Si Harvey Bernard Milk (22 Mayo 1930 – 27 Nobyembre 1978) ay isang Amerikanong politiko na naging kauna-unahang ladlad na homoseksuwal na lalaki na nahalal sa California at naupo sa San Francisco Board of Supervisors. Hindi politika at aktibismong pang-homoseksuwal ang una niyang interes; hindi siya dating ladlad na homoseksuwal at hindi sumasali sa mga usaping sibil hanggang siya ay maging 40 gulang, pagkatapos ng kanyang mga karanasan sa counterculture ng dekada 60.

Harvey Milk
Larawan ni Harvey Milk na nakaupo sa tanggapan ng alkalde
Si Milk noong 1978
Miyembro ng
San Francisco Board of Supervisors
mula Distrito 5
Nasa puwesto
8 Enero 1978 – 27 Nobyembre 1978
Nakaraang sinundanBinuo ang Distrito
Sinundan niHarry Britt
(hinahalal)
KonstityuwensyaThe Castro,
Haight-Ashbury,
Duboce Triangle,
Noe Valley
Personal na detalye
Isinilang22 Mayo 1930(1930-05-22)
Woodmere, New York
Yumao27 Nobyembre 1978(1978-11-27) (edad 48) (pinatay)
San Francisco, California
KabansaanAmerikano
Partidong pampolitikaDemocratic
TahananSan Francisco, California
Alma materState University of New York at Albany
PropesyonPolitiko, negosyante
Serbisyo sa militar
KatapatanEstados Unidos ng Amerika
Sangay/SerbisyoUnited States Navy
Taon sa lingkod1951–1955
Ranggo Tenyente, junior grade
YunitUSS Kittiwake (ASR-13)
Labanan/DigmaanKorean War Era

Lumipat si Milk mula sa Lungsod ng Bagong York upang manirahan sa San Francisco noong 1972, na kapanahunan din ng paglipat ng mga homoseksuwal na lalaki sa Distrito ng Castro. Ang kanyang mga madulang kampanya ay nagbunga ng kanyang umiigting na kasikatan, at siya ay nanalo bilang superbaysor ng lungsod noong 1977 at naging malaking parte ng pagbabago sa lipunan ng lungsod.

Si Milk ay nanungkulan ng 11 na buwan at naging responsable sa pagpasa ng ordinansa ng mga mahigpit na karapatan ng mga homoseksuwal para sa lungsod. Noong 27 Nobyembre 1978, si Milk at Mayor George Moscone ay pinaslang ni Dan White, na isa ring superbaysor sa lungsod na bumitiw sa puwesto at nais bumalik muli sa trabaho. Ang pagkahalal kay Milk ay bunga ng malaking pagbabago sa pampolitika na aspeto ng San Francisco. Ang pagpaslang at ang mag sumunod pang pangyayari ay nagdulot ng mga gusot at sagupaan ng iba't ibang paniniwala.

Sa kabila ng kanyang maikling panunungkulan, si Milk ay naging sikat na personalidad at aykon (icon) sa San Francisco at tinawag na "isang martir sa karapatang panghomosekswal ("a martyr for gay rights"), ayon kay propesor Peter Novak ng Pamantasan ng San Francisco.[1] Noong 2002, si Milk ay binigyan ng titulong "the most famous and most significantly open LGBT official ever elected in the United States".[2] Si Anne Kronenberg, ang kanyang tagapamahala sa kanyang huling kampanya, ay sumulat tungkol sa kanya: "What set Harvey apart from you or me was that he was a visionary. He imagined a righteous world inside his head and then he set about to create it for real, for all of us."[3] Si Milk ay naparangalan ng Presidential Medal of Freedom noong 2009.

Pagkabata

baguhin
 
Si Harvey (kanan) at ang kanyang nakatatandang kapatid na lalaking si Robert noong 1934

Isinilang si Milk sa Woodmere, New York, sa Long Island, kanila William Milk at Minerva Karns. Siya ang pinakabatang anak na lalaki ng mga magulang na Hudyong mula sa Lithunia at apo ni Morris Milk, isang negosyante[4][5] na tumulong sa pagbuo ng unang sinagoga sa lugar.[6] Madalas inaasar si Milk noong bata siya dahil sa kanyang nakausling tainga, malaking ilong, at malaking paa at madalas napapansin sa kanyang klase sa paaralan bilang payaso. Naglaro siya ng futbol sa paaralan, at nabuo ang pagkahilig sa opera; sa kanyang pagkabinata, inamin niya ang pagiging homoseksuwal, subalit itinago bilang isang lihim.

Nakapagtapos si Milk sa Mataas na Paaralan ng Bay Shore sa Bay Shore, Bagong York, noong 1947 at nagpatuloy ng pag-aaral sa New York State College for Teachers sa Albany (ngayon ay State University of New York at Albany) mula 1947 hanggang 1951 na may pagtuon sa matematika. Nagsulat siya sa pahayagan ng dalubhasaan at natamo ang reputasyon bilang palakaibigang mag-aaral. Wala sa mga kanyang kaibigan noong nasa mataas na paaralan pa siya at dalubhasaan ang naghinala na siya ay isang homoseksuwal. Naalala ng isa niyang kamag-aral, "Walang nag-akala na siya ay isang bakla, lalaking lalaki siya." ("He was never thought of as a possible queer—that's what you called them then—he was a man's man".)[7]

Tignan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Nolte, Carl (26 Nobyembre 2003). "City Hall Slayings: 25 Years Later", The San Francisco Chronicle, p. A-1.
  2. Smith and Haider-Markel, p. 204.
  3. Leyland, p. 37.
  4. "Harvey Bernard Milk." Dictionary of American Biography, Supplement 10: 1976–1980. Charles Scribner's Sons, 1995.
  5. "Harvey Bernard Milk". Encyclopedia of World Biography, 2nd ed. 17 Vols. Gale Research, 1998.
  6. Shilts, p. 4.
  7. Shilts, p. 14.

Biblyograpya

baguhin
  • Carter, David (2004). Stonewall: The Riots that Sparked the Gay Revolution, St. Martin's Press. ISBN 0-312-34269-1
  • Clendinen, Dudley, and Nagourney, Adam (1999). Out for Good: The Struggle to Build a Gay Rights Movement in America, Simon & Schuster. ISBN 0-684-81091-3
  • de Jim, Strange (2003). San Francisco's Castro, Arcadia Publishing. ISBN 978-0-7385-2866-3
  • Duberman, Martin (1999). Left Out: the Politics of Exclusion: Essays, 1964–1999, Basic Books. ISBN 0-465-01744-4
  • Hinckle, Warren (1985). Gayslayer! The Story of How Dan White Killed Harvey Milk and George Moscone & Got Away With Murder, Silver Dollar Books. ISBN 0-933839-01-4
  • Leyland, Winston, ed (2002). Out In the Castro: Desire, Promise, Activism, Leyland Publications. ISBN 0943295878
  • Marcus, Eric (2002). Making Gay History, HarperCollins Publishers. ISBN 0-06-093391-7
  • Miller, Neil (1994) Out of the Past: Gay and Lesbian History from 1869 to the Present, Vintage Books. ISBN 0-679-74988-8
  • Shilts, Randy (1982). The Mayor of Castro Street: The Life and Times of Harvey Milk, St. Martin's Press. ISBN 0-312-52330-0
  • Smith, Raymond, Haider-Markel, Donald, eds., (2002). Gay and Lesbian Americans and Political Participation, ABC-CLIO. ISBN 1-57607-256-8
  • Weiss, Mike (2010). Double Play: The Hidden Passions Behind the Double Assassination of George Moscone and Harvey Milk, Vince Emery Productions. ISBN 78-0-9825650-5-6

Mga kawing panlabas

baguhin

Padron:Spoken Wikipedia

 
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
District Created
Member of the San Francisco Board of Supervisors
District 5

8 Enero 1978 – 27 Nobyembre 1978
Susunod:
Harry Britt

Padron:Harvey Milk Padron:LGBT history Padron:LGBT