Mga misteryong Greko-Romano

(Idinirekta mula sa Greco-Roman mysteries)

Ang Mga Relihiyong Misteryo, Mga Misteryong Sagrado o simpleng Mga Misteryo ay mga kultong relihiyoso ng daigdig na Greko-Romano na ang pakikilahok sa mga ito ay nakareserba sa mga inisiyado.[1] Ang pangunahing paglalarawan sa relihiyong ito ang pagiging masikreto nito na nauugnay sa mga partikular na inisiasyon at pagsasanay ng kulto na hindi maaaring ihayag sa mga tagalabas nito. Ang pinakasikat na mga misteryo ng sinaunang panahong Greko-Romano ang Mga Misteryong Eleusiniano na nauna sa Mga Griyegong Panahong Madilim. Ang kasikatan ng mga kultong misteryo ay yumabong sa Huling Sinaunang Panahon. Si Julian ang Tumalikod na Emperador ng Imperyo Romano noong ika-4 siglo CE ay pinaniniwalaang naging inisiyado sa tatlong mga natatanging mga kultong misteryo. Ang kilala sa mga kalaunang kultong misteryo ang Mga Misteryong Mitraiko. Dahil sa kalikasang masikreto ng mga misteryong ito at sa pag-uusig ng mga Kristiyanong Emperador ng Imperyo Romano noong ika-4 na siglo CE, ang mga detalye ng mga relihiyon ito ay hindi alam sa skolarship bagaman may mga edukadong paghula sa kanilang pangkalahatang nilalaman.[2]

Kristiyanismo

baguhin

Noong ika-2 siglo CE, isinaad na at tinukoy ng Kristiyanong si Justin Martyr ang mga misteryong relihiyon bilang "mga panggagaya ng demonyo" sa relihiyong Kristiyanismo. Ikinatwiran ni Justin Martyr na umabot sa mga tenga ng diablo na hinulaan ng mga propeta sa Lumang Tipan ang pagdating ni Hesus, at inudyokan ang mga paganong manunulat na magsulong ng mga tatawaging mga anak ni Hupiter bago pa ang paglitaw ng Kristiyanismo upang ipaniwala sa mga tao na ang Kristo ay katulad ng mga anak ni Hupiter.Isinaad ni Justin Martyr na: "Nang aming sabihing si Hesu-Kristo ay nilikha nang walang pagsasamang seksuwal, ipinako at namatay at muling nabuhay at umakyat sa langit, wala kaming isinusulong na bago o iba mula sa pinaniniwalaan niyong tungkol sa mga ginagalang niyong mga anak na lalake ni Jupiter". Isinaad din ni Justin Martyr na "...ang mga demonyo ay humimok sa mga pagano na pumapasok sa kanilang mga templo...na wisikan ang kanilang mga sarili ng tubig; sa karagdagan, sinanhi nila silang maghugas ng kanilang mga buong pagkatao." Isinulat ni Tertullian na "sa mga ritong Appolinariano at Eleusinian, sila ay binabautismo at kanilang naiisip na ang resulta ng bautismong ito ay muling kapanganakan at pagpapatawad ng parusa ng kasalanan ..." Isinaad ni Plutarch(46 CE – 120 CE) na "Nang si Antalcidas ay na-inisiyado tungo sa mga misteryo sa Samothrace, humiling ang pari sa kanya [na ikumpisal] ang lalong nakakatakot na bagay na kanyang nagawa sa kanyang buhay..." Mula ika-1 hanggang ika-4 na siglo CE, ang Kristiyanismo ay direktang nakipagtunggali para sa mga tagasunod sa mga kultong misteryo ito.[3] Ayon kina Klauck a McNeil, " "ang doktrinang Kristiyano ng mga sakramento sa anyo na kilala natin ay hindi lumitaw nang walang ugnayan sa pagitan ng Kristiyanismo at Mga Misteryong Relihiyon. Naunawaan rin ng Kristolohiya kung paano itaas ang pagmamanang mitikal na nagdadalisay nito at itinataas ito."[3]:152 Ang salitang "misteryo(Griyeong mystirion) ay lumilitaw ng 22 beses sa singular at 5 beses sa plural sa Bagong Tipan kabilang ang 1 Timoteo 3:9,16, Efeso 1:9,3:4,9,5:32,6:19, Colosas 1:26,4:3, 1 Corinto 4:1,15:51. Bilang pag-ayon kay Apostol Pablo, si Clemente ng Alexandria ay nag-anyaya sa mga pagano na maging inisiyado sa mga misteryo ng Kristiyano. Isinulat ni Clemente na "At pagkatapos ay magkakaroon kay ng pangitain ng aking Diyos, at magiging inisiyado sa mga banal na misteryong iyon at malalasap ang mga kagalakan na itinago sa langit". Inilarawan rin ni Clemente ang Kristiyanismo bilang "ang mga sagradong misteryo". Ang ilang mga wika at mga imahen na matatagpuan sa Bagong Tipan ay hinango sa Mga Misteryong relihiyon na ito. Halimbawa ang butil na isang manipestasyon ng buhay rito na sumisimbolo sa buhay sa lahat at katulad ng makikita sa 1 Corinto 15:36–38 at Juan 12:24. Sa isang seremonyang inisiasyon ng mga misteryong Eleusiniano sa madilim na kwarto ng inisiasyon, ang pari ay lumilikha ng isang korona ng liwanag na may mga dila ng apoy sa palibot ng kanyang ulo. Una ay kanilang aahitin ang kanyang ulo at tatakpan ito ng protektibong unggwento. Pagkatapos ay kanilang ikakabit sa tuktok ng kanyang ulo ang isang pabilog na metal na isang lalagyan na may alkohol na aapuyan sa dilim at liliwanag sa isang maikling panahon. Ang korona ng apoy sa ulo ng pari ay tulad ng isang dila ng apoy. Ang imaheng ito ay hiniram sa Mga Gawa*. Ang pakikipag-isa o "pananahan" sa diyos na si Dionysus ay makikita sa 1 Juan 4:15, Galacia 3:28, 2 Corinto 5:17. Ang Mga Misteryong Relihiyong ito ay sakramental na komunyon sa kanilang diyos na si Zagreus-Dionysus na nagdusa, namatay at muling nabuhay. Sa simbolikong pagkain ng katawan at pag-inom ng dugo, ang mga nagdiriwang ay nagiging sinasapian ni Dionysus at makikita sa Juan 6:54–56.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Crystal, David, pat. (1995), "Mystery Religions", Cambridge Encyclopedia of The English Language, Cambridge: Cambridge UP, inarkibo mula sa orihinal noong 2007-05-10, nakuha noong 2012-12-19{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  2. Barnes, Ernest William (1947), The Rise of Christianity, p. 50f{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  3. 3.0 3.1 Klauck, Brian; McNeil (2003), The Religious Context of Early Christianity, Continuum International Publishing Group, ISBN 978-0-567-08943-4{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).