Si Henriette Cannet ay isang nakikilalang tao sa kasaysayan ng Pransiya. Siya ang babaeng kaibigang matalik ni Madame Roland (Marie-Jeanne Phlippon Roland) na asawa naman ng tagapagtangkilik ng Rebolusyong Pranses at maimpluwensiyang kasapi sa mga Girondista na si Jean-Marie Roland de la Platière. Nang mahatulan ng parusang kamatayan si Madame Roland sa pamamagitan ng gilotina, si Cannet ay matagumpay na nakapasok sa bilangguan na kinaroroonan ni Madame Roland, kung saan iminungkahi at hinikayat ni Cannet na makipagpalitan ng damit at katauhan si Madam Roland sa kaniya, upang makatakas si Madam Roland. Ang alok na ito ni Cannet ay mahinahong tinanggihan ni Madame Roland.[1][2][3][4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Henriette Cannet". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), WHO WAS MADAME ROLAND?, pahina 33.
  2. Madame Roland, Makers of History ni John S. C. Abbott[patay na link]
  3. The Young and Field literary readers, Book 5 nina Mrs. Ella Flagg Young, Walter Taylor Field, pahina 257.
  4. History of Madame Roland ni John Stevens Cabot Abbott, pahina 258.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.