Ang gravitino (may simbolong ) ang supersymmetrikong partner ng graviton gaya ng hinulaan ng mga teoriya na nagsasama ng pangkalahatang relatibidad at supersymmetriya(i.e. mga teoriyang supergrabidad). Kung ito ay umiiral, ito ay isang fermion ng ikot na 32 at kaya ay sumusunod sa ekwasyong Rarita-Schwinger.

Ang gravitino field ay konbensiyonal na isinusulat bilang ψμα na may μ = 0,1,2,3 na isang apat-na-bektor na indeks at α = 1,2 na spinor na indeks. Para sa μ = 0, makakakuha ng negatibong norm na mga modo(norm modes) gaya ng sa bawat walang masang partikulo ng ikot na 1 o mas mataas. Ang mga modong ito ay hindi pisikal para sa konsistensiya, dapat ay may gauge na symmetriya na kumakansela sa mga modong ito: δψμα = ∂μεα kung saan ang εα(x) ay isang punsiyon spinor ng espasyo-oras. Ang gauge symmetriya na ito ay lokal na supersymmetriyang transpormasyon at ang nagreresultang teoriya ang supergrabidad.

Kaya ang gravitino ang fermion na namamagitan ng mga interaksiyong supergrabidad gaya ng ang photon ang namamagitan ng elektromagnetismo at ang graviton ay pinagpapalagay na namamagitan ng grabitasyon. Sa tuwing ang supersymmetriya ay nasisira sa mga teoriyang supergrabidad, ito ay nagtatamo ng isang masa na tinutukoy ng skala kung saan ang supersymmetriya ay nasira. Ito ay malaking nagiiba sa pagitan ng mga iba't ibang modelo ng pagkasira ng supersymmetriya ngunit kung ang supersymmetriya ay lulutas ng problemang hierarka ng Pamantayang Modelo, ang gravitino ay hindi maaring mas masibo kesa sa mga 1 TeV/c.

Sanggunian

baguhin