Ang gulang' ay ang edad ng isang mga tao na maraming pera edad, idad, anyos, tanda, katandaan kapanahunan.[1][2][3] Nilarawan ni Leo James English ang isang gumugulang na tao bilang "isang taong nadaragdagan ng karanasan" sa paglipas ng panahon. Ito ang salitang ugat ng magulang na nangangahulugang ang ama o ina ng isang tao, bagaman maaari ring tumukoy ang magulang, sa kalapit na diwa, bilang isang taong matanda na, nasa hustong edad na, at katumbas ng may-gulang, may-edad, may sapat na gulang, nasa gulang, matanda, mayor-de-edad, o nasa karampatang gulang, nasa hustong gulang, nasa edad, o malaki na. Samantala, tinatawag namang kulang sa gulang, kulang sa edad, o menor-de-edad ang isang taong wala pa sa husto o tamang kaidaran.[3]

Paghahambing ng kabataan at katandaan ng isang lalaki.
Paghahambing paggulang o pagtanda ng mukha ng isang babae.

Tumutukoy ang pagkamagulang sa pagiging magulang ng isang lalaki o babae. Kaugnay naman ng salitang nakagugulang ang sa mga nakatatanda. Nangangahulugan naman ang magkasinggulang ang pagiging magkatulad o magkapareho ng edad ng dalawang tao. Kaugnay ng pagpapaaral ng isang bata, kailangang maabot muna ang tamang gulang para makapasok na at makapagsimula na sa paaralan.[3]

Ginagamit din ang gulang para sa mga halaman at mga prutas, maging para sa mga kulay din . Katulad ng paggamit ng magpagulang at pagulangin upang ilarawan ang pagpapahinog ng bunga ng puno. Sa kulay, tinatawag na magulang ang madilim o mas madilim na kulay, tulad ng sa pariralang magulang na bughaw o bughaw na magulang.[3]

Sa ibang pakahulugan, nilalarawan ng gulangan ang panlalamang o panggugulang ng isang tao sa kanyang kapwa tao. Kaya't sa ganitong diwa, tumuturing ang "magulang na tao" sa isang tusong tao na nanlilinlang upang makalamang o makahigit sa ibang tao, partikular na sa mga taong may kakulangan pa nang karanasan sa buhay at sa mga taong wala pa sa hustong edad o mas nakababata.[3]

Edad sa Bibliya

baguhin

Sa Lumang Tipan

baguhin

Matatagal ang naging buhay ng mga tao sa Aklat ng Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya. Umabot sa gulang na 930 anyos si Adan at 969 naman si Metusela. Ipinaliwanag ng mga dalubhasa sa Bibliya na dinugtungan ng Diyos ang buhay ng mga sinaunang tao dahil sa pangangailangan ng pagkakaanak at pagpapalaki ng mga supling, at pagkakaroon ng digmaan, labanan, tag-gutom, karamdaman, at krimen noong mga panahong iyon. Ngunit sinasabi rin ng mga dalubhasa na maaaring mga masagisag lamang at hindi literal ang pagkakasulat ng mga edad ng tao sa Bibliya. Naging gawi rin o nakagulian ng sinaunang mga manunulat ang pagbubuo o pagtanggal ng mga butal ng mga bilang ng edad. Isang gawi na kaiba sa pangkasulukuyang pamantayan sa paglalahad.[4]

Sa Bagong Tipan

baguhin

Kaugnay ng pagiging nasa hustong edad na, may binanggit din si San Pablo ukol sa pagtanda, kaugnay ng mga sinasabi niya hinggil sa pag-ibig. Matatagpuan ito sa kaniyang Unang Sulat sa mga Taga-Corinto 13:1-13:

"... Nang ako'y bata pa, bata pa ako kung magsalita, bata kung umisip at mangatuwiran; ngunit nang tumanda ako, iniwan ko ang mga inaasal ng bata..."[5]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Age - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Gulang". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 English, Leo James (1977). "Gulang". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 545 at 546.
  4. "Why did people in the Bible live so long?". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 4.
  5. Abriol, Jose C. (2000). "Tungkol sa Pag-ibig, 1 Corinto 13: 1-13". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1679.