Heuristika
Ang Heuristika (Ingles: heuristics mula sa Griyegong "Εὑρίσκω", "hanapin" o "tuklasin") ay tumutukoy sa batay-sa-karanasang mga teknika ng paglutas ng problema, pagkatuto, at pagtuklas. Kung saan ang puspusang(exhausting) paghahanap ay hindi praktikal, ang mga paraang heuristiko ay ginagamit upang mapabilis ang proseso ng paghahanap ng sapat na solusyon. Ang mga halimbawa ng paraang ito ay kinabibilangan ng "patakaran ng hinlalaki"(rule of thumb) na isang edukadong paghula, intuitibong paghatol o sentido komon.