Godspeed
Ang Godspeed ay nobela ni Charles Sheffield noong 1993. Hinalaw ang aklat na ito sa Treasure Island, isang kathang-isip na salaysaying pang-agham ni Robert Louis Stevenson. Sa halip na kayamanan ng pirata, hinahanap ang sasakyang pangkalawakan na "Godspeed".
Balangkas
baguhinSa planeta ng Erin, lumaki ang batang Jay Hara sa mga panaginip ng kalawakan at alamat ng sasakyang pangkalawakan ng Godspeed, na pinapayagan na maglakbay ang mga tao na kasing bilis ng liwanag. Pagkatapos makilala si Paddy Enderton, isang masungit na manlalakbay ng kalawakan, napasama si Jay sa isang habulan na nagdala sa kanya sa labas ng planeta, sa sinturon ng asteroyd, at sa maliliit nitong mga mundo, at sa katapusan sa mga labi ng lumang himpilang pangkalawakan kung saan maaring naroon ang sasakyang Godspeed. Sa kanyang paglalakbay, nasindak at natakot siya sa mga piratang pangkalawakan na tripulante ng sasakyang pangkalawakan, partikular ang mapinlinlang, walang-awang kapitan na si Daniel Shaker. Nagsisikap na itugma ang kanyang paghanga para kay Shaker sa pagiging mabangis nito, dumating na si Jay bilang isang manlalakbay sa kalawakan at sa sapat na gulang.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.