Gregorio Zara

Pilipinong inhenyero at imbentor

Si Gregorio Ynciong Zara (8 Marso 1902 – 15 Oktubre 1978) [1] ay isang Pilipinong inhinyero, pisiko, isang Pambansang Siyentipiko, at imbentor. Siya ay kilala bilang ama ng videoconferencing o ang pagkokomperensiya gamit ang video [2] para sa pag-imbento ng unang dalawahang daan na videophone. [2] [3] [1] Isa rin siya sa mga naunang inhenyerong aeronawtikal ng bansa na nakaimbento ng makina ng eroplano na tumatakbo sa plain alkohol bilang gasolina. [1] Kabilang sa kanyang iba pang mga kapansin-pansing imbensyon ay kinabibilangan ng water heater na pinapagana ng enerhiyang solar, [1][4] ang pagtuklas ng pisikal na batas ng electrical kinetic resistance na tinatawag na epektong Zara, [4] [2], at isang propeller-cutting machine, [4] bukod sa iba pa.

Gregorio Y. Zara
Kapanganakan
Gregorio Ynciong Zara

Marso 8, 1902
Kamatayan15 Oktobre 1978(1978-10-15) (edad 76)
NasyonalidadFilipino
NagtaposUniversity of the Philippines Manila
University of Michigan
Massachusetts Institute of Technology
University of Paris
TrabahoInhenyero and imbentor
ParangalNational Scientist of the Philippines

Gantimpala

baguhin

Dahil ito binigyan siya ng parangal tulad ng Presidential Diploma of Merit (1959), Distinguished Service Medal, Presidential Gold Medal and Diploma of Honor for Science and Research, at Cultural Heritage Award for Science Education and Aero Engineering noong 1966.

Personal na Buhay

baguhin

Ipinanganak noong Marso 8, 1902 sa Lipa, Batangas si Gregorio. Kinakitaan na ng likas na katalinuhan kaya't nagtapos siya sa elementarya at mataas na paaralan na Valedictorian. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas bago nagpatuloy sa Massachusetts Institute of Technology at nagtapos ng BS Mechanical Engineering. Kinuha niya ang Master's Degree sa Aeronautical Engineering sa University of Michigan.

Ang kanyang Doctorate Degree sa nakuha sa Sorbonne University of Paris. Nabigyan si Gregorio ng Brevet d' Invention Award ng Ministre de Industrie ng Kaharian ng Belgium dahil sa kanyang imbensyong Earth Induction Compass. Ang compass na ito ay nakapagbibigay impormasyon kahit nasa itaas pa ng ere ang eroplano. Siya rin ang nakaimbento ng Vapor Chamber kung saan maaaring pag-aralan at obserbahan ng sinuman ang di-nakikitang (invisible) mga partikulo ng radioactive sources. Ang kanyang Solar Energy Device ay nakapag-iipon (converge) ng sikat ng araw hanggang 3,000 °F at ang kanyang Solar Water Heater na maaaring makapag-init ng tubig hanggang 180°F sa loob lamang ng 7 minuto; ang kanyang Solar Stove na maaaring makapagluto ng iba't ibang pagkain at ang Solar Battery na nakakapag-andar ng radio at electric fan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Quodala, Schatzi (2012-03-12). "Did you know: Gregorio Zara". inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "The father of videoconferencing (Special Series - Giants in Research)". Asia Research News (sa wikang Ingles). 2019-11-13. Nakuha noong 2023-02-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. National Scientists of the Philippines (1978–1998). Pasig City, Philippines: Anvil Publishing, Inc. 2000. ISBN 978-9712709326.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 "Gregorio Y. Zara was born in Lipa City, Batangas March 8, 1902". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). 2012-03-07. Nakuha noong 2023-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)