Guadalupe (Pransya)

(Idinirekta mula sa Guadeloupe)

Ang Guadalupe (Guadeloupe sa Pranses) ay isang departamento sa ibayong dagat ng Republika ng Pransiya. Mga pulo ito sa Karibe (ang Grande-Terre at ang Basse-Terre) na nasa loob ng pangkat na Leeward. Pangunahing bumubuo sa populasyong tao ng departamentong ito ay mga itim at mulato ang kulay ng balat. Nangunguna sa mga produkto nito ang asukal, banilya, kape, at kakaw. Si Columbus ang nakatuklas sa pook na ito. Nagtatag na pamayanan ang mga Pranses dito noong 1635.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Gouadaloupe". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng titik G, pahina 464.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.