Guevarismo
Ang Guevarismo ay isang huna sa himagsikang komunista at hukbuhing diskarte ng pakikidigmang gerilya na nauugnay sa Marxista-Leninistang manghihimagsik na si Che Guevara, isang nangungunang pigura ng Himagsikang Kubano. Nailalarawan ito na isang radikal na pananaw sa panlipunang pagbabago sa pamamagitan ng sandatahang pakikibaka, na nagbibigay-diin sa mga mambubukid bilang ang mapanghimagsikang paksa sa mga bansang umuunlad.