Heinrich Geissler
Si Johann Heinrich Wilhelm Geißler (ipinanganak noon Mayo 26, 1814 sa Igelshieb – namatay noong Enero 24, 1879), na binabaybay din ang pangalan (partikular na ang apelyido) bilang Geissler, ay isang may kasanayang manghuhubog ng salamin (tagagawa ng bote sa pamamagitan ng pag-ihip) at pisiko na tanyag dahil sa kaniyang pagkakaimbento ng mga tubong Geissler na yari sa salamin at ginamit bilang isang tubong pangdiskarga ng gas na may mababang presyon.
Heinrich Geissler | |
---|---|
Kapanganakan | Mayo 26, 1814 |
Kamatayan | Enero 24, 1879 |
Nasyonalidad | Aleman |
Kilala sa | Mga tubong Geissler |
Karera sa agham | |
Larangan | Pisika |