Hipolito ng Roma
(Idinirekta mula sa Hippolytus of Rome)
Si Hippolytus ng Roma (170 – 235) ang pinakamahalgang teologo sa simbahang Kristiyano sa Roma kung saan siya malamang na ipinanganak.[2] Siya ay inilarawan ni Photios I ng Constantinople sa kanyang Bibliotheca (cod. 121) bilang isang alagad ni Irenaeus na sinasabing alagad ni Polycarp.[3] Siya ay nakipag-alitan sa mga obispo ng Roma at tila namuno sa isang humiwalay na pangkat bilang isang katunggali ng Obispo ng Roma.[3] Dahil dito, siya ay minsang itinuturing na antipapa. Kanyang sinalungat ang mga Obispo ng Roma na nagpalambot ng sistmeang pang-penitensiya upang angkopan ang malalaking bilang ng mga akay na pagano.[3] Gayunpaman, napakamalamang na siya ay nakipagkasundo sa simbahan nang siya ay mamatay bilang isang martir. [3]
Saint Hippolytus of Rome | |
---|---|
Martyr | |
Ipinanganak | 170 Rome |
Namatay | 235 Sardinia |
Benerasyon sa | Roman Catholic Church, Eastern Orthodox Church |
Kanonisasyon | Pre-Congregation |
Kapistahan | Roman Catholic Church: Agosto 13 Eastern Orthodox Church: Enero 30 |
Patron | Bibbiena, Italy; horses; prison guards; prison officers; prison workers[1] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Patron Saints Index: Saint Hippolytus of Rome
- ↑ Trigilio, John; Brighenti, Kenneth. Saints For Dummies. For Dummies, 2010. p. 82. Web. 20 Apr. 2011.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Cross 2005