Han Hyo-joo
Si Han Hyo-joo (ipinanganak 22 Pebrero 1987) ay isang artista sa mula sa Timog Korea. Kilalang-kilala siya sa kanyang nangungunang mga ginampanan sa serye sa telebisyon: Spring Waltz (2006); Brilliant Legacy (2009); Dong Yi (2010) at W - Two Worlds (2016); pati na rin ang pelikulang Cold Eyes (2013), kung saan siya ay nanalo ng Pinakamahusay na Aktres sa ika-34 na Blue Dragon Awards Film.
Han Hyo-joo | |
---|---|
Kapanganakan | Cheongju, Hilagang Lalawigan ng Chungcheong, Timog Korea | 22 Pebrero 1987
Edukasyon | Pamantasan ng Dongguk - Teatro at pelikula |
Trabaho | Artista |
Aktibong taon | 2003–kasalukuyan |
Ahente | BH Entertainment (Korea) FlaMme (Hapon) |
Pangalang Koreano | |
Hangul | 한효주 |
Hanja | 韓孝周 |
Binagong Romanisasyon | Han Hyo-ju |
McCune–Reischauer | Han Hyo-ju |
Maagang buhay
baguhinSi Han Hyo-joo ay ipinanganak sa Cheongju, Hilagang Lalawigan ng Chungcheong.[1] Ang kanyang ina ay isang guro ng elementarya bago maging inspektor para sa mga pampublikong paaralan, at ang kanyang ama ay isang opisyal ng Hukbong Panghimpapawid. Bilang isang bata, siya ay mahusay sa palakasan, lalo na sa takbuhan. Sa kanyang ikalawang taon sa mataas na paaralan, lumipat siya sa Seoul at pumasok sa Bulgok High School, sa kabila ng mga pagtutol ng kanyang mahigpit at konserbatibong ama. Pagkatapos ay pumasok siya sa Dongguk University, kung saan siya sumali sa departamento ng teatro at pelikula.
Karera
baguhin2003-2006: Pagsimula
baguhinSi Han ay unang natuklasan sa isang patimpalak sa kagandahan ng kabataan na inorganisa ng korporasyon ng pagkain na Binggrae noong 2003. Sinimulan niya ang kanyang karera sa pag-arte sa sitcom na Nonstop 5 at ang komedyang pelikula na My Boss, My Teacher. Sa bandang huli ay pinalaki ni Han ang kanyang ginawa sa pamamagitan ng pagbida sa Spring Waltz, ang ikaapat at huling pagtatapos ng serye ng drama ng director ng TV na si Yoon Seok-ho."[2]
Noong 2006, sinama ng direktor na si Lee Yoon-ki si Han bilang pangunahing bituin sa kanyang mababang-badyett na malayang pelikula na Ad-lib Night, na nilalahad ang kuwento ng isang kabataang babae na muling natuklasan ang sarili sa pamamagitan ng nakakatakot na magdamag na pakikipagtagpo sa mga estranghero. Nanalo siya ng mga parangal bilang Pinakamahusay na Bagong Aktress sa Korean Association of Film Critics Awards at Singapore International Film Festival para sa kanyang pagganap.
2007-2010: Mga ginampanang pambihirang tagumpay at katanyagan sa ibang bansa
baguhinSi Han ay bumida sa dalawang napakalaking proyekto sa telebisyon at tumataas sa katanyagan - ang araw-araw na drama ng KBS na Like Land and Sky kasama Park Hae-jin noong 2007,[3] at nakamaskarang nakikipagsapalaran na serye na SBS Iljimae kasama si Lee Joon-gi noong 2008.[4] Ang parehong mga drama ang nakakuha ng solidong marka sa manonood sa buong bansa sa pagtakbo nito kasama ang mataas na marka ng manonood na naglunsad kay Han na maging pangalan sa mga sambahayan. Pagkatapos, bumida pa siya sa isang malayang pelikula na Ride Away, na unang lumabas sa 2008 Jeonju International Film Festival.
Bumida si Han sa telecinema na Heaven's Postman na magkasamang ginawa ng Koreano-Hapon, na nagtatampok din sa popstar na si Jaejoong mula sa TVXQ (JYJ ngayon ).[5] Matapos ang ilang mga pagpapaliban, nailabas ito sa mga sinehan noong huling bahagi ng 2009, at sinahimpapawid sa telebisyon noong 2010.
Ang pambihirang tagumpay ni Han ay dumating sa Brilliant Legacy kasama si Lee Seung-gi, na naging napakalaking tagumpay noong 2009, na umaabot sa 47.1% na marka sa mga manonood.[6][7][8] Nagdulot ito kay Han ng kasikatan, at pagkatapos ng konklusyon ng drama, naranasan niya ang isang matinding pagtaas sa mga kasunduan sa pag-endorso at mga kahilingan sa midya para sa mga panayam, pati na rin ang pagtaas ng popularida sa pan-Asyano.[9][10] Sa bandang huli ng taong iyon, bumida uli si Han bilang pangunahing bituin sa dramang pang-musika na Soul Special, na nailabas sa KBS Joy.
Noong 2010, kinuha ni Han ang pangunahing bida sa Dong Yi na ikag-49 na anibersaryong proyekto ng MBC.[11][12] Ang serye ay naging matagumpay sa panahon ng pagtakbo nito sa Timog Korea at sa buong Asya.[13][14] Nanalo si Han ng ilang mga parangal sa pag-arte para sa kanyang pagganap ng Choi Suk-bin, kasama ang Daesang (Malaking Premyo) na gawad sa MBC Drama Awards at ang Pinakamahusay na Aktres na gawad ng Baeksang Arts Awards.[15][16]
2011-2015: Mga ginagampanan sa pelikula
baguhinNoong 2011, si Han ay gumanap bilang isang bulag na telemarketer kasama ang dating boksingero na si So Ji-sub sa melodramang pelikula na Always.[17] Sa direksyon ni Song Il-gon, unang lumabas ito bilang pambungad na pelikula noong 2011 Busan International Film Festival.[18][19][20] Sa kalaunan, nag-ambag si Han ng kanyang boses sa pagsasalaysay sa "walang-hadlang" na bersyon ng pelikulang Hapon na My Back Page, na nagtatampok ng mapaglarawang awdyo at subtitulo para sa mga taong bingi at bulag.
Si Han ay gumanap bilang isang reyna sa Gwanghae ni Lee Byung-hun sa patok sa takilya noong 2012 na kapanahunang pelikula na Masquerade,[21] na naging isa sa pinakamataas ang kita sa mga pelikulang Koreano sa lahat ng panahon. Sinundan niya ito sa pagbida sa Love 911, isang pelikula na tungkol sa di-inaasahang pag-iibigan sa pagitan ng isang doktor at isang bumbero (Go Soo).[22][23]
Noong 2013, bumida si Han kasama si Sol Kyung-gu at Jung Woo-sung sa aksyon-katakutan na Cold Eyes, isang remake ng pelikula noong 2007 sa Hong Kong na Eye in the Sky.[24][25] Pumatok sa takilya ang pelikula matapos itong ilabas at naging isa sa pinakamalaking domestikong tagaumpay ng 2013.[26] Nakatanggap si Han ng pagkilala sa pag-arte para sa kanyang pagganap, nanalo siya ng Pinakamahusay na Aktres sa Blue Dragon Film Awards at Buil Film Awards.
Noong 2014, si Han at ang kasama niya sa Love 911 na si Go Soo ay muling nagkasama sa Myohyangsangwan ("Tanaw ng Bundok Myohyang"), na kinukwento ang pagtatagpo ng isang taga-Timog Korea na pintor at isang taga-Hilagang Korea na tagapagsilbi sa isang restawran sa Hilagang Korea. Ang maikling pelikula ay isang pakikipagtulungan ng kontemporaryong mga artista na sina Moon Kyung-won at Jeon Joon-ho, at pinagsama ang isang drama sa teatro, pang-eksperimentong koleksyon ng imahe, sayaw at sining sa pagganap.[27][28]
Pagkatapos ay nakipagsapalaran siya sa merkado sa ibang bansa sa pamamagitan ng paglabas sa kanyang unang pelikulang Hapon na Miracle: Debikuro-kun no Koi to Maho ("Himalang Kuko ng Demonyo: 'Pag-ibig at Mahika'). Itinakda ang tagpo sa panahon ng Pasko, ang pelikula ay isang kuwento ng pag-ibig tungkol sa isang mabait na empleyado ng tinadahan ng aklat (ginampanan ni Masaki Aiba mula sa J-pop na boyband na Arashi) na nakilala ang tatlong babae.[29][30]
Noong 2015, bumida si Han sa isang biopic na musikal na C'est Si Bon, na naglalarawan ng mga pakipagsapalaran ng pangkat musikong pambayan na Twin Folio, na aktibo mula 1960 hanggang dekada 1980. Sikat sa mga pagtatanghal na live, ang C'est Si Bon ay ang pangalan ng isang tanyag na lounge o pahingaan ng musika na matatagpuan sa Mugyo-dong noong dekada 1970, kung saan ang Twin Folio ay nagsimula. Si Han ay gumanap bilang lakambini ng grupo.[31] Sinundan ito ng pelikulang romantikong komedya na The Beauty Inside, kung saan ang karakter ni Han ay umibig sa isang tao na nagbabago sa iba't ibang tao araw-araw.[32][33][34] Sa bandang huli ng taon, kasama muli ni Han sina Yoo Yeon-seok at Chun Woo-hee, parehong kanyang mga kasama sa The Beauty Inside, sa Love, Lies, isang pelikula na naglalarawan ng huling kuwento ng gisaeng sa panahon ng pananakop ng Hapon sa dekada 1940.[35][36]
2016-kasalukuyan: Ang pagbalik sa telebisyon at mga pelikula
baguhinNoong 2016, bumalik si Han sa telebisyon sa pagbida niya sa serye ng pantasya ng MBC na W kasama si Lee Jong-suk.[37] Ito ay dinirehe ni Jung Dae-yoon na nag-direhe ng She Was Pretty at sinulat ni Song Jae-jung na kabilang sa mga nakaraang gawa ang Nine: Nine Time Travels at Queen In-hyun's Man. Naging mataas ang mga inaasahan dito dahil ito ang muling pagbabalik ni Han sa telebisyon sa loob ng anim na taon.[38][39] Nanalo siya sa gawad sa Pinakamataas na Mahusay sa 5th APAN Star Awards at MBC Drama Awards para sa kanyang pagganap sa seryeng W.
Noong 2018, bumida si Han sa katakutan na Golden Slumber kasama si Kang Dong-won.[40] Siya rin ay lumabas bilang ang pangunahing babaeng gumaganap sa katakutan na aksyon na sci-fi na Illang: The Wolf Brigade na batay sa animasyong Hapong pelikula na may kaparehong pangalan.[41][42]
Pilmograpiya
baguhinPelikula
baguhinTaon | Pamagat | Ginampanan | Mga tanda |
---|---|---|---|
2006 | My Boss, My Teacher | Yoo Mi-jung | |
Ad-lib Night | Bo-kyung | Malayang pelikula | |
2008 | Ride Away | Im Ha-jung | |
My Dear Enemy | Babae sa himpilan ng bus / boses sa telepono | kameyo | |
2009 | Heaven's Postman | Jo Hana / Saki | Tele Cinema (umere din sa SBS) |
2011 | Always | Ha Jeong-hwa | |
2012 | Masquerade | Queen Consort | |
Love 911 | Mi-soo | ||
2013 | Cold Eyes | Ha Yoon-ju | |
2014 | Miracle Devil Claus' Love and Magic | So-yeon | Pelikulang Hapon |
View of Mount Myohyang | Oh Yeong-ran | Maikling pelikula | |
2015 | C'est Si Bon | Min Ja-young (20s) | |
The Beauty Inside | Yi-soo | ||
2016 | Love, Lies | Jung So-yul | |
2018 | Golden Slumber | Sun-young | |
In-rang | Lee Yoon-hee |
Telebisyon
baguhinTaon | Pamagat | Ginampanan | Himpilan |
---|---|---|---|
2005 | Nonstop 5 | Han Hyo-joo | MBC |
2006 | Spring Waltz | Seo/Park Eun-young | KBS2 |
2007 | Like Land and Sky | Suk Ji-soo | KBS1 |
2008 | Iljimae | Eun-chae | SBS |
2009 | Brilliant Legacy | Go Eun-sung | |
Soul Special | Jin Mi-ah | KBS Joy | |
2010 | Dong Yi | Choi Dong-yi (kalaunan Choi Suk-bin) | MBC |
2016 | W - Two Worlds | Oh Yeon-joo |
Diskograpiya
baguhinTaon | Pangalan ng kanta | Kumanta | Album |
---|---|---|---|
2005 | "It's the First Time" | Han Hyo-joo | Nonstop 5 OST |
2008 | "Ride Away" | Han Hyo-joo | Ride Away OST |
2009 | "Sudden Burst of Tears" | Gan-D tinatampok Han Hyo-joo | Soul Special OST |
"바람이 불어... 널 이별해 (Prologue)" | Narration ni Han Hyo-joo | Love Tonic | |
2010 | "Oh Seoul" | My-Q tinatampok Han Hyo-joo | For This, I Was Born |
"Don't You Know" | No Reply tinatampok Han Hyo-joo | Grand Mint Festival 2010 | |
2011 | "You" | Browneyed Soul tinatampol Han Hyo-joo | Brown Eyed Soul |
"8 A.M." | My-Q feat. Han Hyo-joo | Ready For The World | |
"Alone in Love" | Lee Seung-gi tinatampok Ra.D (pagsasalaysay ni Han Hyo-joo) |
||
2012 | "I Love You" | Han Hyo-joo tinatampok Sweet Sorrow | LG Su:m37 5th Anniversary CF song |
"Hide and Seek"[43] | Han Hyo-joo tinatampok Broccoli, You Too? | ||
2015 | "Let us forget" | Han Hyo-joo | C'est Si Bon OST |
"I'll Give It All To You" | Han Hyo-joo tinatampok Jung Woo | ||
2016 | "Love, Lies" | Han Hyo-joo | Love, Lies OST |
"Spring lady" | Han Hyo-joo tinatampok Chun Woo-hee |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 한효주. Nate (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Nobyembre 2012. Nakuha noong 28 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Han reserves seat as next Jiwoohime". Hancinema (sa wikang Ingles). The Korea Herald. 30 Enero 2006.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "I want to try out for more extreme roles". The Dong-a Ilbo. 5 Abril 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Drama `Iljimae` has tough act to follow". The Korea Herald. 4 Abril 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "TVXQ Hero hopes Postman will be assurance to fans". 10Asia (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Light-hearted romance joins weekend lineup". The Korea Herald (sa wikang Ingles). 24 Abril 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2020. Nakuha noong 2 Hunyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brilliant drama leaving its own legacy". Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). 16 Hulyo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Han Hyo-joo: 'Good People Deserve to be Happy'". KBS Global (sa wikang Ingles). 5 Hunyo 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2013. Nakuha noong 2 Hunyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lee, Han Picked as Rising Ad Models". The Korea Times (sa wikang Ingles). 24 Setyembre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Korean Wave: The New Generation". 10Asia (sa wikang Ingles). 23 Abril 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Will Dong-yi Become Next Jewel in the Palace?". The Korea Times (sa wikang Ingles). 21 Marso 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Han Hyo-joo Changes Tack in Costume Drama". The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). 13 Abril 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Dong Yi" dominates Mon and Tues night primetime lineup". 10Asia. Hunyo 16, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ""Dong Yi" wins award as most popular drama in Hong Kong". 10Asia. Oktubre 1, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kim Nam-joo, Han Hyo-joo win grand prize at MBC Acting Awards". 10Asia (sa wikang Ingles). 3 Enero 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hyun Bin, Lee Byung-hun win top prizes at Paeksang". 10Asia (sa wikang Ingles). 27 Mayo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ So Ji-sub, Han Hyo-joo start filming new pic. 10Asia. 4 Abril 2011. (sa Ingles)
- ↑ Song Il-gon hopes Always will be a reminder of true value of love. 10Asia. 6 Oktubre 2011. (Sa Ingles)
- ↑ Han Hyo Joo: 'My Best Decision Ever Is Becoming Actress' Naka-arkibo 2013-12-05 sa Wayback Machine.. KBS Global. 10 Oktubre 2011. (sa Ingles)
- ↑ Han Hyo-joo Seeking More Challenging Roles in Movies. The Chosun Ilbo. 15 Oktubre 2011.(sa Inlges)
- ↑ Han Hyo-joo to join Lee Byung-hun in historical film. 10Asia. 4 Enero 2012 (sa Ingles).
- ↑ "Finecut dials up Love 911". Korean Film Council. 14 Marso 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ko Soo, Han Hyo-joo Ask to Dial Love 911". 10Asia. 22 Nobyembre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Police Are Hot in Pursuit of a Kingpin in COLD EYES". Korean Film Council (sa wikang Ingles). 8 Pebrero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cold Eyes is a story of firsts for the cast". Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). 6 Hunyo 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cold Eyes Hits 5-Million Mark in Cinema Attendance". The Chosun Ilbo. 29 Hulyo 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mergers with pop culture good for art business". Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). 16 Enero 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Myohyangsangwan". News From Nowhere (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Abril 2023. Nakuha noong 22 Agosto 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "HAN Hyo-joo to Take Lead Role in Japanese Film". Korean Film Council (sa wikang Ingles). 27 Disyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Will Han Hyo-joo win Japanese fans?". The Korea Times (sa wikang Ingles). 2 Disyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "KIM Yun-seok, HAN Hyo-joo Board Music Biopic". Korean Film Council (sa wikang Ingles). 11 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Actresses lead Korean film industry this summer". Yonhap (sa wikang Ingles). 29 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Actress Han stars opposite 21 men". Korea JoongAng Daily. 14 Agosto 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Herald Interview: Han Hyo-joo: Beauty Inside is chance of a lifetime". The Korea Herald. 23 Agosto 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Love, Lies' portrays gisaeng's life in 1940s". The Korea Times. 5 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Actress Han Hyo-joo says baddie totally new experience". Yonhap (sa wikang Ingles). 4 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lee Jong-suk and Han Hyo-joo in new drama 'W'". Kpop Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Han Hyo-joo to return to TV after 6 years". The Korea Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Han Hyo Joo Confirms Her Comeback to the Small Screens in July". BNT News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Abril 2016. Nakuha noong 7 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GANG Dong-won & HAN Hyo-joo Headline Thriller GOLDEN SLUMBER". Korean Film Biz Zone. Disyembre 27, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jean Noh (17 Hulyo 2017). "'The Good, The Bad, The Weird' director Kim Jee-woon sets cast, shoot date for new sci-fi". Screen Daily (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Hulyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "KIM Jee-woon's Sci-fi Action INRANG Starts Shooting in August". Korean Film Biz Zone (sa wikang Ingles). 28 Hulyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Korean Starlets Fall in Love with Indie Musicians". 10Asia. Nobyembre 21, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)