Ang helikopter[1] (mula sa Ingles na helicopter) ay isang uri ng salipapaw o sasakyang lumilipad. Pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng helikopter at ng eruplano ang kung ano ang nagpapaangat sa kanila mula sa lupa patungo sa himpapawid. Sa eruplano, nakakakuha ito ng puwersang pang-angat mula sa kanyang mga pakpak at pasulong na galaw, na nagmumula sa propeler o turbina ng makina ng dyet. Sa helikopter, nanggagaling ito sa pahalang na mga rotor o ilang mga umiikot na mga talim na tila parang maliliit na mga pakpak. Dahil dito, minsang tinatawag silang salipapaw na may mga pakpak na rotaryo o mga pakpak na umiikot. Hinango ang salitang helicopter mula sa Pranses na hélicoptère, na nilikha ni Gustave de Ponton d'Amecourt noong 1861, na nagbuhat sa Griyegong helix/helik- (ἕλικ-) = "espiral", "pumapalupot", o "umiikot", at pteron (πτερόν) = "pakpak".[2][3]

Helikopter 1922
Isang helikopter na ginagamit ng mga taong naghahatid at nagbibigay ng paunang-lunas.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Helicopter, helikopter - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. helicopter. Online Etymology Dictionary. Nakuha noong: 28 Nobyembre 2007
  3. Cottez 1980, p. 181.

Ugnay Panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.