Gondal
Ang Gondal ay isang mundong likhang-isip o parakosmo na nilikha nina Emily Brontë at Anne Brontë noon panahon ng kanilang kabataan. Isa itong pulo na nasa Timog Pasipiko, na agad na nasa hilaga ng pulong Gaaldine. Ang pinakamaagang umiiral pang pagtukoy ay nagmula sa isang lahok o pagpapasok sa talaarawan noong 1834. Sa ngayon, wala nang nakaligtas na bahagi ng kathang-isip na tuluyan o prosa subalit umiiral pa rin ang nasa anyong panulaan, na ang karamihan ay nasa anyo ng isang manuskritong inabuloy sa Museong Britaniko noong 1933; pati na ang mga lahok sa talaarawan at mga piraso ng mga tala. Ang mga tula ay may kinatatangian o paglalarawan ng digmaan, romansa at intriga. Ang tagpuan sa Gondal, kasama na ang kahalintulad na tagpuan sa Angria na nilikha ng isa pang magkapatid na Brontë na sina Charlotte Brontë at Branwell Brontë ay inilarawan bilang isang maagang anyo ng likhang-isip na haka-haka (kathang-isip na pagbabakasakali).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.