Hiparco

(Idinirekta mula sa Hipparchus)

Si Hiparco ng Nicea, kilala rin bilang Hiparco lamang (Ingles: Hipparchus o Hipparch, Griyego: Ἵππαρχος, Hipparkhos; bandang 190 BK – bandang 120 BK) ay isang Griyegong astronomo, heograpo, at matematiko noong kapanahunang Helenistiko. Siya ang tagapagtatag ng trigonometriya.[1]

Hiparco
Kapanganakan190 BCE (Huliyano)
  • (İznik, Lalawigan ng Bursa, Turkiya)
Kamatayan120 BCE (Huliyano)
MamamayanKaharian ng Pergamon
Trabahoastronomo, matematiko, heograpo

Ipinanganak si Hiparco sa Nicea (o Nicaea), Bithynia (kasalukuyang Iznik, Turkiya). Isa sa kanyang pangunahing tuklas ang pagbabago ng pinag-iinugan (painugan o aksis) ng rotasyon ng mga ekwinoks (galaw ng mundo na naglalagay dito sa bahagyang may kakaibang anggulo sa mga bituin, sa isang ibinigay na araw, taun-taon). Itinuturing si Hiparco bilang pinakamahusay na astronomo noong kanyang kapanahunan. Isinamapa niya ang halos 1,000 mga bituin. Nagkaroon din si Hiparco ng impluwensiya sa teoriya ni Tolomeo hinggil sa sanlibutan.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Hipparchus". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa H, pahina 334.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya at Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.