Good King Wenceslas
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Hulyo 2009)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Ang "Good King Wenceslas" (Tagalog: Si Mabuting Harìng Wenceslao) ay isang populár na himig pamaskò ukol sa harìng ito at ang kaniyang pagbibigay ng limós sa dukhâ sa Pista ni San Esteban (26 Disyembre). Sa paglakbáy niya kasama, ang katulong niyang page ay muntikan nang sumuko buhat ng matindíng lamig ng panahon, Natuloy niya ang kanilang paglakbay ng tumapak siya sa bawat yapák ni Harìng Wenceslao sa makapál na niyebe. Ang awiting ito ay nakabase sa buhay ni San Wenceslao I (Tseko: Svatý Václav), Duke ng Bohemya (ca. 907–935).
Kasaysayan
baguhinIsinulat ang awit na ito noong 1853 ng Ingles na manunulat ng mga himnong si John Mason Neale, kasama ng kaniyang pamatnugot ng musikáng si Thomas Helmore. Unang lumabas ang awit sa Carols for Christmas-Tide, 1853 ("Mga Awiting Pamasko, 1853")[1][2], at ang mga titik ni Neales ay inilapat sa isang awiting pang Tagsibol mula ika-13 dantaón na "Tempus adest floridum" ("Malapit na ang Panahón ng Pamumulaklak"), na unang inilimbág noong 1582 sa Pinlandiya sa koleksiyon ng awit na Piae Cantiones.
Titik
baguhinInglés | Saling Filipino (hindì maaaring awitin). |
---|---|
Good King Wenceslas looked out on the feast of Stephen. |
Si Mabuting Harìng Wenceslao noong Pista ni Esteban |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.