Ang Grand Theft Auto ay isang serye ng larong video, na linikha ni Dave Jones at inilathala ng Rockstar Games, na kung saan ay ang manlalaro ay gumaganap sa papel ng isang kriminal, na nagtatangkang umangat sa mundo ng krimen, katiwalian, terrorismo, at sindikato. Ang kontrabida sa larong ito ay kadalasan na isang karakter na nagtaksil sa kanilang organisasyon o isang karakter na nagiging balakid sa kanilang iligal na operasyon.

Grand Theft Auto
Grand Theft Auto

Umani ng karangalan at kontrobersiya ang Grand Theft Auto, dahil sa malayang istruktura at pamamaraan ng laro - sa dahilang ito ay maaring gumala ang isang karakter sa syudad at gawin ang ninanais ng naglalaro - ito ay naging punto ng batikos dahil maaring magpasabog ng mga sasakyan, mag-agaw ng mga oto, pumatay ng mga inosenteng sibilyan, manlaban sa mga pulis at gumamit ng sasakyan para sa krimen ang naglalaro; ang ilan sa mga kritiko ng GTA, tulad nila Jack Thompson, Hillary Rodham Clinton at Julia Boseman, ay naniniwalang maaring gayahin ng kabataan ang ginagawa ng mga karakter ng Grand Theft Auto, ngunit naniniwala naman ang iba na ang larong ito ay nagbibigay ng isang lugar para gawin ang kanilang ninanais.

Screenshot ng Grand Theft Auto III.

Listahan ng laro

baguhin

Kawing panlabas

baguhin