Ang Hepatitis D na tinutukoy rin bilang hepatitis D virus (HDV) at inuri bilang Hepatitis delta virus ay isang sakit na sanhi ng isang maliit na sirkular na napapalibutang is RNA virus. Ito ay isa sa mga alam na hepatitis virus: A, B, C, D, and E. Ang HDV ay itinuturing na isang subviral satellite dahil ito ay maaaring lumaganap sa presensiya ng hepatitis B virus (HBV). Ang transmisyon o pagpasa ng HDV ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng sabay na impeksiyon ng HBV (kapwa impeksiyon) o nakapatong sa kronikong hepatitis B or hepatitis B katayuang tagadala (superimpeksiyon). Ang parehong superimpeksiyon at kapwa impeksiyon ng HDV ay nagreresulta sa mas malubhang mga komplikasyon kumpara sa impeksiyon ng HBV lamang. Ang mga komplikasyong ito ay kinabibilangan ng mas malaking pagiging malamang ng pagdanas ng pagkabigo ng atay sa mga impeksiyong acute at isang mabilis na pagpapatuloy sa cirrhosis ng atay na may dumagdag na tsansa ng pagbuo ng atay sa kanser sa mga impeksiyong kroniko. Kung pagsasamahin sa hepatitis B virus, ang hepatitis D ay may pinakamataas ng rate ng mortalidad(kamatayan) sa lahat ng mga impeksiyong hepatitis ng 20%.

Hepatitis D
Klasipikasyon ng mga virus
Group:
Group V ((-)ssRNA)
Orden:
Unassigned
Pamilya:
Unassigned
Sari:
Espesye:
Hepatitis delta virus
Hepatitis D
EspesyalidadInfectious diseases Edit this on Wikidata