Estasyon ng Tayuman (LRT)

ay isang himpilan sa Manila LRT Yellow Line (LRT-1)
(Idinirekta mula sa Himpilang Tayuman ng LRT)

Ang Estasyong Tayuman ng LRT (Ingles: Tayuman LRT Station) ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Tayuman. Nagsisilbi para sa Sta. Cruz na nasa Maynila ang estasyon at matatagpuan sa kanto ng Abenidang Rizal at Kalye Tayuman. Ipinangalan ang estasyon mula sa Kalye Tayuman.

Tayuman
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Pahilagang LRT sa Estasyong Tayuman
Pangkalahatang Impormasyon
Lokasyon1921 Abenida Rizal pgt. Kalye Tayuman, Santa Cruz, Maynila 1014
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaLRT Line 1
PlatapormaGilid ng plataporma
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNakaangat
Ibang impormasyon
KodigoTA
Kasaysayan
NagbukasMayo 12, 1985
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Baclaran

Nagsisilbi bilang pang-walong estasyon ang estasyong Tayuman para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at bilang pang-labintatlong himpilan para sa mga treng patungo sa Roosevelt. Isa rin ito sa limang estasyon ng LRT na naglilingkod sa distrito ng Santa Cruz, ang iba pa ay Blumentritt, Bambang, Doroteo Jose, at Carriedo.

Mga kalapit na palatandaang pook

baguhin

Dahil sa malapit ito sa himpilang Blumentritt, na nasa hilaga ng Tayuman, malapit ang himpilan sa lumang Hipodromo ng San Lazaro, na inuupuan ng SM City San Lazaro ngayon. Ang mga iba pang kalapit na mga palatandaang pook ay ang kompuwesto ng Ospital ng San Lazaro na kinaroroonan ng punong tanggapan ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH); ang Bulaklakan ng Dangwa, Simbahan ng Espiritu Santo, Avida Towers San Lazaro, Celadon Manila Park and Residences, at Vertex BPO Towers. Kilala ang Kalye Tayuman sa pagitan ng Abenida Rizal at Kalye Felix Huertas bilang Religious Articles Haven dahil sa madami nitong tindahan ng mga bagay panrelihiyon tulad ng SVD-Catholic Trade Manila Inc. at Sto. Nino Religious Articles.

Mga kawing pangpanlalakbay

baguhin

Tulad ng Blumentritt, ang mga mananakay ay maaaring kumuha ng mga dyip o taxi papunta sa Tayuman. Ang mga bus na dumadaan sa Abenida Taft ay humihinto rin sa himpilan.

Dahil sa malapit ito sa SM City San Lazaro, ang mga dyip at taksi ay nagdadala ng mga pasahero papunta at palabas ng pasyalan.

Pagkakaayos ng Estasyon

baguhin
L2
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, Tayuman Center (pahilaga)
L1 Daanan Dambanang Arkidiyosesis ng Espiritu Santo, Paaralang Parokyal ng Espiritu Santo, Ospital ng San Lazaro, Kagawaran ng Kalusugan, Tayuman Center (pahilaga)

14°37′00.46″N 120°58′57.93″E / 14.6167944°N 120.9827583°E / 14.6167944; 120.9827583