Haumea (astronomiya)

(Idinirekta mula sa Haumea (dwarf planet))

Ang Haumea (sagisag: 🝻;[1] bigkas: /haʊˈmeɪə/, /hawmeya/), may opisyal na itinalagang katawagang (136108) Haumea, ay isang planetang unano sa loob ng sinturong Kuiper, mga isang-ikatlo ng masa ng Pluto[2], at natuklasan ng pangkat ni Michael E. Brown sa Caltech ng Estados Unidos at ng pangkat ni José Luis Ortiz Moreno ng Panimulaan ng Astropisika ng Andalusya (Instituto de Astrofísica de Andalucía) sa Obserbatoryo ng Sierra Nevada sa Espanya. Noong Setyembre 17, 2008[3] , iniuri ito sa mga planetang unano ng IAU at pinangalanan mula sa Hawayanang diyosa ng panganganak at kasaganahang si Haumea. Itinuturing na natatangi ang planetang Haumea na kasama sa mga bagay na nasa sinturong Klasikal ni Kuiper dahil sa labis nitong kahabaan; mahigit sa dalawang ulit itong mas mahaba sa kaniyang pinakamalaking sukat na diyametrong ekuwatoryal, dahil malapad ito sa mga palo o dulong panghilaga at pangtimog.[4] Subalit, dahil sapat ang grabedad nito para makapagpanatili ng biluging elipsoydal na hugis, nakakaabot ito sa mga pangangailangan para sa ekilibriyong hidrostatikong ginagamit sa kahulugan ng mga planetang unano. Pinaniniwalaang dulot ang kahabaang ito, kasama ng mabilis nitong pag-inog, dalawang mga buwan, mataas na kasinsinan (densidad), at mataas na albedo, ng malakas na banggaan.[5] Ang Haumea ang pinakamalaking kasapi sa tinatawag na "mga nagbabanggaang mag-anak" o pamilyang kolisyonal.[6] Dahil sa mga kristalinong tubig-yelong nasa kapatagan ang pagkakaroon ng mataas na albedo ng Haumea.[7]

Haumea napapagitnaan ng kaniyang dalawang buwan, ang Hiʻiaka at Namaka.

Talababa

baguhin
  1. JPL/NASA (2015-04-22). "What is a Dwarf Planet?". Jet Propulsion Laboratory. Nakuha noong 2022-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Haumea is 1400 times less massive than Earth (0.07% the mass of Earth).
  3. "MPEC 2010-H75 : DISTANT MINOR PLANETS (2010 MAY 14.0 TT)" (2006 provisional Cubewano listing). Minor Planet Center. 2010-04-10. Nakuha noong 2010-07-02. {{cite web}}: External link in |format= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Michael E Brown. "The electronic trail of the discovery of 2003 EL61". CalTech. Nakuha noong 2006-08-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Pablo Santos Sanz (2008-09-26). "La historia de Ataecina vs Haumea" (sa wikang Kastila). infoastro.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-28. Nakuha noong 2008-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Jeff Hecht (2005-09-21). "Astronomer denies improper use of web data". NewScientist.com. Nakuha noong 2009-01-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Rachel Courtland (2008-09-19). "Controversial dwarf planet finally named 'Haumea'". NewScientistSpace. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-19. Nakuha noong 2008-09-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.