Hindi pinlanong pagbubuntis
Ang Hindi pinlanong pagbubuntis o Hindi inaasahang pagbubuntis (Ingles: Unplanned pregnancy o Unwanted pregnancy) ay isang pagbubuntis na wala sa panahon, hindi pinlano, o hindi ginusto sa panahon ng paglilihi. Ang pagtatalik na hindi gumagamit ng kontraseptibo o panggagahasa ay pangunahing sanhi ng hindi inaasahang pagbubuntis sa mga babae at tinatayang 45% ng lahat ng pagbubuntis. Ang resulta ng hindi pinlanong pagbubuntis ay nauugnay sa maramaing mga kinalalabasang kahirapan sa ina o mga anak gaya ng kahirapan, oberpopulasyon, pag-abandona sa sanggol o aborsiyon.