Haligi ng Tagumpay ng Berlin
The Haligi ng Tagumpay (Aleman: Siegessäule (tulong·impormasyon) </img>, mula sa Sieg 'victory' + Säule 'haligi') ay isang monumento sa Berlin, Alemanya. Dinisenyo ni Heinrich Strack pagkatapos ng 1864 upang gunitain ang tagumpay ng Prusya sa Ikalawang Digmaang Schleswig, sa oras na pinasinayaan ito noong Setyembre 2, 1873, natalo na rin ng Prusya ang Austria at ang mga kaalyado nitong Aleman sa Digmaang Austro-Pruso (1866) at Pransiya sa Digmaang Frangko-Pruso (1870 – 71), na nagbibigay sa rebulto ng bagong layunin. Kaiba sa orihinal na mga plano, ang mga huling tagumpay na ito sa mga digmaan ng pag-iisa ay nagbigay inspirasyon sa pagdaragdag ng tansong eskultura ni Victoria, ang Romanong diyosa ng tagumpay, 8.3 metro (27 tal) mataas, dinisenyo ni Friedrich Drake.[1][2]
Siegessäule | |
Mga koordinado | 52°30′52″N 13°21′0″E / 52.51444°N 13.35000°E |
---|---|
Kinaroroonan | Berlin, Alemanya |
Binigyan ng mga taga-Berlin ang rebulto ng palayaw na Goldelse, ibig sabihin ay parang "Ginintuang Lizzy".[3] Ang Haligi ng Tagumpay ay isang pangunahing atraksiyong panturista sa lungsod ng Berlin. Ang plataporma sa pagtatanaw rito, kung saan kailangan ng tiket, ay nag-aalok ng tanawin sa ibabaw ng Berlin.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Alings, Reinhard (2000). Die Berliner Siegessaule: Vom Geschichtsbild zum Bils der Geschichte. Berlin: Parthas Verlag GmbH. pp. 35–51. ISBN 9783932529719.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Braun, Matthias (2000). Die Siegessaule. Berlin: Berlin Edition. p. 11. ISBN 3814800265.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Berlin Tourist Information – Tiergarten Naka-arkibo 22 June 2008 sa Wayback Machine.
Mga panlabas na link
baguhin- Siegessäule at Structurae
Padron:Public art in BerlinPadron:Visitor attractions in Berlin