Helen ng Troya

(Idinirekta mula sa Helena ng Troy)

Sa mitolohiyang Griyego, si Helen ng Troya (sa Griyego, Ἑλένη, Helénē) na kilala rin bilang Helen ng Isparta ang anak nina Zeus at Leda (o Nemesis).asawa ni Menelaus at kapatid nina Castor, Polydeuces at Clytemnestra.

Helen ng Troya na ipininta ni Evelyn de Morgan (1898, London).

Talambuhay

baguhin

Sa karamihan ng mga sanggunian kabilang ang Iliada at Odyssey, si Helen ang anak nina Zeus at Leda na asawa ng hari ng Sparta na si Tyndareus .[1] Ang dulang Helen ni Euripides na isinulat noong huling ika-5 siglo BCE, ang pinakamaagang sanggunian ng ulat sa pinakapamilyar na salaysay ng kapanganakan ni Helen. Bagaman ipinagpapalagay na si Tyndareus ang kanyang ama, siya ay aktuwal na anak ni Zeus. Sa anyo ng isang sisne, ang hari ng mga Diyos na si Zeus ay hinabol ng isang agila at kumanlong kay Leda. Nahumaling si Leda sa swan at ang dalawa ay nagtalik. Pagkatapos ay lumikha ng isang itlog si Leda kung saan umahon si Helen.[2] Sa Cypria, sa mga siklong epiko, si Helen ang anak nina Zeus at diyosang Nemesis.[3] Sa Cypria, hindi ginusto ni Nemesis na makipagsiping kay Zeus kaya ay nagbago siya ng hugis sa iba't ibang mga hayop sa kanyang pagtatangkang tumakas kay Zeus at sa huli ay naging isang gansa. Binago rin ni Zeus ang kanyang sarili sa isang gansa at nakipagsiping kay Nemesis na lumikha ng isang itlog kung saan ipinanganak si Helen.[4] Ipinagpapalay na sa Cypria, ang itlog na ito ay nalipat kay Leda.[5] Ang kalaunang mga sanggunian ay nagsasaad na ito ay dinala kay Leda ng isang pastol na natuklasan ito sa tudling sa Attica o ito ay nahulog sa kanyang kandungan ni Hermes.[6]

Pagdukot ni Theseus

baguhin

Naisip ng dalawang mga Athenianong sina Theseus at Pirithous na dahil sila'y parehong mga anak ng mga diyos, silang pareho ay dapat magkaroon ng mga makadiyos na asawa. Kanilang ipinangako na tutulungan ang bawat isa na dukutin ang dalawang mga anak na babae ni Zeus. Pinili ni Theseus si Helen at si Prithous ay si Persephone na asawa ni Hades. Kinuha ni Theseus si Helen at iniwan sa kanyang inang si Aethra o kay Aphidnus sa Aphidnae o Athens. Pagkatapos ay naglakay sina Theseus at Pirithous sa mundong ilalim na sakop ni Hades upang dukutin si Persephone. Nagpanggap si Hades na mag-alok ng pagtanggap at naghanda ng isang pisa ngunit sa kanilang pag-upo, ang mga ahas ay pumulupot sa kanilang mga paa at binihag doon. Ang pagdukot kay Helen ay humantong sa pananakop ng Athens nina Castor at Pollux na bumihag kay Aethra sa paghihiganti at ibinalik ang kanilang kapatid na babae sa Sparta. Ayon kay Hellanicus ng Lesbos, si Helen ay pitong taon nang maganap ito at ayon kay Diodorus ay sampung taon.

Mga manliligaw

baguhin

Nang panahon na upang magpakasal si Helen, maraming mga hari at prinsipe mula sa buong mundo ay dumating upang hingin ang kanyang kamay na nagdadala ng mga regalong kasama nito o nagpapadala ng mga emisaryo sa kanilang ngalan. Sa paligsahan, sina Castor at Pollux ay may prominenteng papel sa pakikitungo sa mga manliligaw ni Helen bagaman ang huling desisyon ay nasa mga kamay ni Tyndareus. Ang naging asawa ni Helen na si Menelaus ay hindi dumalo ngunit ipinadala ang kanyang kapatid na si Agamemnon upang ikatawan siya. May tatlong makukuha at hindi buong magkakaayon na mga talaan ng mga manliligaw na tinipon ni Pseudo-Apollodorus (31 manliligaw), Hesiod (11 manliligaw), at Hyginus (36 manliligaw) sa kabuuang 45 natatanging mga pangalan.

Mga anim na manliligaw na nakatala sa lahat ng mga tatlong sanggunian[7]

  • Ajax - Anak ni Telamon. Nanguna sa mga 12 barko mula sa Salamis hanggang Troya. Nagpatiwakal doon.
  • Elephenor - Anak ni Chalcodon. Nanguna sa 50 barko papuntang Troya at namatay doon.
  • Menelaus - Anak ni Atreus. Nanguna sa 60 mula Sparta papuntang Troya. Siya ay umuwi sa Sparta kasama ni Helen.
  • Menestheus - Anak ni Peteos. Nanguna sa 50 barko mula Athens papuntang Troya. Bumalik siya sa Athens pagkatapos ng digmaan.
  • Odysseus -Anak ni Laertes. Nanguna sa 12 barko mula Ithaca papuntang Troya. Siya ay umuwi pagkatapos ng 10 taong paggala sa mga dagat.
  • Protesilaus - Anak ni Iphicles. Nanguna sa 40 barko mula Phylace papuntang Troya. Siya ang unang Griyegong namatay sa labanan sa mga kamay ni Hector.

19 mga manliligaw na itinala ng parehong sina Apollodorus at Hyginus

  • Agapenor - Anak ni Ancaeus, King of Arcadia. Kumuha ng 60 barko papuntang Troya. Umuwi.
  • Ajax (AKA Ajax the Lesser o Locrian Ajax) - Anak ni Oileus. Nanguna sa 40 barko papuntang Troya. Nalunod sa daan pabalik nang hinati ni Poseidon na kinalalagyan niya.
  • Amphimachus - Anak ni Cteatus. Kasama nina Polyxenus at Thalpius ay nanguna sa 40 barko mula Elis papuntang Troya. Napatay ni Hector.
  • Antilochus - Anak ni Nestor. Pumuntang kasama ng kanyang ama at mga 90 barko papuntang Troya. Napatay sa labanan habang iniingatan ang kanyang ama mula kay Memnon.
  • Ascalaphus -Anak ni Ares at Hari Orchemenus. Nanguna sa 30 barko papunta sa Troya. Napatay sa labanan ni Deiphobus.
  • Diomedes - Anak ni Tydeus. Siya ay isa sa mga Epigoni at Hari ng Argos. Nanguna sa 80 papunta sa Trooya. Kumuha ng mangingibig ang kanyang asawa at nawalan siya ng kanyang Kahrian kaya pagkatapos ng digmaan ay tumira sa Italya.
  • Eumelus - Anak ni Admetus at Hari ng Pherae. Nanguna sa 11 barko papuntang Troya.
  • Eurypylus - Anak ni Euaemon. Nanguna sa 40 barko mula Thessaly papunta sa Troya.
  • Leonteus - Anak ni Coronos. Kasama ni Polypoetes ay nanguna sa 40 barko ng mga Lapith papunta sa Troya.
  • Machaon - Anak ni Asclepius, kapatid ni Podalirius. Isang argonota at doktor. Nanguna sa 30 barko. Napatay sa labanan ni Eurypylus (anak ni Telephus).
  • Meges - Anak ni Phyleus. Nanguna sa 40 barko papunta sa Troya.
  • Patroclus - Anak ni Menoetius. Ang kanyang mas batang pinasng si Achilles ay pumuntang kasama niya sa Troya. Siya ay napatay ni Hector.
  • Peneleos - Anak ni Hippalcimus. Isang Argonota. Pumunta sa Troya kasama ng pwersang Boetian ng mga 50 barko. Siya ay napatay sa isang labanan ni Eurypylus (na anak ni Telephus).
  • Philoctetes - Anak ni Poeas. Nanguna sa 7 barko mula Thessaly papuntang Torya. Siya ay isang arkeo at pumatay kay Paris.
  • Podalirius - Anak ni Asclepius, kapatid ni Machaon. Isang doktor. Pagkatapos ng digmaan, kanyang itinatag ang isang siyudad sa Caria.
  • Polypoetes -Anak ni Pirithous. Kasama ni Leonteus, kanyang pinangunahan ang 40 bark ng mga Lapith papuntang Troya.
  • Polyxenus - Anak ni Agasthenes. Kasama nina Amphimachus, at Thalpius, kanyang pinangunahan ang 40 barko mula Elis papuntang Troya.
  • Sthenelus - Anak ni Capaneus. Isa sa mga Epigoni. Kasama niyang pumunta sa Troya si Diomedes.
  • Thalpius - Anak ni Eurytus. Kasama nina Amphimachus at Polyxenus ay nanguna sa 40 barko mula Elis papuntang Troya.

Isang manliligaw na itinala nina Apollodorus at Hesiod

Isiang manliligaw na itinala nina Hesiod at Hyginus

Tatlong manliligaw na itinala lamang ni Hesiod

Mga sampung manliligaw na itinala lamang ni Hyginus

5 manliligaw na itinala lamang ni Apollodorus

Mga sanggunian

baguhin
  1. Homer, Iliad, III, 199, 418, 426; Odyssey, IV, 184, 219; XXIII, 218.
  2. Euripides, Helen 16–21 Naka-arkibo 2016-04-10 sa Wayback Machine., 257–59 Naka-arkibo 2016-04-10 sa Wayback Machine.
  3. Cypria, fr. 9 PEG.
  4. Athenaeus 8.334b-d, quoting the Cypria; Cypria, fr. 10 PEG.
  5. In the 5th century comedy "Nemesis" by Cratinus, Leda was told to sit on an egg so that it would hatch, and this is no doubt the egg that was produced by Nemesis (Cratinus fr. 115 PCG; Gantz, Early Greek Myth, ibid).
  6. Pseudo-Apollodorus, Bibliotheca, III, 10.7 Naka-arkibo 2016-04-10 sa Wayback Machine.
    * Hard & Rose, The Roudlegde Handbook, 438–439
  7. Carlos Parada's website Greek Mythology Link