Hepataytis
Ang hepataytis[1] (Ingles: hepatitis, hepatitis virus) ay mga uri ng pamamaga ng atay na dinudulot ng mga birus na naisasalin sa pamamagitan ng dugo, laway, tamod, ihi, at mga katas o pluwido mula sa puki. Kabilang ang mga ito sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, at – sa pangkalahatan - walang kalunasan kahit na tangkaing gamutin ng lubusan.[2] Ang Pandaigdig na Araw ng Hepataytis o World Hepatitis Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Hulyo 28.
Mga klase
baguhinMay tatlong pangunahing tipo ng sakit na hepataytis: ang hepataytis A (hepa A), ang hepataytis B (hepa B o HBV, mula sa Ingles na hepatitis B vius, ang birus na hepataytis B), at ang hepataytis C (hepa C o hepa C+).[2] Ilan pa sa mga klase ng sakit at birus ang hepataytis B na may D, hepataytis E, hepataytis F na birus, hepataytis G (o GBV-C). Maaari ring makasanhi ng sakit na hepataytis, ang pamamaga ng atay, ang sitomegalobirus (Ingles: cytomegalovirus), birus na Epstein-Barr, "dilaw na lagnat" (Ingles: yellow fever), at mga iba pa.
Paglalarawan
baguhinHepataytis A
baguhinHindi gaanong mapanganib ang hepataytis A maliban na lamang kung positibo na sa hepataytis C. Pagkaraang gumaling mula sa sakit na ito, hindi na ito maipapasa ng isang tao sa ibang tao. Maaari rin na hindi na muling mahawa ang isang taong nagkaroon na ng hepa A. Isa sa mga nakasasanhi ng hepataytis A ang sobrang pag-inom ng alak.[2]
Hepataytis B
baguhinMayroong bakunang panlaban sa hepataytis B, subalit hindi na maaaring bigyan ng bakuna ang isang tao kung may impeksiyon na. Hindi kakikitaan ng paninilaw ng mata at balat ang taong mayroong hepataytis B. Nawawala ang mga palatandaan ng pagkakaroon ng hepataytis B subalit magpapatuloy ang pinsalang dinudulot sa atay. Nakahahawa ito at wala pang naimbentong gamot na panlunas laban sa hepataytis B.[2]
Hepataytis C
baguhinNananatili ang hepataytis C sa katawan na posibleng makahawa sa iba pang mga mahahalaga at pangunahing organo ng katawan. Karamihan sa mga taong impektado ng hepataytis C ang hindi nakakaalam na mayroon na sila nito. Wala pang bakuna para sa hepataytis C.[2]
Pagiwas at bakuna
baguhinHepataytis A
baguhinIlan sa mga paraan ng pag-iwas mula sa pagkakaroon ng hepataytis A ang tamang paghuhugas ng mga kamay, ang hindi pagkain ng mga lutuin at inuming galing sa mga tindahan sa bangketa, ang tamang paglalayo ng distansiya sa pagitan ng kubeta at kusina, ang pagpapanatili at paniniguro ng pagkakaroon ng kalinisan sa mga kagamitang pangkusina, pag-iwas sa mga paraan ng pakikipagtalik na hindi ginagamitan ng proteksiyon, at ang pagpapabakuna laban sa hepataytis A. Isang halimbawa ng proteksiyong pangpagtatalik ang paggamit ng kondom. Iminumungkahi sa isang tao ang pagpapabakuna laban sa mga hepataytis na A at B, kasama ang pagpapasuri ng dugo, sapagkat tanging sa pagsusuring ito lamang malalaman kung may hepataytis ang isang tao.[2]
Hepataytis B
baguhinIlan sa mga paraan ng pag-iwas mula sa pagkakahawa ng hepataytis B ang pag-iwas sa mga kontaminadong mga karayom at heringgilya. Iminumungkahi rin ang hindi paggamit ng mga hindi malilinis na kagamitang ginagamit sa paglalagay ng mga tatuwahe at pambutas ng tainga. Isa ring rekomendasyon ang paggamit ng mga kondom kung nakikipagtalik. Mainam ang pagpapabakuna laban sa hepataytis B at hepataytisA, kasama rin ng pagpapasuri ng dugo na makakaalam kung mayroon ngang hepataytis ang isang tao o wala.[2]
Hepataytis C
baguhinIlan sa mga paraang makatutulong sa pag-iwas sa pagkahawa ng hepataytis C ang hindi paggamit ng mga maduruming mga heringgilya at mga karayom, pati ang pag-iwas sa mga kontaminadong mga kagamitan para sa paglalagay ng mga tato at panlagay ng mga butas sa tainga. Idinadagdag din ang kahalagahan ng paggamit ng kondom kung nakikipagtalik.[2]
Palatandaan at kalubhaan
baguhinSa pangkalahatan, lumilitaw ang mga panimulang sintomas ng hepataytis mga dalawa hanggang limang buwan pagkaraang mahawa ng isang tao.[2]
Hepataytis A
baguhinIlan sa mga nagiging palatandaan ng pagkakaroon ng hepataytis A ang pagkahilo, pagduduwal, pagtatae, paninilaw ng katawan, at pagkaramdam ng sobrang kapaguran. Sa kung minsan, walang mga lumilitaw na mga sintomas sa isang taong may sakit na hepataytis A.[2]
Hepaytitis B
baguhinNaguumpisa ang sakit na hepataytis B magmula isa hanggang dalawang mga buwan pagkaraang mahawa. Natatagpuan ang hepataytis B sa dugo, tamod, hima, gatas ng ina at laway. Kabilang sa mga sintomas nito ang pagkakaroon ng pananakit ng mga kasukasuan, katamlayan, pagsusuka, pagkirot ng tiyan, pagkukulay tsaa ng ihi, paninilaw ng balat at ng mga mata. Kapag lumubha, maaaring humantong ito sa pagkakaroon ng kanser sa atay.[2]
Hepaytitis C
baguhinNakukuha ang hapataytis C mula sa dugo. Nakakadama ang taong may hepataytis C ng malubhang pagkapagod, lagnat, pananakit ng kasukasuan, pagsusuka, pagkahilo, kawalan ng gana sa pagkonsumo ng pagkain, pananakit ng sikmura, pag-ayaw sa sigarilyo, pagtatae, pagiging maitim ng ihi, mapusyaw na dumi, paninilaw ng balat at ng mga mata. Kapag lumala, maaaring magkaroon ng mga komplikasyong kanser sa atay at sirosis (Ingles: cirrhosis) at cancer loob ng dalawampu hanggang tatlumpong mga taon.[2]
Paghawa at pagsalin
baguhinHepataytis A
baguhinNakukuha ang hepataytis A mula sa mga dumi ng tao, madumi o kontaminadong mga pagkain at inumin. Naisasalin din ito sa ibang tao sa pamamagitan ng maduming mga kamay at hindi malinis na mga kagamitan sa kusina. Sa pakikipagtalik, naisasalin ito sa pamamagitan ng pagsubo sa bibig ng ari ng lalaki (Ingles: blowjob) pagkaraang ipasok ang huli sa puwit ng katalik. Maaari ring makahawa ang isang taong may hepatayitis A kahit na walang nakikitang mga palatandaan.[2]
Hepataytis B
baguhinNaisasalin sa ibang tao ang hepataytis B sa pamamagitan ng walang proteksiyong pakikipagtalik sa taong mayroon nito. Kabilang pa rin sa anyo ng pagsasalin ang pagtanggap ng kontaminadong dugo, pagpapalitan ng mga likido ng katawan katulad ng laway at tamod, ang paghihiraman ng mga maduming karayom at heringgilya, pansepilyo ng ngipin, pang-ahit, mga kagamitan sa pagtatuwahe, particular na kapag ginamit ng o ginamit para sa isang taong may hepataytis B. Naisasalin din ito ng ina patungo sa kanyang sanggol habang nasa panahon ng pagbubuntis, panganganak, at pagpapasusuo sa anak.[2]
Hepataytis C
baguhinKatulad ng hepataytis B, naililipat ang hepataytis C sa pamamagitan ng pakikipagseks na hindi ginagamitan ng proteksiyon, pagsasalin ng kontaminadong dugo, palitan ng mga pluwido ng katawan tulad ng laway at tamod, paghihiraman ng mga karayom at heringgilya, sepilyo ng mga ngipin, pang-ahit, mga pantatuwahe. At naisasalin din ito mula sa ina patunggo sa sanggol habang nagdadalangtao, habang isinisilang, at habang nagpapadede mula sa suso.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Hepataytis C sa mga Komunidad ng Iba't-ibang Kultura sa Canada" (PDF). Kapulungang Etnokultural ng Canada. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 21 Abril 2021. Nakuha noong 16 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 2.13 2.14 "Ano ang STI?", Healthy Body STI/HIV-AIDS, NEWS, Foundation for Adolescent Development/PATH Foundation Philippines, Inc./Kabalikat ng Pamilyang Pilipino Foundation, Inc., Quiapo, Maynila, Teenfad.ph, 2000, (Tagalog), nakuha noong: 13 Marso 2008