Golpo ng Tonkin
Ang Golpo ng Tonkin (Biyetnames: Vịnh Bắc Bộ; Intsik: Beibu Wan) ay isang bisig sa Dagat ng Timog Tsina. Sumasakop sa pook na 126,250 km², hinahangganan ng golpong ito ang Biyetnam sa hilagang-kanluran, kanluran, at timog-kanluran. Nakahimlay ang Tsina sa hilaga, na bumubuo ang Pulo ng Hainan sa silangang mga hangganan ng golpo. Natatanging malanday o mababaw ang golpo, na mas mababa sa 60 mga metro ang lalim. Pangunahing mga daungan dito ang Haiphong, Biyetnam at ang Beihai, Tsina. Maraming maliliit na mga pulo ang nakalagak sa loob ng golpo, na ang karamihan ay nakatuon sa hilaga-kanlurang golpo. Katangi-tangi ang mas malalaking mga pulo ng Bach Long Vi at Cat Ba ng Biyetnam at Pulo ng Weizhou ng Tsina. Pangunahing ilog na dumadaloy papasok sa golpo ang Ilog na Pula ng Biyetnam.
Nangangahulugang "Silanganing Kabisera" ang pangalang Tonkin, na isinusulat na 東京 sa mga panitik na Intsik at Đông Kinh sa Biyetnames, at siyang dating toponimo para sa Hanoi, ang kabisera ng Biyetnam. Nagkataong kaparehong mga karakter na Intsik din ang ginagamit upang isulat ang "Tokyo", ang kabisera ng Hapon.
Tingnan din
baguhinMga kawing panlabas
baguhin- China to hold forum to boost Beibu Bay economic zone, news.xinhuanet.com
19°16′22″N 107°19′33″E / 19.27278°N 107.32583°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya, Tsina at Biyetnam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.