Heejin
Si Jeon Hee-jin (전희진) (ipinanganak noong 19 Oktober 2000) ay isang Timog Koreanong mang-aawit na isang miyembro ng Loona at ang sub-unit Loona 1/3.
Heejin | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Jeon Heejin |
Kapanganakan | 19 Oktobre, 2000 Daejeon, Timog Korea |
Genre | K-pop |
Trabaho | Mang-aawit, mananayaw, rapper |
Instrumento | Boses |
Taong aktibo | 2016-kasalukuyan |
Label | BlockBerry Creative (2016-2023) • MODHAUS (2023-kasalukuyan) |
Miyembro ng | Loona • Loona 1/3 |
Website | loonatheworld.com |
Talambuhay
baguhinSi Heejin ay ipinanganak noong Oktobre 19, 2000 sa Seongnam , Gyeonggi Province , Timog Korea. Siya ay may dalawang nakatatandang kapatid na babae, at ang pinakabata sa kanyang pamilya. [1]
Karera
baguhinNoong 2015, nakontak siya ng Blockberry Creative gamit ng social media. [2] Si Heejin ay nag-debute noong Oktobre 5, 2016, kung saan siya ay nahayag bilang unang miyembro ng Loona at ang kanyang single album ay inilabas.
Nakipag-duet siya sa kanyang kagrupo na si Hyunjin sa kantang I'll Be There, ang pangalawang track mula sa single album ni Hyunjin, na inilabas noong Nobyembre 17. Noong Disyembre 15, lumahok siya sa isang trio para kumanta ng isang Christmas song na tawag The Carol ,kasama sina HyunJin at HaSeul, na itinampok sa single album ni Haseul. Isang duet kasama si HyunJin, My Sunday, ay inilabas noong Enero 17, 2017, na naging pangalawang track ni YeoJin .
Noong Pebrero 6, 2017, inihayag ang bagong sub-unit ng grupo, ang LOOΠΔ 1/3, na binubuo nina HeeJin, HyunJin, HaSeul at ViVi. Ang sub-unit ay nag-debute noong 13 Marso kasama ang una nilang extended play na Love&Live, at ang repackage nito, Love&Evil, na inilabas noong Abril 27.
Noong Hulyo 10, 2017, inilabas ang kantang Singing in the Rain, ang orihinal na single ng kagrupo niya na si JinSoul, na nagtatampok kay Heejin.
Siya ay isang contestant ng isang Koreanong survival show ng JTBC na MixNine kasama si HyunJin. [3] Sa huling round, natapos siya sa ikaapat na puwesto sa ranggo ng babae, gayunpaman, natalo ang grupo ng babae. [4]
Noong Marso 30, 2018, nag-feature siya sa track na Rosy mula sa solong album ni Olivia Hye.
Nag-debut si Heejin kasama ng buong grupo noong Hulyo 18 kasama ng album ++.
Sanggunain
baguhin- ↑ "Jeon Hee-Jin - Age, Bio, Birthday, Family, Net Worth". National Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ POP, 헤럴드 (2017-03-13). "[팝인터뷰③]이달의 소녀 1/3, 오디션부터 예능까지 '가수가 된 이유'". 헤럴드팝 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2023-08-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "[믹스나인] 참여하기". JTBC (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2017-11-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Announcing The "MIXNINE" Finalist Group | Soompi". www.soompi.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-09. Nakuha noong 2018-04-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)