Gilagid
Ang gilagid ay binubuo ng tisyung mukosal na nakahimlay sa butong albeolar.
Gilagid | |
---|---|
Mga detalye | |
Latin | Gingiva |
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.1112 |
TA | A05.1.01.108 A03.1.03.003 A03.1.03.004 |
FMA | 59762 |
Karaniwang paglalarawan
baguhinBahagi ng malambot na mga tisyung nakasapin sa bibig ang gilagid. Pinapalibutan nito ang mga ngipin at nagbibiga ng panara sa kapalibutan ng mga ito. Kung ihahalintulad sa mga malalambot ng mga tisyung sapin ng mga labi at pisngi, halos lahat ng kagilagidan ay mahigpit na nabibigkis sa mga nakapailalim na buto at binalangkas upang pigilan ang pagkiskis (pagkakaroon ng priksyon) ng mga pagkain sa ibabaw nito. Karaniwang kulay rosas ang malusog na gilagid. Palatandaan ng pamamaga (implamasyon) ang pagbabago sa kulay ng gilagid, partikular na ang karagdagang pamumula, kasama ng pamamaga (edema) at ang maaaring pagdurugo. Maaaring dahil sa pagdami (akumulasyon) ng mga plakeng dulot ng bakterya o mikrobyo ang pamamagang ito.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.