Hepataytis C

(Idinirekta mula sa Hepatitis C)

Ang Hepataytis C o Hepatitis C ay isang impeksiyon na pangunahing nakakaapekto sa atay. Ang birus ng Hepatitis C (HCV) ang nagdudulot ng sakit na ito.[1] Ang Hepatitis C ay kadalasang walang mga sintomas, ngunit ang matagal at pabalik-balik na impeksiyon ay maaaring humantong sa pagkakagalos ng atay, at pagkatapos ng maraming taon ay maaaring humantong sa sirosis. Sa ilang mga kaso, ang mga taong mayroong sirosis ay mayroon ding hindi gumaganang atay, kanser sa atay, o lubhang namamagang mga ugat sa lalamunan at tiyan, na maaaring mauwi sa kamatayan dahil sa pagdurugo.[1]

Hepatitis C
Mikrograpong elektron ng birus ng hepatitis C na dinalisay mula sa paglilinang ng selula. Ang antas ng sukat = 50 mga nanometro
EspesyalidadInfectious diseases Edit this on Wikidata

Sa simula nakukuha ng mga tao ang hepatitis C sa pamamagitan ng dugo-sa-dugong kontak mula sa paggamit ng pag-iniksiyon ng gamot sa ugat, hindi isterilisadong kagamitang pangmedisina, at mga pagsasalin ng dugo. Ang tinatayang 130–170 milyong tao sa buong mundo ay mayroong hepatitis C. Sinimulang imbestigahan ng mga siyentipiko ang HCV noong panahon ng 1970, at pinatunayan na ito ay umiiral noong 1989.[2] Ito ay hindi napatunayan na nagdudulot ng sakit sa ibang mga hayop.

Ang Peginterferon at ribavirin ay ang karaniwang mga gamot para sa HCV. Nasa pagitan ng 50-80% ng mga taong ginamot ay gumaling. Ang mga taong nagkaroon ng sirosis o kanser sa atay ay maaaring mangailangan ng pagpapalit ng atay, ngunit ang birus ay kadalasang bumabalik pagkatapos ng pagpapalit.[3] Walang bakuna para sa hepatitis C.

Mga palatandaan at sintomas

baguhin

Ang Hepatitis C ay nagdudulot ng mga malubhang sintomas sa 15% lamang ng mga kaso.[4] Ang mga sintomas ay kadalasang katamtaman at mahirap malaman, kabilang ang nabawasang gana, pagkapagod, nasusuka, mga pananakit ng kalamnan at kasukasuan, at pagbaba ng timbang.[5] Ilang mga kaso lamang ng malubhang impeksiyon ang iniuugnay sa paninilaw ng balat.[6] Ang impeksiyon ay nalulutas nang walang paggagamot sa 10-50% ng mga tao, at mas malimit sa mga batang babae kaysa sa iba.[6]

Matagal at pabalik-balik na impeksiyon

baguhin

Walumpung porsiyento ng mga taong nalantad sa birus ay nagkakaroon ng matagal at pabalik-balik na impeksiyon.[7] Ang karamihan ay nakakaranas ng kaunti o walang mga sintomas sa mga unang dekada ng impeksiyon,[8] kahit na ang matagal at pabalik-balik na hepatitis C ay maaaring iugnay sa pagkapagod.[9] Ang Hepatitis C ay ang pangunahing sanhi ng sirosis at kanser sa atay sa mga taong mayroon nito sa loob ng maraming mga taon.[3] Sa pagitan ng 10–30% mga tao na mayroong sakit na iyon nang mahigit sa 30 taon ay nagkakaroon ng sirosis.[3][5] Ang sirosis ay mas karaniwan sa mga taong mayroong hepatitis B o HIV, mga lasenggo, at mga lalaki.[5] Ang mga taong nagkaroon ng sirosis ay nasa mas mahigit sa dalawampung beses na panganib ng kanser sa atay, isang bilang na 1-3% kada taon.[3][5] Para sa mga lasenggo, ang panganib ay mas mahigit sa 100 beses.[10] Ang Hepatitis C ang sanhi ng 27% ng mga kaso ng sirosis at 25% ng mga kaso ng kanser sa atay.[11]

Ang sirosis ng atay ay maaaring humantong sa mataas na presyon ng dugo sa mga ugat na kumukunekta sa atay, pagkaipon ng tubig sa tiyan, madaling masugatan o magdugo, lumaking mga ugat, lalo na sa tiyan at lalamunan, jaundice (isang paninilaw ng balat), at pinsala sa utak.[12]

Mga epekto sa labas ng atay

baguhin

Ang Hepatitis C ay bihira ding nauugnay sa sindroma ni Sjögren (karamdaman kung saan ang resistensiya ay hindi normal na gumagana), mas mababang bilang ng mga plaketa o trombosito ng dugo kaysa sa normal, matagal at pabalik-balik na sakit sa balat, diyabetes, at mga limpomang hindi Hodgkin.[13][14]

 
Impeksiyon ng Hepatitis C sa Estados Unidos ayon sa pinagmulan

Ang hepatitis C virus ay isang maliit, nakabalot, iisa ang hibla, birus na RNA na positibo ang palagay (positive-sense).[3] Ito ay isang miyembro ng saring hepacivirus sa pamilya ng Flaviviridae.[9] Mayroong pitong mga pangunahing henotipo ng HCV.[15] Sa Estados Unidos, ang henotipo 1 ay nagdudulot ng 70% ng mga kaso, ang henotipo 2 ay nagdudulot ng 20%, at ang bawat isa sa ibang mga henotipo ay nagdudulot ng 1%.[5] Ang henotipo 1 ay ang pinaka karaniwan din sa Timog Amerika at Europa.[3]

Pagsasalin

baguhin

Ang pangunahing paraan ng pagsasalin sa maunlad na bansa ay ang nakikilala sa Ingles bilang intravenous drug use (IDU) o ang paggamit ng pag-iniksiyon ng gamot sa ugat. Sa umuunlad na bansa ang pangunahing mga paraan ay ang mga pagsasalin ng dugo at ang mga hindi ligtas na medikal na pamamaraan[16] Ang sanhi ng pagsasalin ay nananatiling hindi pa nalalaman sa 20% ng mga kaso;[17] ngunit ang karamihan sa mga kasong ito ay malamang na sanhi ng IDU.[6]

Paggamit ng pag-iniksiyon ng gamot sa ugat

baguhin

Ang IDU ay isang pangunahing salik ng panganib sa hepatitis C sa maraming bahagi ng mundo.[18] Ang isang pagsusuri ng 77 mga bansa ay nagpapakita na ang 25 ay mayroong bilang ng hepatitis C sa populasyon ng mga gumagamit ng pag-iniksiyon ng gamot sa ugat na nasa pagitan ng 60% at 80%, kabilang ang Estados Unidos[7] at Tsina.[18] Labindalawang bansa ang mayroong bilang na mas mataas sa 80%.[7] Kasing dami ng sampung milyon na mga gumagamit ng pag-iniksiyon ng gamot sa ugat ay mayroong hepatitis C; sa Tsina (1.6 milyon), sa Estados Unidos (1.5 milyon), at sa Rusya (1.3 milyon) ang mayroong pinakamataas na kabuuan.[7] Ang mga bilang ng hepatitis C sa mga preso sa bilangguan ng Estados Unidos ay sampu hanggang dalawampung beses ng mga bilang ng pangkalahatang populasyon, na ipinapalagay ng mga pag-aaral na ito na delikadong pagkilos tulad ng IDU at paglalagay ng tatuwahe na gumagamit ng hindi isterilisadong kagamitan.[19][20]

Pagkakalantad ng pangangalagang pangkalusugan

baguhin

Ang pagsasalin ng dugo, mga produkto para sa dugo, at mga paglilipat ng bahagi ng katawan nang walang pagsusuri para sa HCV ay lumilikha ng malaking panganib para sa impeksiyon.[5] Ang Estados Unidos ay nagtatag ng pandaigdigang pagsusuri noong 1992. Simula noon ang bilang ng impeksiyon ay bumaba mula isa sa 10,000 sa 10,000,000 kada yunit ng dugo[6][17], bumaba mula sa bilang ng isa sa 200 mga yunit ng dugo.[21] Ang mababang panganib na ito ay nananatili dahil mayroong panahon ng humigit-kumulang na 11–70 mga araw sa pagitan ng potensiyal na nagbibigay ng dugo na makakakuha ng hepatitis C at ang pagsusuri ng kanilang mga dugo bilang positibo.[17] Ang ilan sa mga bansa ay hindi pa rin nagsusuri para sa hepatitis C dahil sa halagang dapat gugulin para sa gawaing ito.[11]

Ang isang tao na mayroong sugat mula sa turok ng karayom mula sa taong mayroong HCV ay mayroong 1.8% na tiyansa na makakuha ng sakit.[5] Mas mataas ang panganib kung ang karayom na ginamit ay hungkag at ang sugat dahil sa pagturok ay malalim.[11] Mayroong panganib mula sa pagkakalantad ng uhog o plema sa dugo; ngunit ang panganib na ito ay mababa, at walang panganib kung ang pagkakalantad ng dugo ay nangyayari sa masinsin o matibay na balat.[11]

Ang kagamitan sa ospital ay nakakapagsalin din ng hepatitis C, kabilang ang mga sumusunod: muling paggamit ng mga karayom at hiringgilya, maraming pinaggagamitan na mga maliit na bote ng gamot, mga pakete para sa pagsasalin, at hindi isterilisadong kagamitan para sa pag-oopera.[11] Ang mahinang mga pamantayan sa mga pangmedisina at ukol sa ngipin na mga pasilidad ay ang pangunahing sanhi ng pagkalat ng HCV sa Ehipto, ang bansang mayroong pinaka mataas na bilang ng impeksiyon sa mundo.[22]

Pagtatalik

baguhin

Hindi alam kung ang hepatitis C ay maaaring isalin sa pamamagitan ng pagtatalik.[23] Habang mayroong pagkakaugnay sa pagitan ng delikadong seksuwal na aktibidad at hepatitis C, hindi malinaw kung ang pagsasalin ng sakit ay dahil sa paggamit ng gamot na hindi nabanggit o dahil mismo sa pagtatalik.[5] Sinusuportahan ng ebidensiya na walang panganib para sa mga heteroseksuwal na mag-asawa na hindi nakikipagtalik sa ibang mga tao.[23] Ang mga seksuwal na kasanayan na kinasasangkutan ng mataas na antas ng trauma sa looban ng kanal sa puwet, tulad ng pagpapasok sa puwet, o na nangyayari kapag mayroon ding isang impeksiyon na naisasalin sa pamamagitan ng pagtatalik, kabilang ang HIV o pamamaga at pagkakagasgas ng ari, ay nagpapakita rin ng panganib.[23] Inirerekomenda ng pamahalaan ng Estados Unidos ang paggamit ng kondom upang maiwasan lamang ang pagsasalin ng hepatitis C sa mga taong mayroong maraming kapareha sa pakikipagtalik.[24]

Mga butas sa katawan

baguhin

Ang paglalagay ng tattoo ay iniuugnay sa dalawa hanggang tatlong beses na mataas na panganib ng hepatitis C.[25] Ito ay dahil sa hindi isterilisadong kagamitan o pagkakontamina ng ginamit na kulay.[25] Ang mga tattoo o butas sa katawan na ginawa bago ang kalagitnaan ng 1980 o nang hindi propesyonal ay mga partikular na alalahanin, dahil ang mga isterilisadong pamamaraan sa nasabing pagkakaayos ay maaaring mahina. Ang panganib ay mas mataas rin para sa mga mas malalaking tattoo.[25] Halos kalahati ng mga preso sa bilangguan ay naghahati sa hindi isterilisadong kagamitan sa paglalagay ng tattoo.[25] Bihira sa mga tattoo sa lisensiyadong pasilidad ay direktang iniuugnay sa pagkakaroon ng HCV.[26]

Pagkakadikit o kontak sa dugo

baguhin

Ang mga pampersonal na kagamitan tulad ng mga pang-ahit, sipilyo, at kagamitan sa pagmamanikyur o pagpepedikyur ay maaaring madikit sa dugo. Ang pagbabahagi ng mga ito ay naglalagay sa panganib ng pagkakalantad sa HCV.[27][28] Dapat maging maingat ang mga tao sa mga hiwa at sugat o ibang pagdurugo.[28] Ang HCV ay hindi kumakalat sa pamamagitan ng nagkatao lamang na pagkakadikit, tulad ng pagyayakapan, paghahalikan, o pagbabahagi ng mga kagamitan sa pagkain o pagluluto.[28]

Pagsasalin mula sa ina papunta sa anak

baguhin

Ang pagsasalin ng hepatitis C mula sa ina na mayroon nito sa kaniyang anak ay nangyayari sa mababa sa 10% ng mga pagbubuntis.[29] Walang mga pamamaraan na nagbabago sa panganib na ito.[29] Ang pagsasalin ay maaaring mangyari sa panahon ng pagbubuntis at sa panganganak.[17] Ang mahabang paghilab ng bahay-bata sa loob ng pook ng puson ay iniuugnay sa mas mataas na panganib ng pagsasalin.[11] Walang ebidensiya na ang pagpapasuso ay nagkakalat ng HCV; gayunman, ang ina na mayroon nito ay dapat iwasan ang pagpapasuso kung ang kaniyang mga utong ay namutok at nagdurugo,[30] o ang dami ng kaniyang birus ay mataas.[17]

Diyagnosis

baguhin
 
Serolohikong profile ng pagkakaroon ng Hepatitis C

Ang mga dyagnostikong pagsusuri ng hepatitis C ay kinabibilangan ng: HCV antibody, ELISA, Western blot, at quantitative HCV RNA.[5] Maaaring matuklasan ng Polymerase chain reaction (PCR) ang HCV RNA nang isa hanggang dalawang linggo matapos magkaroon nito, habang ang mga antibody ay maaaring umabot nang matagal sa pangkalahatan bago mabuo at ipakita ang kanilang mga sarili.[12]

Ang matagal at pabalik-balik na hepatitis C ay isang impeksiyon sa hepatitis C virus na nananatili nang mahigit sa anim na buwan batay sa pagkakaroon ng RNA nito.[8] Dahil ang matagal at pabalik-balik na mga impeksiyon ay karaniwang walang mga sintomas para sa ilang mga dekada,[8] kadalasang natutuklasan ito ng mga doktor sa pamamagitan ng mga pagsusuri sa paggana ng atay o sa panahon ng pangkaraniwang pagsusuri sa mga taong mataas ang panganib. Hindi makikilala ng pagsusuri ang malubha sa matagal at pabalik-balik na mga impeksiyon.[11]

Pagsusuri ng dugo

baguhin

Ang pagsusuri ng Hepatitis C ay karaniwang nagsisimula sa mga pagsusuri ng dugo upang tuklasin ang pagkakaroon ng antibody (literal na "laban sa katawan", ang protina sa dugo na panlaban sa sakit) sa HVC na gamit ang isang enzyme immunoassay (paraan ng pagsukat ng tiyak na protina).[5] Kung ang pagsusuring ito ay positibo, ang isang pangalawang pagsusuri ay isinasagawa upang patunayan ang immunoassay at upang malaman ang kalubhaan.[5] Ang isang recombinant (muling binuong organismo) immunoblot assay ang kumukumpirma sa immunoassay, at nalalaman ng isang sunud-sunod na reaksiyon ng HVC RNA polymerase ang kalubhaan.[5] Kung walang RNA at ang immunoblot ay positibo, ang isang tao ay nagkaroon na dati ng isang impeksiyon ngunit gumaling ito nang dahil sa alinman sa paggamot o kusang paggaling; kung ang immunoblot ay negatibo, ang immunoassay ay mali.[5] Umaabot ng anim hanggang walong linggo kasunod ng impeksiyon bago maging positibo ang pagsusuri ng immunoassay.[9]

Ang mga enzyme sa atay ay nagbabago habang nasa unang bahagi ng impeksiyon;[8] karaniwang nagsisimulang tumaas ang mga ito sa loob ng pitong linggo pagkatapos ng impeksiyon.[9] Ang mga enzyme sa atay ay hindi sapat na naiuugnay sa kalubhaan ng sakit.[9]

Biyopsiya

baguhin

Ang mga biyopsiya sa atay ay maaaring makaalam ng antas ng pinsala ng atay, ngunit mayroong mga panganib mula sa pamamaraan.[3] Ang karaniwang mga pagbabago na natutuklasan ng isang biyopsiya ay ang mga limposito sa loob ng tisyu ng atay, mga polikulang limpoid sa portadang may tatlong bahagi, at mga pagbabago sa mga maliliit na mga tubo ng apdo.[3] May ilang mga magagamit na pagsusuri ng dugo na sinusubukang alamin ang antas ng pinsala at ibsan ang pangangailangan ng pagsasagawa ng biyopsiya.[3]

Pagsusuri

baguhin

Kasing kaunti ng 5-50% ng mga taong mayroon nito sa Estados Unidos at Canada ang nakakaalam ng kanilang kalagayan.[25] Ang pagsusuri ay inirerekomenda sa mga taong may mataas na panganib, na kinabibilangan ng mga taong may mga tato (tatuwahe).[25] Ang pagsusuri ay inirerekomenda rin sa mga taong may mataas na mga enzyme sa atay dahil ito lamang ang madalas na palatandaan ng matagal at pabalik-balik na hepatitis.[31] Ang pangkaraniwang pagsusuri ay hindi inirerekomenda sa Estados Unidos.[5]

Pag-iwas

baguhin

Noong taong 2011, walang umiiral na bakuna para sa hepatitis C. Ang mga bakuna ay nasa ilalim pa ng pagbubuo at ang mga iba ay nagpakita ng nagbibigay pag-asang mga resulta.[32] Ang isang kumbinasyon ng mga istratehiya na pangontra, tulad ng programa sa pagpapalitan ng mga karayom at hiringgilya at paggagamot para sa pang-aabuso sa droga, ay nagpapababa ng panganib ng hepatitis C sa mga gumagamit ng pag-iniksiyon ng gamot sa ugat nang humigit-kumulang sa 75%.[33] Ang pagsusuri sa mga nagbibigay ng dugo ay mahalaga sa pambansang antas, tulad ng pag-ayon sa mga pangkalahatang pag-iingat sa loob ng mga pasilidad para sa pangangalagang pangkalusugan.[9] Sa mga bansa na mayroong kakulangan sa panustos ng mga isterilisadong hiringgilya, dapat ibigay ng mga nagbibigay ng pangangalaga ang mga gamot sa bibig sa halip na sa pamamagitan ng iniksiyon.[11]

Paggamot

baguhin

Ang HCV ay nanghihikayat ng matagal at pabalik-balik na impeksiyon sa 50–80% mga taong mayroon nito. Humigit-kumulang 40-80% ng mga kasong ito ay gumagaling sa pamamagitan ng paggamot.[34][35] Sa mga bihirang kaso, ang impeksiyon ay maaaring gumaling nang walang paggamot.[6] Ang mga taong mayroong matagal at pabalik-balik na hepatitis C ay dapat iwasan ang alak at mga gamot na nakakalason sa atay,[5] at dapat bakunahan para sa hepatitis A at hepatitis B.[5] Ang mga taong mayroong sirosis ay dapat magkaroon ng mga pagsusuri gamit ang ultrasound para sa kanser sa atay.[5]

Mga gamot

baguhin

Ang mga taong napatunayang mayroong hindi normal na atay na mayroong HCV ay dapat magpagamot.[5] Ang kasalukuyang paggamot ay isang kumbinasyon ng pegylated interferon at ng gamot na ribavirin na laban sa birus para sa 24 o 48 linggo, depende sa uri ng HCV.[5] Ang mas bumuti na mga kinalabasan ay nangyayari sa 50–60% ng mga taong ginamot.[5] Ang pagsasama sa alinman sa boceprevir o telaprevir sa ribavirin at peginterferon alfa ay pinabubuti ang pagtugon laban sa birus para sa hepatitis C na henotype 1.[36][37][38] Ang mga epekto ng paggamot ay karaniwan; kalahati ng mga taong ginamot ay nagkakaroon ng mga sintomas na parang trangkaso, at ang ikatlong bahagi ay nakakaranas ng mga problemang pang-emosyon.[5] Ang paggamot sa panahon ng unang anim na buwan ay mas epektibo kaysa pagkatapos tumagal at maging pabalik-balik ang hepatitis C.[12] Kung ang isang tao ay magkakaroon ng isang impeksiyon at hindi ito gumaling pagkatapos ng walo hanggang labindalawang liggo, inirerekomenda ang 24 na linggong paggamit ng pegylated interferon.[12] Para sa mga taong mayroong thalassemia (isang sakit sa dugo), ang ribavirin ay mukhang nakakatulong, ngunit pinatataas ang pangangailangan ng mga pagsasalin ng dugo.[39]

Ang mga nagbibigay ng proposisyon ay nagpapahayag ng ilang terapeutikang mga alternatibo para makatulong sa hepatitis C na kinabibilangan ng nakikilala sa Ingles bilang milk thistle (ang abroho o kardo, isang halamang gamot), ginseng, at pilak na koloidal (isang uri ng pamatay ng mikrobiyo).[40] Gayunman, walang terapeuktikong panghalili na naipakita upang mapabuti ang mga kinalabasan sa hepatitis C, at walang ebidensiyang umiiral na ang mga terapeutikong pamalit ay mayroong anumang epekto sa birus sa anumang paraan.[40][41][42]

Pagpapahayag ng kinalabasan ng sakit

baguhin

Ang mga pagtugon sa paggamot ay iba-iba ayon sa henotipo. Ang matagal na pagtugon ay humigit-kumulang 40-50% sa taong mayroong HCV na henotipo 1 na mayroong 48 na linggong paggamot.[3] Ang matagal na pagtugon ay nangyayari sa 70-80% ng mga taong mayroong HCV na henotipo 2 at 3 na mayroong 24 na linggong paggamot.[3] Ang matagal na pagtugon ay humigit-kumulang na 65% sa taong mayroong henotipo 4 na mayroong 48 na linggong paggamot. Ang ebidensiya para sa paggamot sa henotipo 6 na sakit ay kasalukuyang kakaunti, at ang ebidensiya na umiiral ay para sa 48 na linggong paggamot sa parehong mga dosis gaya ng sakit na may henotypo 1.[43]

Aral ukol sa epidemya

baguhin
 
Paglaganap ng hepatitis C sa buong mundo noong 1999
 
Bilang ng nawawalang taon sa buhay dahil sa sakit na para sa hepatitis C noong 2004 kada 100,000 mga naninirahan
  walang dato
  <10
  10-15
  15-20
  20-25
  25-30
  30-35
  35-40
  40-45
  45-50
  50-75
  75–100
  >100

Ang nasa pagitan ng 130 at 170 milyong mga tao, o ~3% ng populasyon ng mundo, ay namumuhay na mayroong matagal at pabalik-balik na hepatitis C.[44] Ang nasa pagitan ng 3-4 na milyong mga tao ay nagkakaroon nito kada taon, at mahigit sa 350,00 mga tao ang namamatay taun-taon mula sa mga sakit na may kaugnayan sa hepatitis C.[44] Ang mga bilang ay tumaas sa pangkalahatan noong ika-20 siglo dahil sa isang kombinasyon ng IDU at gamot na inilalagay sa ugat o hindi isterilisadong kagamitang pangmedisina.[11]

Sa Estados Unidos, humigit-kumulang 2% ng mga tao ang mayroong hepatitis C,[5] na may 35,000 hanggang 185,000 mga bagong kaso sa isang taon. Ang mga bilang ay bumaba sa Kanluraning Mundo mula noong 1990 dahil sa napabuting pagsusuri sa dugo bago ang pagsasalin.[12] Ang mga namamatay taun-taon dahil sa HVC sa Estados Unidos ay mula sa pagitan ng 8,000 hanggang 10,000. Inaasahan na ang bilang ng namamatay na ito ay tataas habang ang mga taong nagkaroon ng sakit sa pamamagitan ng pagsasalin bago ang pagsusuri para sa HCV ay magkakasakit at mamamatay.[45]

Ang bilang ng mayroong sakit na ito ay mas mataas sa ilang mga bansa sa Aprika at Asya.[46] Ang mga bansa na mayroong lubhang mataas na bilang ng mayroong sakit na ito ay kinabibilangan ng Ehipto (22%), Pakistan (4.8%) at Tsina (3.2%).[44] Ang mataas na bilang sa Ehipto ay iniuugnay sa inihinto na ngayong kampanya para sa pangmasang paggamot para sa schistosomiasis, na gamit ang hindi wastong isterilisadong hiringgilya na gawa sa salamin.[11]

Kasaysayan

baguhin

Noong kalagitnaan ng 1970, si Harvey J. Alter, Hepe ng Bahagi ng Nakakahawang Sakit sa Kagawaran ng Medisina sa Pagsasalin sa National Institutes of Health (Pambansang mga Instituto ng Kalusugan), at ang kanyang koponan ay nagpakita na ang karamihan sa mga kaso ng hepatitis na nangyari pagkatapos ng pagsasalin ng dugo ay hindi dahil sa mga birus ng hepatitis A o B. Sa kabila ng pagkatuklas na ito, ang mga pagsisikap para sa internasyunal na pananaliksik upang malaman ang birus ay nabigo para sa susunod na dekada. Noong 1987, sina Michael Houghton, Qui-Lim Choo, at George Kuo sa Chiron Corporation, na nakikipagtulungan kay Dr. D.W. Bradley mula sa Centers for Disease Control and Prevention (Sentro Para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit), ay gumamit ng isang bagong paraan ng molekular na pagkopya (ang cloning) upang malaman ang hindi nakikilalang mga organismo at bumuo ng isang pagsusuring diyagnostiko.[47] Noong 1988, pinatunayan ni Alter ang birus sa pamamagitan ng pagpapatunay sa pagkakaroon nito sa isang panel ng hindi A at hindi B na mga ispesimen ng hepatitis. Noong Abril 1989, ang pagkatuklas ng HVC ay inilathala sa dalawang mga artikulo sa pahayagang Science.[48][49] Ang pagkatulas ay humantong sa makabuluhang mga pagbuti sa diyagnostiko at pinabuting paggamot laban sa birus.[47] Noong 2000, ang mga manggagamot na sina Alter at Houghton ay pinarangalan ng Lasker Award for Clinical Medical Research (Gantimpalaang Lakser para sa Pampanggagamot na Pananaliksik na Pangklinika) para sa "pangunguna sa ginawa na nagbigay-daan sa pagkatuklas ng birus na nagdudulot ng hepatitis C at ang pagbuo ng mga pamamaraan ng pagsusuri na nagpababa sa panganib ng hepatitis na may kaugnayan sa pagsasalin ng dugo sa Estados Unidos mula sa 30% noong 1970 patungo sa talagang sero noong 2000."[50]

Nagsumite si Chiron ng ilang mga patente sa birus at ang diyagnostika nito.[51] Ang isang makompetensiyang aplikasyon ng patente ng CDC ay binitiwan noong 1990 pagkatapos magbayad ni Chiron ng US$1.9 milyon sa CDC at US$337,500 kay Bradley. Noong 1994, idinemanda ni Bradley si Chiron, na naghahangad na mapawalang-bisa ang patente, isinama ang kaniyang sarili bilang isang kasamang imbentor, at tumanggap ng mga bayad-pinsala at mga kabayaran sa ginawa para sa mga imbensiyon. Binitiwan niya ang demanda noong 1998 pagkatapos matalo bago ang mga pag-aapela sa hukuman.[52]

Lipunan at kultura

baguhin

Binuo ng World Hepatitis Alliance (Pandaigdigang Alyansa sa Hepatitis) ang World Hepatitis Day (Pandaigdigang Pagdiriwang ng Araw ng Hepatitis), na ginaganap nang taun-taon tuwing ika-28 ng Hulyo.[53] Ang pangkabuhayang gastos ng hepatitis C ay parehong mahalaga sa tao at sa lipunan. Sa Estados Unidos ang karaniwang panghabang-buhay na gastos ng sakit ay tinatayang nasa US$33,407 noong 2003,[54] at ang halaga ng isang pagpapalit ng atay ay nasa humigit-kumulang na US$200,000 noong 2011.[55] Sa Canada ang halaga ng isang serye ng paggamot laban sa birus ay naging kasingtaas ng 30,000 dolyar ng Canada noong 2003,[56] samantala ang halaga sa Estados Unidos ay nasa pagitan ng US$9,200 at US$17,600 noong 1998.[54] Sa maraming mga lugar sa mundo, ang mga tao ay hindi makaya ang paggamot na panlaban sa birus dahil sa kakulangan nila ng sakop ng seguro o kaya ang mga insurance na mayroon sila ay hindi nagbabayad para sa mga gamot na panlaban sa birus.[57]

Pananaliksik

baguhin

Noong 2011, humigit-kumulang isandaang mga gamot ang binubuo para sa hepatitis C.[55] Ang mga gamot na ito ay kinabibilangan ng mga bakuna para gamutin ang hepatitis, mga imyunomodulador (mga gamot na may epekto sa resistensiya ng katawan), at mga pumipigil na cyclophilin.[58] Ang may potensiyang mga bagong paggamot na ito ay dumating dahil sa mas mabuti nang pagkakaunawa sa birus ng hepatitis C.[59]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Ryan KJ, Ray CG (mga patnugot), pat. (2004). Sherris Medical Microbiology (ika-ika-4 (na) edisyon). McGraw Hill. pp. 551–2. ISBN 0838585299.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Houghton M (2009). "The long and winding road leading to the identification of the hepatitis C virus". Journal of Hepatology. 51 (5): 939–48. doi:10.1016/j.jhep.2009.08.004. PMID 19781804. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 3.10 Rosen, HR (2011-06-23). "Clinical practice. Chronic hepatitis C infection" (PDF). The New England journal of medicine. 364 (25): 2429–38. PMID 21696309. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-12-15. Nakuha noong 2012-07-07.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Maheshwari, A; Ray, S, Thuluvath, PJ (2008-07-26). "Acute hepatitis C.". Lancet. 372 (9635): 321–32. doi:10.1016/S0140-6736(08)61116-2. PMID 18657711.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. 5.00 5.01 5.02 5.03 5.04 5.05 5.06 5.07 5.08 5.09 5.10 5.11 5.12 5.13 5.14 5.15 5.16 5.17 5.18 5.19 5.20 5.21 Wilkins, T; Malcolm, JK, Raina, D, Schade, RR (2010-06-01). "Hepatitis C: diagnosis and treatment". American family physician. 81 (11): 1351–7. PMID 20521755.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Chronic Hepatitis C Virus Advances in Treatment, Promise for the Future. Springer Verlag. 2011. p. 4. ISBN 9781461411918.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 Nelson, PK; Mathers, BM, Cowie, B, Hagan, H, Des Jarlais, D, Horyniak, D, Degenhardt, L (2011-08-13). "Global epidemiology of hepatitis B and hepatitis C in people who inject drugs: results of systematic reviews". Lancet. 378 (9791): 571–83. doi:10.1016/S0140-6736(11)61097-0. PMID 21802134.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 Chronic Hepatitis C Virus Advances in Treatment, Promise for the Future. Springer Verlag. 2011. pp. 103–104. ISBN 9781461411918.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 9.5 Dolin, [edited by] Gerald L. Mandell, John E. Bennett, Raphael (2010). Mandell, Douglas, and Bennett's principles and practice of infectious diseases (ika-ika-7 edisyon (na) edisyon). Philadelphia, PA: Churchill Livingstone/Elsevier. pp. Chapter 154. ISBN 978-0443068393. {{cite book}}: |first= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  10. Mueller, S; Millonig, G, Seitz, HK (2009-07-28). "Alcoholic liver disease and hepatitis C: a frequently underestimated combination". World journal of gastroenterology : WJG. 15 (28): 3462–71. PMID 19630099.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  11. 11.00 11.01 11.02 11.03 11.04 11.05 11.06 11.07 11.08 11.09 Alter, MJ (2007-05-07). "Epidemiology of hepatitis C virus infection". World journal of gastroenterology : WJG. 13 (17): 2436–41. PMID 17552026.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 Ozaras, R; Tahan, V (2009 Apr). "Acute hepatitis C: prevention and treatment". Expert review of anti-infective therapy. 7 (3): 351–61. PMID 19344247. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  13. Zignego AL, Ferri C, Pileri SA, Caini P, Bianchi FB (2007). "Extrahepatic manifestations of Hepatitis C Virus infection: a general overview and guidelines for a clinical approach". Digestive and Liver Disease. 39 (1): 2–17. doi:10.1016/j.dld.2006.06.008. PMID 16884964. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  14. Louie, KS; Micallef, JM, Pimenta, JM, Forssen, UM (2011 Enero). "Prevalence of thrombocytopenia among patients with chronic hepatitis C: a systematic review". Journal of viral hepatitis. 18 (1): 1–7. PMID 20796208. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  15. Nakano T, Lau GM, Lau GM, Sugiyama M, Mizokami M (2011). "An updated analysis of hepatitis C virus genotypes and subtypes based on the complete coding region". Liver Int. doi:10.1111/j.1478-3231.2011.02684.x. PMID 22142261. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  16. Maheshwari, A; Thuluvath, PJ (2010 Pebrero). "Management of acute hepatitis C.". Clinics in liver disease. 14 (1): 169–76, x. PMID 20123448. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  17. 17.0 17.1 17.2 17.3 17.4 Pondé, RA; Mikhaĭlova, A (2011 Pebrero). "Hidden hazards of HCV transmission". Medical microbiology and immunology. 200 (1): 7–11. PMID 20461405. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  18. 18.0 18.1 Xia, X; Luo, J, Bai, J, Yu, R (2008 Oct). "Epidemiology of HCV infection among injection drug users in China: systematic review and meta-analysis". Public health. 122 (10): 990–1003. doi:10.1016/j.puhe.2008.01.014. PMID 18486955. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  19. Imperial, JC (2010 Hunyo). "Chronic hepatitis C in the state prison system: insights into the problems and possible solutions". Expert review of gastroenterology & hepatology. 4 (3): 355–64. PMID 20528122. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  20. Vescio, MF; Longo, B, Babudieri, S, Starnini, G, Carbonara, S, Rezza, G, Monarca, R (2008 Apr). "Correlates of hepatitis C virus seropositivity in prison inmates: a meta-analysis". Journal of epidemiology and community health. 62 (4): 305–13. PMID 18339822. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  21. Marx, John (2010). Rosen's emergency medicine: concepts and clinical practice (ika-7 edisyon). Philadelphia, PA: Mosby/Elsevier. p. 1154. ISBN 9780323054720.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Highest Rates of Hepatitis C Virus Transmission Found in Egypt". Al Bawaba. 2010-08-09. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-15. Nakuha noong 2010-08-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 23.2 Tohme RA, Holmberg SD (2010). "Is sexual contact a major mode of hepatitis C virus transmission?". Hepatology. 52 (4): 1497–505. doi:10.1002/hep.23808. PMID 20635398. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Hepatitis C Group Education Class". United States Department of Veteran Affairs. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-09. Nakuha noong 2012-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 25.0 25.1 25.2 25.3 25.4 25.5 Jafari, S; Copes, R, Baharlou, S, Etminan, M, Buxton, J (2010 Nov). "Tattooing and the risk of transmission of hepatitis C: a systematic review and meta-analysis" (PDF). International journal of infectious diseases : IJID : official publication of the International Society for Infectious Diseases. 14 (11): e928-40. PMID 20678951. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  26. "Hepatitis C" (PDF). Center for Disease Control and Prevention. Nakuha noong 2 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Lock G, Dirscherl M, Obermeier F; atbp. (2006). "Hepatitis C —contamination of toothbrushes: myth or reality?". J. Viral Hepat. 13 (9): 571–3. doi:10.1111/j.1365-2893.2006.00735.x. PMID 16907842. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  28. 28.0 28.1 28.2 "Hepatitis C". FAQ – CDC Viral Hepatitis. Nakuha noong 2 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. 29.0 29.1 Lam, NC; Gotsch, PB, Langan, RC (2010-11-15). "Caring for pregnant women and newborns with hepatitis B or C.". American family physician. 82 (10): 1225–9. PMID 21121533.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  30. Mast EE (2004). "Mother-to-infant hepatitis C virus transmission and breastfeeding". Advances in Experimental Medicine and Biology. 554: 211–6. PMID 15384578.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Senadhi, V (2011 Hulyo). "A paradigm shift in the outpatient approach to liver function tests". Southern medical journal. 104 (7): 521–5. PMID 21886053. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  32. Halliday, J; Klenerman, P, Barnes, E (2011 Mayo). "Vaccination for hepatitis C virus: closing in on an evasive target". Expert review of vaccines. 10 (5): 659–72. doi:10.1586/erv.11.55. PMID 21604986. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  33. Hagan, H; Pouget, ER, Des Jarlais, DC (2011-07-01). "A systematic review and meta-analysis of interventions to prevent hepatitis C virus infection in people who inject drugs". The Journal of infectious diseases. 204 (1): 74–83. PMID 21628661.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  34. Torresi, J; Johnson, D, Wedemeyer, H (2011 Jun). "Progress in the development of preventive and therapeutic vaccines for hepatitis C virus". Journal of hepatology. 54 (6): 1273–85. doi:10.1016/j.jhep.2010.09.040. PMID 21236312. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  35. Ilyas, JA; Vierling, JM (2011 Aug). "An overview of emerging therapies for the treatment of chronic hepatitis C.". Clinics in liver disease. 15 (3): 515–36. PMID 21867934. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  36. Foote BS, Spooner LM, Belliveau PP (2011). "Boceprevir: a protease inhibitor for the treatment of chronic hepatitis C". Ann Pharmacother. 45 (9): 1085–93. doi:10.1345/aph.1P744. PMID 21828346. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  37. Smith LS, Nelson M, Naik S, Woten J (2011). "Telaprevir: an NS3/4A protease inhibitor for the treatment of chronic hepatitis C". Ann Pharmacother. 45 (5): 639–48. doi:10.1345/aph.1P430. PMID 21558488. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  38. Ghany MG, Nelson DR, Strader DB, Thomas DL, Seeff LB (2011). "An update on treatment of genotype 1 chronic hepatitis C virus infection: 2011 practice guideline by the American Association for the Study of Liver Diseases". Hepatology. 54 (4): 1433–44. doi:10.1002/hep.24641. PMC 3229841. PMID 21898493. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  39. Alavian SM, Tabatabaei SV (2010). "Treatment of chronic hepatitis C in polytransfused thalassaemic patients: a meta-analysis". J. Viral Hepat. 17 (4): 236–44. doi:10.1111/j.1365-2893.2009.01170.x. PMID 19638104. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. 40.0 40.1 Hepatitis C and CAM: What the Science Says Naka-arkibo 2013-05-13 sa Wayback Machine.. NCCAM Marso 2011. (Retrieved 07 Marso 2011)
  41. Liu, J; Manheimer, E, Tsutani, K, Gluud, C (2003 Marso). "Medicinal herbs for hepatitis C virus infection: a Cochrane hepatobiliary systematic review of randomized trials". The American journal of gastroenterology. 98 (3): 538–44. PMID 12650784. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  42. Rambaldi, A; Jacobs, BP, Gluud, C (2007-10-17). "Milk thistle for alcoholic and/or hepatitis B or C virus liver diseases". Cochrane database of systematic reviews (Online) (4): CD003620. PMID 17943794.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  43. Fung J, Lai CL, Hung I; atbp. (2008). "Chronic hepatitis C virus genotype 6 infection: response to pegylated interferon and ribavirin". The Journal of Infectious Diseases. 198 (6): 808–12. doi:10.1086/591252. PMID 18657036. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  44. 44.0 44.1 44.2 "WHO Hepatitis C factsheet". 2011. Nakuha noong 2011-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Colacino, ed. by J. M. (2004). Hepatitis prevention and treatment. Basel: Birkhäuser. p. 32. ISBN 9783764359560. {{cite book}}: |first= has generic name (tulong); Unknown parameter |coauthors= ignored (|author= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. al., pinatnugutan nina Gary W. Brunette ... CDC health information for international travel : the Yellow Book 2012. New York: Oxford University. p. 231. ISBN 9780199769018.
  47. 47.0 47.1 Boyer, JL (2001). Liver cirrhosis and its development: proceedings of the Falk Symposium 115. Springer. pp. 344. ISBN 9780792387602.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. Choo QL, Kuo G, Weiner AJ, Overby LR, Bradley DW, Houghton M (1989). "Isolation of a cDNA clone derived from a blood-borne non-A, non-B viral hepatitis genome". Science. 244 (4902): 359–62. doi:10.1126/science.2523562. PMID 2523562. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  49. Kuo G, Choo QL, Alter HJ; atbp. (1989). "An assay for circulating antibodies to a major etiologic virus of human non-A, non-B hepatitis". Science. 244 (4902): 362–4. doi:10.1126/science.2496467. PMID 2496467. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  50. Winners Albert Lasker Award for Clinical Medical Research, The Lasker Foundation. Nakuha noong 20 Pebrero 2008.
  51. Houghton, M., Q.-L. Choo, at G. Kuo. NANBV Diagnostics and Vaccines. Patenteng Europeo Bilang EP-0-3 18-216-A1. European Patent Office (ipinasa ang talaksan noong 18 Nobyembre 1988, nailathala noong 31 Mayo 1989).
  52. Wilken, Judge. "United States Court of Appeals for the Federal Circuit". United States Court of Appeals for the Federal Circuit. Nakuha noong 11 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Eurosurveillance editorial, team (2011-07-28). "World Hepatitis Day 2011". Euro surveillance : bulletin europeen sur les maladies transmissibles = European communicable disease bulletin. 16 (30). PMID 21813077.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. 54.0 54.1 Wong, JB (2006). "Hepatitis C: cost of illness and considerations for the economic evaluation of antiviral therapies". PharmacoEconomics. 24 (7): 661–72. PMID 16802842.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. 55.0 55.1 El Khoury, A. C.; Klimack, W. K., Wallace, C., Razavi, H. (1 Disyembre 2011). "Economic burden of hepatitis C-associated diseases in the United States". Journal of Viral Hepatitis. doi:10.1111/j.1365-2893.2011.01563.x.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  56. "Hepatitis C Prevention, Support and Research ProgramHealth Canada". Public Health Agency of Canada. 2003. Nakuha noong 10 Enero 2012. {{cite web}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. Zuckerman, pinamatnugutan nina Howard Thomas, Stanley Lemon, Arie (2008). Viral Hepatitis (ika-3rd ed. (na) edisyon). Oxford: John Wiley & Sons. p. 532. ISBN 9781405143882. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  58. Ahn, J; Flamm, SL (2011 Agosto). "Hepatitis C therapy: other players in the game". Clinics in liver disease. 15 (3): 641–56. doi:10.1016/j.cld.2011.05.008. PMID 21867942. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  59. Vermehren, J; Sarrazin, C (2011 Pebrero). "New HCV therapies on the horizon". Clinical microbiology and infection : the official publication of the European Society of Clinical Microbiology and Infectious Diseases. 17 (2): 122–34. PMID 21087349. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)