Gustavus Franklin Swift
Si Gustavus Franklin Swift (24 Hunyo 1839 – 29 Marso 1903) ay isang Amerikanong mangangalakal ng kawan ng baka at tagapagbalot ng mga karne. Isinilang siyang malapit sa Sandwich, Massachusetts. Noong bata pa siya, naghanap-buhay siya sa tindahan o gawaan ng kanyang kapatid na lalaking tagakatay, bago siya magbukas ng sariling mga tindahan noong 1859. Nanirahan at tumigil siya sa Tsikago, ang lugar kung saan niya itinatag ang kompanyang Swift & Company. Isa siyang tagapanimula sa pagpapakilala ng mga inobasyong katulad ng pagpapadala sa pamamagitan ng mga tren ng mga karne ng baka, ng paggamit ng mga sekondaryong produkto o sangkap na nabuo o nagawa pangalawa sa pangunahing produkto (mga by-product sa Ingles), at ng paglulunsad ng mga dayuhang palengke o tindahan.[2]
Gustavus Franklin Swift | |
---|---|
Kapanganakan | 24 Hunyo 1839
|
Kamatayan | 29 Marso 1903 |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Trabaho | negosyante, entrepreneur |
Sanggunian
baguhin- ↑ https://timesmachine.nytimes.com/timesmachine/1903/03/30/101985527.html?pageNumber=1; pahina: 1; petsa ng paglalathala: 30 Marso 1903; hinango: 14 Abril 2021.
- ↑ "Gustavus Franklin Swift". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 569.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.