Ang trigong haya o hayang trigo (mula sa Ingles na buckwheat: buck [ibang tawag para sa beech tree, ang haya] + wheat, ang trigo; tinatawag ding common buckwheat; pangalan sa agham: Fagopyrum esculentum) ay isang uri ng halamang ginagawang harina ang mga buto.[1] Kilala rin ito bilang karaniwang trigong haya, at kalimitang ginagawa at nakikita sa anyong pagkaing sereales o angkak. Hindi ito isang tunay na damo, at walang kaugnayan sa trigo, dahil isang tunay na damo ang trigo. Kamukha ng mga buto ng trigong haya ang mga buto ng puno ng haya, na tinatawag ding buck sa Ingles. Sa ganitong paraan nakuha ng trigong haya ang pangalan nito sa Ingles na buckwheat; isang halaman ang trigong haya na ginagamit na parang trigo, at sa butong parang katulad ng sa haya.

Hayang trigo
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Orden: Caryophyllales
Pamilya: Polygonaceae
Sari: Fagopyrum
Espesye:
F. esculentum
Pangalang binomial
Fagopyrum esculentum

Kabilang ang trigong haya sa pamilyang Polygonaceae na may dalawang sari ng mga dikota: ang Eurasyanong saring Fagopyrum, at ang saring Eriogonum ng Hilagang Amerika. Karaniwang pananim sa mga sakahan ang karaniwang hayang trigo o Fagopyrum esculentum, subalit ginagamit ding halamang pananim ang tartarong hayang trigo o tartaryong trigong haya (Fagopyrum tataricum Gaertn.), kilala rin bilang "mapait na hayang trigo", ngunit hindi mas kadalasan. Datapuwa't may karaniwang pangalang trigong haya at paggamit dito bilang pananim, hindi ito talaga isang sereales o angkak o kaya damo. Tinatawag itong isang sudosereales o hindi tunay na angkak upang mabigyang diin na walang itong kaugnayan sa trigo.

Kabilang sa kaparehong pamilya ang damong pang-agrikulturang ligaw na hayang trigo (Fallopia convolvulus), ngunit hindi kalapit na kamag-anakan ng mga uring pananim. Sa loob ng Fagopyrum, nasa loob ng pangkat na cymosum ang mga uring inaalagaan at pinararami, kasama ang F. cymosum L. (perenyal na hayang trigo), F. giganteum at F. homotropicum.[2] Ang F. esculentum ssp.ancestrale ang ninunong halamang ligaw ng karaniwang hayang trigo. Nakapagpepertilisasyon sa bawat isa ang F. homotropicum at F. esculentum, at may karaniwang pagkalat o distribusyon ang ligaw na mga anyo o uri sa Yunnan. Ang ninunong halamang ligaw ng tartarong hayang trigo ang F. tataricum ssp. potanini.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Buckwheat - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. T. Sharma, S. Jana (2002). "Species relationships in Fagopyrum revealed by PCR-based DNA fingerprinting". Theoretical and Applied Genetics. 105: 306–312. doi:10.1007/s00122-002-0938-9.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ohnishi, O., Matsuoka, Y. (1996). "Search for the wild ancestor of buckwheat II. Taxonomy of Fagopyrum (Polygonaceae) species based on morphology, isozymes and cpDNA variability". Genes and Genetic Systems. 71: 383–390. doi:10.1266/ggs.71.383.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.