Si Henryk Grynberg (ipinanganak noong 1936 sa Varsovia, Polonya) ay isang manunulat at artista na nakaligtas sa paglusob ng mga Nazi. Isa siyang nobelista, manununulat ng maikling kuwento, makata, manunulat para sa tanghalan at ng mga sanaysay na nagkamit ng maraming parangal at may-akda ng dalawampung tuluyan at tula at dalawang drama. Si Grynberg, na kilala bilang "taga-tala" ng mga kinahinatnan ng mga hudyong Polako, ang tumalakay sa mga pangyayari sa panahon ng Holocaust at mga epektong pangkaisipan pagkaraan ng Holocaust.[1][2]

Henryk Grynberg
Kapanganakan4 Hulyo 1936
  • (Masovian Voivodeship, Polonya)
MamamayanPolonya
NagtaposUnibersidad ng Warsaw
Trabahoprosista, makatà, mandudula, mamamahayag

Pansariling kaligtasan

baguhin

Si Grynberg at ang kaniyang ina lamang mula sa kanilang pamilya ang nakaligtas mula sa okupasyon ng mga Nazi. Namuhay si Grynberg na patagu-tago mula 1942 hanggang 1944. Matapos ang digmaan, tumira siya sa Łódź at Warsaw.[2]

Pakikipagtulungan sa mga komunista

baguhin

Noong 11 Oktubre 1956, nagtrabaho si Grynberg bilang isang undercover agent ng ika-pitong departamento ng Ahensiyang Polako para sa Panloob ng Seguridad, na ang alyas (code name) ay "reporter" (mamamahayag) (naitala ng Institusyong Pangkasaysayan ng Poland at nailathala sa Zycie Warszawy noong 1 Disyembre 2006).

Ang mga simulain ng isang manunulat

baguhin

Noong 1959, nagtapos si Grynberg mula sa Pamantasan ng Warsaw na may master’s degree sa journalism (larangan ng pagpapahayag). Bilang artista, nagkaroon ng pakikipag-ugnayan si Grynberg sa kompanyang Tanghalan ng Estadong Hudyo sa Warsaw. Sa kapanahunang ito nagsimulang maglathala ng mga tuluyan at tula si Grynberg.[1][2]

Noong mga huling buwan ng 1967, kung kailan ang kompanyang Tanghalan ng Estadong Hudyo ay nasa Estados Unidos, tumutol na magbalik si Grynberg sa Poland. Isang protesta laban sa mga propagandang hindi-makahudyo ng gobyernong komunista ang pagtatakwil na ito ni Grynberg, at laban sa sensorsiyip ng mga isinulat.[1][2]

Noong 1971, matapos ang dalawang taong pag-aaral (graduate studies) sa UCLA, natanggap ni Grynberg ang kanyang M.A. sa Panitikang Ruso, at lumipat sa Washington, D.C. kung saan nagtrabaho siya para sa Ahensiya ng Impormasyon ng Estados Unidos (bukod tangi na ang para sa Voice in America o Tinig ng Amerika) sa loob ng dalawpung taon.[1]

Mga gawa at pinagwagian

baguhin

Nailathala ni Grynberg ang pinakauna niyang kuwento noong 1959, na kalaunang napasama sa kaniyang pinakaunang koleksiyon ng mga kuwento, The Antigone Crew (Mga Tauhan ng Antigone) noong 1963. Sa kanyang mga gawa - yaong mga isinulat sa Poland at sa Estados Unidos - ibinunyag ni Grynberg ang mga kuwento ng mga namatay noong panahon ng digmaan at ng mga nakaligtas upang mamuhay sa Lodz, Warsaw, o New York, na nakikipagtunggali upang matanggap ang kanilang mga naging karanasan, na maaaring nalimutan ng ibang tao. Nasabi rin na puno ng mga pang-talambuhay at patungkol sa sariling karanasan ang mga akda ni Grynberg, kung saan ang mga bidang hudyo ang mga tagapagsalaysay na tumatalakay sa mga karanasang personal at ng ibang mga kasamang nakaligtas.[2]

Maraming natanggap na mga premyong pampanitikan si Grynberg. Naglaan din siya ng mga akda sa lathalaing Polako at mga diyaryo sa wikang Ingles. Lumitaw sa mga lathalaing tulad ng Commentary (Komentaryo), Midstream, at Soviet-Jewish Affairs (Ugnayang Hudyo-Sobyet) ang kanyang mga sulatin sa London. Nailathala ang mga nobela ni Grynberg matapos maisalin sa wikang Ingles, katulad ng Child of the Shadows (Anak ng mga Anino, Vallentine Mitchell, London, 1969); ang kasunod nito, The Victory (Ang Tagumpay, Palimbagan ng Pamantasang Northwestern, 1993), at ang aklat-dokumentaryong Children of Zion (Mga Kabataan ng Zion), Palimbagan ng Pamantasang Northwestern, Enero 1998, na isinalin ni Jacqueline Mitchell sa wikang Ingles.[1][3]

Naisalin din ang mga aklat ni Grynberg sa mga wikang Pranses, Aleman, Italyano, Hebreo at Olandes.[1]

Nanomina ang pang-2004 na aklat ni Grynberg na may pamagat na Uchodźcy (Refugees o mga taong lumisan sa kanilang bansa) sa Gawad Pampanitikang Nike noong 2005.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Biography: Henryk Grynberg, Shtetl, Frontline, PBS.org and WGBH.org (undated), retrieved on: 27 Hulyo 2007
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Profiles: Literature, Henryk Grynberg, Polska2000.pl, Stowarzyszenie Willa Decjusza, Adam Mickiewicz Institute, and Culture.pl (walang petsa) Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine., retrieved on: 27 Hulyo 2007
  3. Grynberg, Henryk. Children of Zion, Deskripsiyon ng Aklat at Buod, Paghahanp ng Aklat sa Google (Google Book Search), Books.Google.com (walang petsa), isinangguni noong: 28 Hulyo 2007

Iba pang sanggunian

baguhin