang mga estado ay tinabula sa ilalim. Ang presensiya ng mga dinamikal na quark ay kaunting magbabago ng mga datos na ito at gumagawa ring mas mahirap sa pagkukwenta.

J PC masa
0++ 1730(50)(80) MeV
2++ 2400(25)(120) MeV
0−+ 2590(40)(130) MeV

Mga sanggunian

baguhin
  1. Colin J. Morningstar; Mike Peardon (1999). "Glueball spectrum from an anisotropic lattice study". Physical Review D. 60 (3): 034509. arXiv:hep-lat/9901004. Bibcode:1999PhRvD..60c4509M. doi:10.1103/PhysRevD.60.034509.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)