Ang hail ay isang uri ng presipitasyon na binubuo ng mga tipak-tipak na yelo. Ang mga hailstone ay ay karaniwang binubuo ng yelo at may sukat na sa pagitan ng 5 at 50 milimetro sa dayametro, na ang mas malalaki pang bato ay galing sa matitinding thunderstorms.

Ang hail ay palaging binubuo ng cumulonimbus (thunderclouds), karaniwan sa harap ng isang storm system, at binubuo ng transparent na yelo o salit-salit na tapal ng transparent at translucent na yelo na halos 1 mm ang kapal. Ang mga mliliit na hailstone ay hindi hihigit sa 5 mm ang dayametro. Hindi katulad ng ice pellets, sila ay patung-patong at maaaring hindi pantay-pantay at buo.

Pagbubuo ng Hail

baguhin
 
Isang malaking hailstone, halos 6 cm ang kapal.

Ang hail ay namumuo sa condensation nuclei katulad ng alikabok, mga kulisap, o ice crystals, na kapag naging supercooled, ang tubig naninigay sa contact. Ang mga hailstone ay karaniwang mula sa laki ng isang munggo hanggang sa laki ng isang golfball. Sa mga ulap na naglalaman ng maraming supercooled na water droplets, ang mga ice nuclei na ito ay lalaki nang lalaki. Kung ang mga hailstone ay lumaki na nang husto, ang latent heat na nilalabas ng patuloy na paninigas ay maaaring makapagpatunaw ng outer shell ng hailstone. Ang paglaki na sumusunod ay mas mapapadali dahil pinapayagan ng tubig na outer shell ang bato na makipagsanib sa iba pang mga maliliit na hailstone. Ang hagin naman ang humahawak sa hail habang dinadala nito. Habang ang prosesong ito ay umuulit, ang hail ay mas lumalaki. kapag ang hail ay naging malaki nang husto na ng updraft ng bagyo, ito ay malalaglag na galing sa ulap. Kapag ang hailstone ay kinalahati, mga serye ng concencretic rings, katulad ng sa isang sibuyas, ay makikita. ang mga bilog na iyon ang nagpapakita kung ilang baeses ang hail na ito ay umakyat-baba sa ulap.