Gōshō Aoyama

(Idinirekta mula sa Gosho Aoyama)

Si Gōshō Aoyama (Hapon: 青山 剛昌), ipinanganak Yoshimasa Aoyama (青山 剛昌, Aoyama Yoshimasa, noong 21 Hunyo 1963) ay isang manunulat na Hapon na kilala sa paggawa ng mga seryeng manga, kabilang ang Detective Conan.

Gōshō Aoyama
Kapanganakan21 Hunyo 1963
  • ()
MamamayanHapon
NagtaposPamantasang Nihon
Trabahoanimator, comics artist, Mangaka
AsawaMinami Takayama (2005–2007)

Magaling si Aoyama sa pagguhit ng mga larawan mula pa pagkabata. Nang siya ay nasa Unang Baitang sa elementarya, ang kanyang pintura na "Yukiai War" ay nanalo sa isang paligsahan at itinanghal sa Tottori Daimaru Department Store.

Nag-aral siya ng hayskul sa Ikuei High. Pagkatapos niyan ay pumunta siya sa Nihon University College of Art sa Tokyo para makapag-aral ng kolehiyo. Habang nag-aaral siya sa pamantasan, nanalo si Aoyama sa isang paligsahan ng mga komiks para sa mga freshman. Ito ang naging daan niya para sa kanyang karera bilang isang mangaka (manga artist) at isang may-akda.

Ang unang manga na nilikha ni Aoyama ay ang "Chotto Mattete (Wait a Minute). Ito ay inilathala sa lingguhang magasin na "Shounen Sunday" noong 1987. Sumunod niyan ang "Magic Kaito", na inilathala rin sa parehong magasin.

Noong dekada '90, lumabas ang kanyang likha na "Yaiba". Ito ay nagkaroon ng 24 na bolyum at nanalo sa Shogakukan manga contest noong 1992. Ang manga na ito ay ginawa ring anime series.

Noong 1994, lumabas ang "Detective Conan". Sumikat ang manga na ito sa Japan at ginawa ring anime series noong 1996. Sa kasalukuyan ay hindi pa natatapos ang manga at anime series na ito at ipinapalabas sa iba't ibang bansa, kabilang ang Pilipinas.

Noong 5 Mayo 2005, ikinasal siya kay Minami Takayama, isang mang-aawit at dubber na gumaganap sa boses ni Conan Edogawa sa anime na bersyon ng "Detective Conan". Ngunit di nagtagal at naghiwalay rin sila.

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.