Si Hans Haid (Pebrero 26, 1938 – Pebrero 5, 2019) ay isang Austrianong folklorista, magsasaka sa bundok, at makata ng diyalekto.

Alte Schmiede sa Vienna: Pagbabasa ni Hans Haid (2008)

Ipinanganak sa Längenfeld, Ötztal, si Haid ay isang klerk, kinuha ang panlabas na Matura noong 1963 at pagkatapos ay nag-aral ng alamat at kasaysayan ng sining sa Unibersidad ng Vienna, na natapos niya noong 1974 na may titulong doktorado. Isinulat niya ang kaniyang disertasyon sa kaugalian sa Ötztal at ang mga pagbabagong nauugnay sa turismo nito.[1]

Siya ay nanirahan nang ilang panahon sa Heiligkreuz sa Venter Tal [de] malapit sa Sölden, sa sakahan ng "Roale" sa taas na 1680 m, at sa huli ay sa kaniyang lugar ng kapanganakan ng Längenfeld. Si Haid ay isa sa pinakakilala at pinakakontrobersiyal na personalidad ng Ötztal.

Si Haid ay ikinasal sa mananaliksik ng musikang-pambayan na si Gerlinde Haid (1943-2012). Namatay siya ilang sandali bago ang kanyang ika-81 kaarawan sa Ötztal-Bahnhof [de].[2][3] Ang kanyang urnang libingan ay matatagpuan sa Längenfeld.[4]

Trabaho

baguhin

Sa pamamagitan ni Haid, nagkaroon ng pagkilala at paggamit ng diyalektong Ötztal bilang midyum ng komposisyong pampanitikan. Sa kanyang kahilingan, ito ay isinama sa talaan ng 'Di-Nahahawakang Pamanang Pangkalinangan sa Austria noong 2010.[5]

Naglathala siya ng mga tula sa diyalekto, dula sa radyo at nobela sa loob ng maraming dekada. Ang isang sentral na tema ng kaniyang mga akdang pampanitikan ay ang impluwensiya ng lugar ng Alpes sa pamamagitan ng labis na turismong pangmasa. Tinawag ni Peter Turrini si Haid na "Alpinong-Abraham a Sancta Clara" dahil sa kaniyang pagpuna sa pagbebenta at pagkasira ng kanyang tinubuang-bayan.[6] Sa iba pang mga bagay, ang pagpuna ni Haid ay makikita rin sa kanyang radio play na Mit Tränen füllt man keine Betten na ginawa ng ORF noong 2008.[6][7] Si Haid din ang may-akda at patnugot ng maraming librong may larawan at mga folkloristikong libro mula sa mga lumang kaugalian hanggang sa pagpapakita ng mga bagong anyo ng ekonomiya at buhay sa Alpes.

Bukod sa kaniyang mga aktibidad sa panitikan, siya ang nagtatag at nagpasimula ng ilang asosasyon at organisasyon, tulad ng Ötztaler Heimatverein und Freilichtmuseum (1964), Internationales Dialektinstitut (1976), Arge Region Kultur (1985), Pro Vita Alpina [de] (isang asosasyon ng mga inisyatibang Alpino mula Slovenia hanggang Savoy, 1989) at mula noong 1995 nagpaunlad ng mga proyekto ng EU (LEADER, Interreg I at II), asosasyon sall wöll (das wohl).

Mga sanggunian

baguhin
  1. {cite web| url=http://www.cultura.at/haid/biografie-hans-haid/ |title=Biography Prof. Dr. Hans Haid|work=cultura.at |access-date=4 September 2021 |language=en}}
  2. "Schriftsteller Hans Haid ist tot". tirol.orf.at (sa wikang Aleman). 6 Pebrero 2019. Nakuha noong 4 Setyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. {cite web| url=http://www.cultura.at/haid/biografie-hans-haid/ |title=Biography Prof. Dr. Hans Haid|work=cultura.at |access-date=4 September 2021 |language=en}}
  4. "Herr Dr. Haid Hans". trauerhilfe.at. 5 Pebrero 2019. Nakuha noong 4 Setyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. [Ötztaler Mundart], National Agency for Intangible Cultural Heritage, Austrian Commission for UNESCO.
  6. 6.0 6.1 "Schriftsteller Hans Haid ist tot". tirol.orf.at (sa wikang Aleman). 6 Pebrero 2019. Nakuha noong 4 Setyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "With Tears One Fills No Beds". oe1.orf.at (sa wikang Ingles). 23 Disyembre 2008. Nakuha noong 4 Setyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)