Si Hello Kitty (ハローキティ, Harō Kiti) ang pinakakilala sa mga piksiyonal na karakter na ginawa ng kompanyang Hapones na Sanrio. Nakikilala si Hello Kitty, isang kakaiba at mausisang puting pusa sa kakaibang tali o ibang dekorasyon nito sa kanyang kaliwang tenga, at ang kawalan ng bibig, maliban sa animadong serye. Ginawa sa Hello Kitty noong 1974 ng Sanrio sa Tokyo, Hapon. Ipinarehistro noong 1976, kilalang tatak sa buong mundo si Hello Kitty.

Katangian

baguhin

May malaking ulo at pulang laso sa kaniyang mga tenga ang pusang kartun-karakter subalit walang bibig. Kalahating-Hapones at kalahating-Ingles ang kaniyang itsura. Sinabi ng Sanrio na hindi siya binigyan ng bibig dahil nagsasalita siya mula sa puso sa halip na nagwiwika ng isang partikular na wika. Mas nararamdaman ng mga kabataan ng buong muno na kabahagi siya ng mga ito. Nagiging popular si Hello Kitty sa mga kabataang babaeng nagsisipag-aral noong mga dekada ng 1980. Noong mga 1990, lumikha ang kompanya ng mas maraming produktong may larawan ng pusa na mas magiging kaakit-akit sa mga kadalagahan. Sa ganitong paraan, mas mapapanatili ang kasikatan niya sa mga batang babae na lumaking nakikilala si Hello Kitty.

Kasikatan

baguhin

Nasa mga may 50,000 mga produkto ang larawan ni Hello Kitty na ipinagbibili sa mga ibat ibang bansa. Nakatira siya sa cyberspace sa websayt ng Sanrio town. Ipinanganak siya noong Nobyembre 1 at naninirahan sa London kapiling ang kaniyang mga magulang at kakambal na kapatid na babae ring si Mimmy. Hilig niya ang maglakbay, musika, magbasa, at kumain ng mga cookie na niluto ng kaniyang kapatid na kuting.

Naging isang animadong karakter si Hello Kitty sa “Hello Kitty’s Furry Tale Theatre”, na ipinalabas sa mga telebisyon sa Estados Unidos noong 1987 at 1991.

Sanggunian

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin

Silipin din

baguhin