Grey crowned crane

Ang grey crowned crane (Balearica regulorum), na kilala rin bilang African crowned crane, golden crested crane, golden-crowned crane, East Africa crane, East African crowned crane, Eastern crowned crane, South African crane, ay isang ibon sa pamilya ng mga crane na Gruidae . Matatagpuan ito sa silangan at timog ng Africa, at ito ang pambansang ibon ng Uganda .

Grey crowned crane
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
B. regulorum
Pangalang binomial
Balearica regulorum
Bennett, 1834

Taxonomy

baguhin

Ang grey crowned crane ay malapit na kalahi ng black crowned crane, at ang dalawa ay minsan nang itinuring na bilang parehong lahi. Ang dalawa ay mapaghihiwalay sa batayan ng katibayang genetiko, mga huni, balahibo at mga bahagi ng katawan, at tinuturing sila ng lahat ng mga awtoridad bilang magkaibang mga lahi ngayon.

Mayroong dalawang subspecies . Ang East Africa B. r. Ang gibbericeps (crested crane) na matatagpuan sa silangan ng Demokratikong Republika ng Congo at sa Uganda, kung saan ito ang pambansang ibon at makikita sa pambansang watawat nito, at sa Kenya hanggang sa silangan bahagi ng Timog Africa . Mayroon itong mas malaking bahagi ng hubad na pulang balat sa mukha sa itaas ng puting batik kaysa sa mas maliit na lahi, B. r. regulorum (South African crowned crane), na nangingitlog at nagpaparami sa Angola patimog hanggang Timog Africa.

Paglalarawan

baguhin
 
Larawan
 
Dalawang magulang na ibong magkaharap

Ang grey crowned crane ay halos 1 m (3.3 ft) ang taas, may bigat na 3.5 kg (7.7 lbs), at mayroong 2 m (6.5 ft) ang sukat ng pakpak kapag ito'y nakadipa. Ang karamihan ng balahibo nito sa katawan ay kulay-abo. Malaking bahagi ng mga pakpak ay puti, ngunit mayroon ding mga balahibong may ibang kulay. Ang mga balahibo sa pakpak ay may itim na batik sa dulo. Ang ulo ay may koronang binubuo ng matigas na mga balahibong kulay ginto. Ang mga gilid ng mukha ay puti, at mayroong matingkad na pulang lambi ng lalamunan . Ang tuka ay maikli at kulay-abo, at ang mga binti nito ay itim. Mahaba ang kanilang mga binti para sa paglalakad sa mga damuhan. Ang mga paa ay malaki, ngunit payat, inangkop para sa patimbang ng bigat ng katawan kaysa sa pagtatanggol o paghawak. Walang pinagkaiba ang hitsura ng dalawang kasarian, bagaman maaaring maging bahagyang malaki ang mga lalaki. Ang mga batang ibon ay mas kulay-abo kaysa sa matatandang ibon, na may balahibong kulay malamlam na kayumanggi sa kanilang mukha.

Ang lahing ito at ang black-crowned crane ay ang tanging uri ng crane na maaaring humapon sa mga puno, dahil sa isang mahabang daliri ng paa na maaaring ipangdapo sa mga sanga. Ang ugaling ito ay ipinapagpapalagay na katangian ng mga ninuno ng mga crane, na nawala na sa iba pang pamilya. Ang mga crowned crane ay wala ring trakeya na nakapulupot at buhaghag na mga balahibo di tulad sa iba pang mga crane.

Tirahan

baguhin
 
Sa Serengeti National Park, Tanzania

Sila ay matatagpuan sa tuyong savannah sa Sub-Saharan Africa, kahit na ito ay namumugad sa mamasa-masang tirahan . Maaari din silang matagpuan sa mga latian, mga nilinang na lupa at madamong kapatagan na malapit sa mga ilog at lawa sa Uganda at Kenya at hanggang sa timog ng Timog Africa. Ang ibong ito ay walang nakatakdang ng mga daanan ng paglipat, at ang mga ibong naninirahan malapit sa tropiko ay karaniwang hindi palipat-lipat ng tirahan. Ang mga ibon sa mga tuyong lugar, gaya sa Namibia, ay gumagawa ng pana-panahong paglipat tuwing panahon ng tagtuyot.

Pag-uugali

baguhin

Tuwing panahon ng pagpaparami, ang grey crowned crane ay may breeding display na may kasamang pagsayaw, pagyuko, at paglukso. Mayroon itong isang malakas na huni na ginagamitan nito ng pagpapalobo ng pulang lambi sa lalamunan . Humuhuni din ito na katunog ng trumpeta na ibang-iba sa tunog ng iba pang lahi ng crane.Ang parehong kasarian ay sumayaw, at sumasali sa mga sayaw na ito ang mga mas batang ibon. Ang pagsasayaw ay isang mahalagang bahagi ng panliligaw, ginagawa rin ito ng mga ibon sa kahit anong panahon.

Hindi bihira ang makakita ng kawan ng 30-150 na mga ibon.

Pagkain

baguhin

Ang lahing ito ng crane ay omnivore, kumakain ng mga halaman, buto, butil, kulisap, palaka, bulate, ahas, maliit na isda at mga itlog ng mga hayop na nabubuhay sa tubig. Sa paglalakad nila habang idinadabog ang kanilang mga paa, binubugaw nila ang mga kulisap na mabilis nilang nahuhuli at kinakain. Madalas ding nakikita ang mga ibon kasama ang mga hayop na nangungumpay, kinakain nila ang mga nilalang na nabubugaw ng mga antelope at gazelles habang nanginginain ang mga ito . Ginugugol nila ang kanilang buong araw sa paghahanap ng pagkain. Sa gabi, ang mga crane ay humahapon sa mga puno upang matulog at magpapahinga.

Pagpaparami

baguhin
 
Mga itlog ng Balearica regulorum gibbericeps sa MHNT
 
Sisiw sa Tehran Birds Garden

Ang mga grey crowned crane ay nagpaparami tuwing panahon ng tag-ulan, ngunit maaaring maiba ito batay sa heograpiya. Sa Silangang Africa ang mga lahi ay nagpaparami buong taon, ngunit madalas sa panahong tagtuyot, samantalang sa Timog Africa ang panahon ng pagpaparami ay isinasabay sa tag-ulan. Sa panahon pagpaparami, ang mga pares ng mga crane ay naggagawa ng isang malaking pugad; isang pumpon ng damo at iba pang mga halaman na napapaligiran ng matataas damo sa nga latian. Ang grey crowned crane ay nangingitlog ng mula dalawa hanggang limang makikintab at kulay puting itlog, na nililimliman ng parehong kasarian sa loob ng 28-33 araw. Ang mga sisiw ay napipisang kaya nang pangalagaan ang sarli, at kaya nang maglakad pagkapisa sa kanila. Tinutubuan ng mas maayos na balahibo ang mga sisiw sa loob ng 56-100 araw. Kapag ganap na ang laki ng mga sisiw, kusang humihiwalay ang mga ito sa kanilang mga magulang upang simulan ang kanilang sariling pamilya. Minsa'y nakikita ang mga grey crowned crane ay na nagtitipon katulad ng seremonya ng kasal kapag ang dalawang sisiw ay humihiwalay na. Sumayaw sandali ang bagong mag-asawa bago magkasamang lilipad upang magsimula ng isang bagong pamilya.

Relasyon sa mga tao

baguhin

Katayuan at pangangalaga

baguhin

Bagaman marami pa rin ang mga grey crowned crane sa ilan sa panirahan nito, nanganganib din sila sa pag-iiga ng kanilang tahan, labis na pagkukumpay, at polusyon ng pestisidyo . Ang kanilang pandaigdigang populasyon ay tinatayang nasa pagitan ng 58,000 at 77,000. Noong 2012 ito ay napasama sa talaan ng nanganganib na mga hayop ng IUCN .

Simbolo

baguhin
 
Watawat ng Uganda

Ang grey crowned crane ay ang pambansang ibon ng Uganda at makikita sa watawat at sa sagisag ng bansa .

Mga Sanggunian

baguhin
baguhin