Si Hera ay ang kapatid na babae at asawa ni Zeus, ayon sa mitolohiyang Griyego. Siya ang Reyna ng mga diyos, at tinaguriang diyosa ng kagandahan ng kasal o pakikipag-isang-dibdib.[1][2] Madalas na ikagalit at ipagselos ni Hera ang palagiang pagkakaroon ng pakikipag-ugnayan ni Zeus sa ibang kababaihang mga diyosa at tao, na nagkakaroon ng mga supling dahil kay Zeus.[1][2] Inalalayan niya ang mga Griyego sa kanilang pakikipagdigma laban sa mga Troyano. Tinatangkilik niya ang mga lungsod ng Misenea, Isparta, at Argos. Tinatawag siyang Juno o Huno sa mitolohiyang Romano.[1] Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Uni.

Si Hera.

Nangangahulugang ang katawagang Hera para sa kaniya ng "luningning ng kalangitan" o "dilag"[3][2]

Bukod sa mga lungsod, may paborito rin siyang mga hayop: ang paboreal at ang baka.[2]

Bilang Reyna ng mga diyos, katangian niya ang kagandahan at pagiging mapagmalaki. Nagsusuot siya ng ginintuang mga sandalyas, at may ginintuang trono.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Hera, Juno". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Hera, Juno". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 357.
  3. Salin ng Ingles na: splendor of heaven at lady.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.