Herpes
Ang herpes[1][2] o herpes simpleks birus[3] (Ingles: herpes simplex virus, genital herpes), buni sa Tagalog, ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik na dulot ng impeksiyong biral o mula sa isang birus. Lumilitaw ito mga dalawa hanggang pitong araw pagkaraan mahawa. Madaling makahawa sa ibang tao ang herpes kapag nasa panahon pa ng kawalan ng mga palatandaan.[2]
Mga palatandaan
baguhinKabilang sa mga napapansing mga palatandaan ang pagkakaroon ng lagnat, paglitaw ng mga kumpul-kumpol na mga paltos na kahawig ng bulutong tubig, pananakit ng mga paltos na ito kapag umiihi, pananakit ng titi o kiki kung nakikipagtalik, pagkaranas ng pananakit ng mga hita, binti at puson, at ang pagkakaroon mga sugat sa may bukana ng titi, kiki at puwitan. Sa mga kababaihan, nagkakaroon ng pangangati at pananakit ng mga paltos sa loob at labas ng puki. Bukod sa nakakahawa kahit wala pang lumalabas na mga palatandaan, madali ring makahawa ang herpes kung lumitaw na ang sintomas na mga paltos at sugat, kahit nabigyan na ng lunas. Nagpapabalik-balik ang sakit at patuloy na dumarami ang birus mga dalawa magpahanggang anim na ulit sa loob ng isang taon habang buhay ang mga ito.[2]
Mga kalubhaan
baguhinKabilang sa mga nagiging kumplikasyon mula sa sakit na herpes ang pagkakaroon ng kanser sa “leeg-leegan” ng matris o cervix, pagkabulag, pagkasira ng ulo, pagkabaog, at pamamaga ng mga tisyu sa bahay-bata (Ingles: pelvic inflammatory disease, PID). Kung nagdadalang-tao ang babae, may pagkakataong mahawa at mamatay habang nasa sinapupunan ang sanggol na dinadala.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ "Herpes." Sexually Transmitted Diseases/Mga Sakit na Nakukuha sa Pakikipagtalik Naka-arkibo 2008-08-29 sa Wayback Machine., HealthInfo (PDF), Mount Carmel Health, Ohio State University Medical Center/OhioHealth, Columbus, Ohio, healthinfotranslations.org, healthinfotranslations.com (serbisyong pampubliko, walang restriksiyon sa kopirayt), Hulyo 2007 (Tagalog at Ingles), nakuha noong 8 Agosto 2008
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 "Herpes" Naka-arkibo 2008-03-14 sa Wayback Machine., Sexually Transmitted Infection, "Ano ang STI?", Healthy Body STI/HIV-AIDS, NEWS, Foundation for Adolescent Development/PATH Foundation Philippines, Inc./Kabalikat ng Pamilyang Pilipino Foundation, Inc., Quiapo, Maynila, Teenfad.ph, 2000, (Tagalog), nakuha noong: 13 Marso 2008
- ↑ Pagbabaybay ayon sa ortograpiya.