Si Helene Blum (ipinanganak 1979) ay isang Danesang mang-aawit at musikero na dalubhasa sa awiting-pambayan. Mula noong 2005, nang manalo siya ng gawad Danish Music Awards Folk para sa kaniyang album na En sød og liflig klang, malawak siyang nagtanghal sa Dinamarka, Hilagang Amerika, at Alemanya, na madalas na nagpapakita kasama ang kaniyang asawang si Harald Haugaard.[1][2]

Helene Blum

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak noong 1979 sa Gelsted sa Danes na isla ng Funen, si Helene Blum ang unang mang-aawit na nagtapos mula sa departamento ng katutubong musika sa Carl Nielsen Academy of Music sa Odense nang matanggap niya ang kaniyang diploma noong 2004.[3] Kasama ang kanyang asawa, ang fiddler na si Harald Haugaard, nakapagbigay siya ng mahigit 700 na pagtatanghal sa Dinamarka, Alemanya, at Hilagang Amerika.[4][5] Kinakatha mismo ang karamihan sa kainyang mga kanta, pinagsama niya ang katutubo, pop, at chanson.[6]

Kumakanta ng soprano, si Blum ay nagtanghal din sa ballet na Medea sa Schleswig-Holsteinische Landestheater sa Flensburg at sa opera na Konsuma sa Odense. Ang kompositor, si Rasmus Zwicki, ay nagsulat ng isang espesyal na bahagi para sa kaniya.[7] Nagpatuloy siya sa pagganap sa Helene Blum at Harald Haugaard Quintet, kumanta at tumutugtog ng biyolin. Ang iba pang tumutugtog ay sina Kristine Elise Pedersen (cello), Mattias Perez (gitara), at Sune Rahbek (perkusyon).[8] Noong 2017, kasama rin sa Helene Blum at Harald Haugaard Band sina Mikkel Grue (gitara) at Mathæus Bech (bass). Ngayon ay may karaniwan sa isang daang konsiyerto sa isang taon, magkasama silang nagtanghal sa Alemanya, Estados Unidos, Austria, Noruwega, Canada, Hapon, at Dinamarka.[9]

Isinama ng The Daily Telegraph ang kaniyang Men med åbne øjne bilang isa sa pinakamahusay na mga folk music album ng 2013.[10] Tinawag ang album na "isang hindi inaasahang galak", pinuri ng kritiko na si Martin Chilton ang "nakapangingilabot na boses" ni Blum, kahit na halos lahat ng lyrics ay nasa Danes.[11]

Diskograpiya

baguhin

Inilabas ni Helene Blum ang mga sumusunod na album:[12]

  • 2006 En sød og liflig klang[13]
  • 2009 En gang at altid
  • 2010 Liden sol
  • 2013 Men med åbne øjne
  • 2016 Julerosen
  • 2017 Dråber af Tid
  • 2017 Strømmen

Mga sanggunian

baguhin
  1. Staun, Simon (27 Enero 2017). "På den anden side af skyggesiden". Fyens Stiftstidende (sa wikang Danes). Nakuha noong 16 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Frandsen, Kjeld (22 Pebrero 2009). "En stemme går sin enegang". Berlingske (sa wikang Danes). Nakuha noong 16 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Staun, Simon (27 Enero 2017). "På den anden side af skyggesiden". Fyens Stiftstidende (sa wikang Danes). Nakuha noong 16 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Helene Blum / Harald Haugaard Band" (sa wikang Aleman). Filmtheater SCHAUburg. Nakuha noong 16 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Helene Blum & Harald Haugaard Band (at the Ballard Homestead)". Seattle Folklore Society. Hunyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Dråber Af Tid" (sa wikang Aleman). Nordische Musik. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hunyo 2018. Nakuha noong 16 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Helene Blum". Womex. Nakuha noong 16 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The Helene Blum & Harald Haugaard Quintet". Shedd. Nakuha noong 16 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Helene Blum og Harald Haugaard Band" (sa wikang Danes). Musik / Teater. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hunyo 2018. Nakuha noong 16 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Chilton, Martin (31 Disyembre 2013). "Best Folk Music albums of 2013". The Telegraph. Nakuha noong 16 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Bella Hardy, Battleplan, album review". The Telegraph. 15 Mayo 2013. Nakuha noong 16 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Helene Blum". Discogs. Nakuha noong 16 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "En sød og liflig klang" (sa wikang Danes). Bibliotek.dk. Nakuha noong 16 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)