Si Hiawatha, na nakikilala rin bilang Ayenwatha, Aiionwatha, o Haiëñ'wa'tha (sa Onondaga)[1] ay isang maalamat na Amerikanong Katutubong pinuno at kasamang tagapagtatag ng kumpederasyang Iroquois. Alinsunod sa napiling bersiyon ng salaysay, si Hiawatha ay namuhay noong ika-16 na daantaon at siya ang pinuno ng mga Onondaga o kaya ng mga Mohawk.

Isang estatwa ni Hiawatha, na nililok sa marmol ni Augustus Saint-Gaudens.

Si Hiawatha ay isang tagasunod ni Dakilang Tagagawa ng Kapayapaan, isang pinunong propeta at espirituwal, na nagmungkahi ng pag-iisa ng mga taong Iroquois, na nagsasalu-salo ng magkakahalintulad na mga wika. Si Hiawatha, na isang may kasanayan at may karismang mananalumpati[kailangan ng sanggunian], na nakatulong sa paghikayat sa mga Seneca, Cayuga, Onondaga, Oneida, at mga Mohawk, na tanggapin ang pananaw ng Dakilang Tagagawa ng Kapayapaan at magsama-sama sila upang maging Limang mga Bansa (Limang mga Nasyon) ng kumpederasyang Iroquois. Sa pagdaka, sumanib sa Kumpederasya ang Tuscarora upang Ikaanim na Bansa (Ikaanim na Nasyon).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bright, William (2004). Native American Place Names of the United States. Norman: University of Oklahoma Press, ISBN 0-8061-3576-X pg. 166

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.