Ang halik o paghalik ay ang pagdampi ng mga labi ng isang tao sa ibang lugar, na ginagamit bilang pagpapahayag ng damdamin, paggalang, pagbati, pamamaalam, paghiling ng kabutihang kapalaran, damdaming romantiko, o pagnanasang seksuwal. Naging kasingkahulugan din ito ng dampi, beso, at besu-beso. At kaugnay ng mga salita o pariralang dapuan ng halik, iduop, at sagian ng halik.[1] Naghahalikan o nagbibigay ng halik ang bawat isang tao sa pamamagitan ng pagdirikit ng kanilang mga labi at ng kanilang mga bibig. Iba-iba ang kahulugan ng halik sa sari-saring mga kalinangan. Sa mas karaniwan, naghahalikan ang mga tao upang magpakita ng pagmamahal o pag-ibig at damdamin para sa isa't isa. Kung minsan, nagpapalitan ng halik ang mga tao bilang tanda ng pagkakaibigan o pagiging magkaibigan. Kung minsan din, nagiging isa itong ritwal ng pagbati o batian.

Isang magkasintahang nagmamahalan at naghahalikan. Ipininta ito ni Francesco Hayez.

Maraming mga gawi ng paghalik. Maaaring humalik ang tao sa pisngi o mga pisngi bilang pagbati, o upang magpaalam na. Naiiba ang tinatawag na halik na Pranses (kilala sa Ingles bilang French kiss), sapagkat kinasasangkapan ito ng pagdirikit o pagdarampi ng mga dila ng tao habang naghahalikan. Karaniwan itong tinatanaw na tanda ng pagiging matalik o pagmalapit (intimasidad) ng dalawang tao kaysa ibang anyo o gawi ng paghahalikan. Maraming mga tao ang tumitingin o tumuturing sa halik bilang isang galaw o kilos na erotiko.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Kiss - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.