Henry Cabot Lodge
Si Henry Cabot Lodge (Mayo 12, 1850 – Nobyembre 9, 1924) ay isang Amerikanong Senador na Republikano at historyador mula sa Massachusetts. Bilang may tangan ng PhD mula sa Pamantasan ng Harvaard, isa siyang matagal nang kaibigan at katapatang-loob ni Theodore Roosevelt. Dati siyang gumanap (subalit hindi niya titulong opisyal) bilang unang Pinuno ng Mayorya ng Senado. Pinaka nakikilala siya dahil sa kaniyang mga posisyon hinggil sa patakarang pang-ugnayang panlabas, natatangi na ang kaniyang pakikipagtunggali kay Pangulong Woodrow Wilson noong 1919 hinggil sa Tratado ng Versailles. Hiningi ni Lodge and kontrol ng Konggreso hinggil sa mga pagdedeklara ng digmaan; tinanggihan ito ni Wilson at hinadlangan ni Wilson ang hakbang ni Lodge na pagtibayin ang tratado na mayroong mga pasubali. Bilang resulta, ang Estados Unidos ay hindi kailanman sumali sa Liga ng mga Nasyon. Laban si Lodge sa balak ni Wilson para sa Liga ng mga Nasyon dahil ikinatatakot niya na masasangkot sa mga digmaan ang Estados Unidos, sa halip na sa mga kapakanan ng bansa.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R114.